A/n: Eto na po yung chapter 2 kaya lang part 1 pa lang..
Sorry po kung natagalan sa pag-update....
CHAPTER II.1
*YAWN*
''AAAHHHH!!!!!''
Ang lambot ng kama ko ang sarap matulog. Sarap matulog sa kama, wait!!!! nasaang bahay ako???!!!
''AAAAAHHHHH!!!!!!'' pagkasigaw ko saka ko lang naalala ang mga nangyari kahapon. Nasa bahay ako ni Cold, ung stranger na super gwapo na na-meet ko kahapon na nagpastay sa akin sa bahay niya kahit hindi pa niya alam ang pangalan ko.
In short si Cold.
Pagtingin ko sa paligid ko ang masasabi ko lang ay...
ANG GANDA NG KWARTO KO NGAYON MGA madlang human!!!!
6:00 am na pala kaya tumayo na ako at ginawa ang mga morning routines ko dito sa AKING NAPAKAGANDANG KWARTO. Yabang ko ba??? Di noh... masaya lang ako kasi may matutulugan na ako after so many years!!! 'Kaw kaya try mo matulog sa kalsada for one week tapos magkaroon ka ng ganito kagandang kwarto, tignan ko lang kung hindi ka maging masaya. Pero kung hindi ka magiging masaya ibang usapan na 'yon may problema ka na. Sabihin mo lang sa akin ihahatid pa kita sa mental hospital.
So ayun lumabas na ako ng kwarto KO at dumeretso sa kitchen. Parang akin yung bahay, alam na alam ang bawat sulok ng bahay.
JOKE!!!
naliligaw na nga ako eh... HELP ME PLIS!!!!
Ngayon ko lang napansin, sa dami ng paikot-ikot na nagawa ko para ngang nakasakay ako sa merry go round na puno ng magagandang bagay. At sa huli, napagtanto ko na ang ganda pala talaga ng bahay niya.
guardian angel: Axi, ano ba kagabi mo pa sinasabi na ang ganda ng bahay niya. 'Wag kang paulit-ulit ha!!! 'wag mo namang ipamukha na mahirap ka nakakahiya kasi alam mo namang iisa lang tayo, kahit tagapayo mo lang ako.
guardian devil: Oo nga Axi ituring mo na rin na bahay mo 'yan dahil 'di ba sabi niya dito ka na titira. ''feel at home'', and ''you can stay here forever'' 'di ba 'yan yung sabi niya, so just feel at home and stay here forever or stay here to infinity and beyond.
Then may sumigaw ng...
''AXI!!! COME HERE BREAKFAST IS SERVED!!!''
Syempre si ako punta kung saan nanggaling 'yun sigaw, syempre alangan naman na ikaw 'yung pumunta 'dun eh.. pangalan ko 'yung tinawag. So ayun nakita ko si Cold naglalagay ng gatas sa cereal na kakainin niya, parang bata lang!!! ANG CUTE!!!
''Come here eat your breakfast and take a shower and change your clothes alright!'' he said while eating his breakfast habang hindi nakatingin sa akin.
Si ako naman ayun kumain na rin ng cereal. 'Wag na kayo magtaka kung hindi ako namangha sa ganda ng dining area niya, sanay na ako kahapon pa, tsaka pagod na yung panga ko, nakakangawit rin pala 'yun noh?
Habang nakain ako naalala ko yung sinabi niya ''take a shower and change your clothes alright!'' saka ko lang naisip na nasa ibang lugar nga pala ung mga damit ko. Napatigil tuloy akong kumain kakaisip ng paraan para makuha yung gamit ko, baka nanakaw na yun o 'di kaya kinuha lahat ng laman nun HAAAAYYY!!!! andun pa naman 'yung mga personal things ko. Wag nyo na alamin kung ano-ano yun, baka magtaka lang kayo sa akin, kung ano ang laman nun.
''Hey! What's wrong? Why did you stop eating?'' he said while looking at me and may napansin ako sa mukha niya. Kumuha ako ng tissue at lumapit ng konti sa kanya. Pinunasan ko yung cereal na nasa mukha niya. KYAAAAA!!! Kilig much naman ako doon sa ginawa ko... Axi bad yung gingwa mo..
BINABASA MO ANG
Bangungot ni Snow White
Teen FictionA girl na boy na girl naman talaga na in short ay tomboy na girl, na hindi naniniwala sa mga fairy tales ay magkakaroon ng buhay ng isang prinsesa at prinsipe. Dahil sa kanyang SEVEN DWARFS ang tahimik niyang buhay ay naging living hell. BAKIT???? ...