Gutom at Pawisang Naglalakad si Lando, at sinusuyod ang mga Security Agencies, upang makahanap ng bakanteng Trabaho,SI Lando, isang Probinsyano, at baguhan lamang sa siyudad,
dahil sa paghina ng ani nila sa bukid, ay napilitang Lumuwas ng siyudad, at pinuntahan ang Pinsang si Oscar, nagbabakasaling matulungan sya ng Pinsan at makahanap ng Trabaho, yung maayos at minnimum ang sahuran,
Sa katulad kasi niyang walang pinag-aralan, ay hirap siyang humanap ng trabaho, yung tinatawag na maayos na trabaho, sa Probinsya kasi nila, sa twing luluwas ng bayan, ay sa paglalabor lang sya bumabagsak, at kulang na kulang pa ang kinikita, para makatulong sa mga magulang niya,
Kahit Mahina ang Loob niya't mahiyain, ay pinipilit ang sariling pasukin ang bawat Ahensyang dinaraanan, habang bitbit ang isang Envelope, laman ng mga Papelis nya, mula sa Training Center for Security Guard,
Pero Mailap sa kanya ang swerti, hindi siya matanggap tanggap, ang dahilan ng bawat nag-iinterview sa kanya, ay wala pang bakante para sa Guwardya,
Ang totoo, ayaw lang syang tanggapin, dahil bukod sa hindu Eksperensyado, ay halata pa, na walang ka-alam alam,
Kasalukuyang mainit ang araw ng matanaw niya ang Black Armour Agency,
"Last na ito!, pag hindi pa ako natanggap!, babalik na lang ako sa probinsya!" mangiyak ngiyak niyang wika sa sarili,
At pumasok nga siya sa loob ng Opisina,
Napansin niya, ang kaliitan ng loob nito, tahimik at mainit pa, na parang walang Aircon,
At ang ipinagtataka niya ay kakaiba ang titig ng babae sa kanya, at iisa lamang ang taong naroroon sa loob,
"Magandang tanghali po," pagbati nyang bahagyang nakayuko,
"Pasok ka!" wika ng babaeng nakaupo,
"Ahh! Mag-aaply po sana ako bilang Guwardya," wika ni Lando,
"Yung Pintuan, Pumasok ka roon," sagot ng babae,
"Salamat po," at tinungo niya iyon, kumatok sya, at pinagbuksan naman siya ng Pinto,
Isang lalaki, na tantiya niya ay ang Manager ng Ahensyang iyon,
Ipinasa niya ang Papelis at Ininterview naman siya ng lalaki,
At di siya makapaniwalang tanggap agad siya,
"Hindi man lang ako pinahirapan sa Interview ahh, yan ang mga mabubuting tao, marunong tumingin sa taong kapos at nangangailangan,"
hindi tulad ng ibang Agency, na andaming katanungan," wika niya sa sarili niya,
"So Pinsan, kailan ang duty mo?" tanong ng pinsan niyang si Oscar, na nagtatrabaho sa Mall,
"Bukas ng gabi insan, at binigay sa akin ang Address, hanapin ko na lang ito, bahay nga pala ito ng Manager namin," napapangiti niyang wika sa pinsan,
"Ayos Insan, Atleast may trabaho ka na, at malaki laki naman ang bigay," pabati ng Insan niya,
"Oo insan at mabait pa ang Operation manager namin," pagyayabang pa niya,
"Goodluck Insan, kaya sa Security kita pina Training, dahil stedy may trabaho ka, at daming mga agency na kumukuha ng Security, di tulad sa trabaho ko, every 6month, finish ng kontrata, tapos hirap pang maghanap ng panibagong trabaho, kasi mga kalaban mo, puro Graduated," paliwanag Pa nito,
"Salamat insan," sambit niya,
Kinabukasan ng Gabi, ay naghanda na siya sa kanyang Duty,
tinungo ang Jep, at sinabi sa drayber na ibaba siya sa Address na iyon,
"Iho, bakit ka pala baba roon?" takang tanong ng driver,
"Doon po sana ako ma-aassign sa trabaho bilang Security, bakit nyo po pala natanong?" habang nasa Frontseat din siya,
"Ahh ganoon ba, ang pagkakaalam ko kasi, yung bababaan mong lugar, madilim, walang katao tao, at isa pa, may nagpapakita sa daang iyon lagi," wika ng drayber,
"Ahh! Ehh! Manong wag naman kayong manakot!?, first time trabaho ko ba naman to," wika niya na may halong galit,
"ahh ganoon ba, sigey Pasensya ka na ahh!" pagpapaumanhin ng driver,
At lumarga na ang sasakyan, ibinaba naman siya ng driver sa lugar na sinasabi niya,
"May kadiliman nga ang lugar na ito, at bakit maraming Puno?, saan kaya rito ang Compound ni Sir," wika niya sa sarili na may halong kaba,
Maya maya'y dumating ang Single Motor, at hinintuan sya,
"Oh Lando, sakay ka na saakin, at ihated na kita sa Compound ko," wika ng boss niya,
at sumakay naman siya,
Nagtataka siya, dahil walang kabahayan ang dinadaanan nila, mga puno, pero maayos ang pagkakahilera ng mga Puno,
"Siguro, may mayaman na nagmamay-ari nito, at baka isang araw, ipaputol upang gawing Village," aniya sa sarili,
Maya maya'y, pinasok ng Motor na iyon ang loob ng kakahuyan, bagamat walang kalsada roon,
hanggang bumungad sila sa isang bakanteng Lote, at May nakatayong Bahay, tatlong bahay, at may kalakihan ang Compound nito,
Pumasok sila roon,
"Ano, Lando?, okey lang ba to sayo?" tanong ng boss niya,
"Okey lang po!, maganda nga rito, siguradong walang makakarating na handang magnakaw, kasi malayo kayo sa ibang kabahayan," natatawa pa niyang wika,
"Sigey, basta, every 6 ang duty mo okay," paalaala ng boss niya,
Maya maya'y pumuwesto na siya sa kanyang Guard House, sa tabi ng Gate,
Pinagmasdan niya ang Paligid ng Compound, Tatlong halos magkakadikit na up and down na house, at may Garden naman sa paligid,
Pero ang ipinagtataka ni Lando, bakit dito sila nagpatayo ng bahay?
"Ganito talaga ang mayayaman, gusto'y walang kapitbahay"...
BINABASA MO ANG
LUMANG COMPOUND
HorrorMatutuklasan ni Lando ang Misteryusong bumabalot sa Lumang Compound. Mababa lang po ito.. AUTHOR NOTE: Ang mga nilalaman po ng k'wentong ito ay sadyang likha lamang ng aking malikot na imahinasyon at kong may pagkakahalintulad man, 'yon ay nagkataon...