CHAPTER I

27 2 0
                                    

SOMEWHERE and WHATEVER (summer vacation)

''Oi!!! Nakita niyo ba yung shoot ko 3 points yun, yes.'' sabi ng isa sa mga tambay na naglalaro ng basketball na naka shoot ng three points. Sus!!! Para 3 points lang halos mamatay na siya sa ngiti. Kaya ko rin kaya yan hoy! Di lang ikaw may kaya niyan.

''Wow! Ang galing mo kalahati ng court yun ah.''sabi nung isa sa mga kalaro niya na manghang mangha yung mga mata.

Nanonood ako sa tatlong magbabarkada na naglalaro ng basketball, nasa isang sulok lang ako ng court habang naka-upo sa sahig, nakasuot ako ng jacket na blue at nakaka-cap na black, syempre 'di mawawala ang black na wig ko noh, kung makikita niyo ako ngayon hindi niyo aakalaing babae ako dahil sa itsura ko na mukhang lalaki wait correction hindi lang basta basta na lalaki dahil may itsura o gwapo ako tingnan pag ang suot ko eh mga gamit ng lalaki. Sa mga nakakakita po sa akin wala po akong balak na nakawan kayo mabait po akong tao. I PROMISE CROSS MY HEART UNTIL YOU DIE. XP . May isa pang lalaki na nakaupo dun sa bench sa may tabi nung court at halatang pagod ito katatapos lang atang mag-jogging, hindi ko masyado makita ang mukha niya dahil nakayuko siya. Biglang may dumating na limang lalaki.

''Oy! Mga lampa umalis nga kayo dito!!!'' sabi ng isa sa mga lalaking kadarating lang na halos lahat sila mukhang kalahi ng unggoy.

''Hoy!'' sabi ng nung lalaki na nagpapahinga kanina dun sa bench.

''Bakit?.'' sabi nung isa sa mga unggoy.

''Ang lalaki niyo na nang bubully pa kayo'' HAHAHAHAHA!!!!!. nakakatawa naman 'to sinabi 'nya yun na may wierd accent parang alien lang!!!. Naintindihan ko naman yung sinabi niya kahit yung sabi niya eh ....

''Eng leleki neyo na neng bubully pe keyo''

HAHAHAHAHA!!!!!!

Pero yung mga mga unggoy parang hindi naintindihan kaya ang mga mukha hahahahahahaha. NAKAKATAWA!!!!!

''Hoy! Gusto mo ba ng away?'' sabi nung isang unggoy wait! hindi siya mukhang unggoy pogi eh... parang naintindihan 'yung sinabi ni mr. alien accent.

''Sure!'' aba lakas ng confidence nitong isang to ah.

''payb -(five) vs. payb tayo unang makapoint panalo.''

''Sure'' aba lakas talaga ng confidence nitong si mr. alien accent ah...

''Ha! Paano niyo naman magagawa yun kung apat lang kayo tapos lima kami???''

Nakita ako nung lalaki at lumapit sa akin. Sa paglapit niya sa akin napansin ko na ang puti ng balat niya, matangkad at gwapo para bang model. Ang gwapo niya habang papalapit siya sa akin para akong prinsesa na sinusundo ng prince ko.

Eh!!! Anong nangyayari sa akin kalimutan ko na nga lang kung anong sinabi ko wala akong time para sa mga ganyan, pero parang nakita ko na siya dati nakalimutan ko lang kung saan. Nah!!!! wala hindi ko nga siya kilala ehh!!!

Nagulat ako nung nasa harap ko na kaagad siya and ang tangkad niya grabe mga 6'2 tapos ako.... wag niyo na alamin nakaka-depress lang basta matangkad ako matangkad ako, oo tama matangkad ako... sa isip ko nga lang. Inaya niya ako na makipaglaro, pumayag naman ako. Ngayon lima na sila ah! I mean kami pala magsisimula na kami, sabi nung kalaban kahit maka-isang point lang daw kami o sila ay yun na yung panalo. Bago magsimula yung laban sabi sa akin nung isa sa mga teammate ko, si mr. alien accent.

''It looks like their pretty strong huh???''

''Not really. Their bodies are just big but their not that strong'' WOW english 'yun muntik na akong ma-nosebleed dito ah... JOKE konting english pa lang 'yon pag marami na, nose bleed na ako...

Bangungot ni Snow WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon