Samantala
narating ng dalawa ang may kalapitan sa Compound na iyon,
Tumigil ang Pidecab at Lumabas ang matandang Drayber, Tumakbo ito papunta sa Kakahuyan,
"Saan po kayo pumupunta? bat niyo susuyurin ang looban ng mga Puno?" takang tanong ni Oscar,
"Nandirito ang Compound, kayat sumunod ka lang okey," wika ng matanda,
Hanggang sa bumungad sila sa May Kalsada, sa Harapan nitoy ang Compound,
Mabilis ang Takbo nila Tungo roon, at binuksan iyon,
at Nadatnan nila si Lando, na nakahiga sa kahoy na mahabang bangko,
Umuungol siya, na na naginip, binabangungut, hingal na hingal at naliligo sa sarili niyang pawis habang nakapikit ang mga mata,
"Lando! Gising!" Tinapik tapik siya at niyugyug ng dalawa, pero ayaw magising, patuloy sa bangungut,
"Kunin mo ang Container na may lamang tubig sa loob ng Pedicab!, bilisan mo!" utos ng matanda kay Oscar,
at agad namang tumalima, matulin na tinungo ang Pedicab upang kunin ang Tubig na iyon,
at Narating nga niya't buong lakas na binuhat, at bumalik sa Compound,
Samantala, Humihiyaw si Lando habang nagpupumiglas mula sa pagkakahila ng mga kaluluwa sa kanya,
Nais nilang Sunugin si Lando,
Malapit na! Malapit na siya sa umaalab na apoy, isang dipa na lang, masusunog na siya,
Bigla siyang sumigaw ng maramdaman niya ang init ng mapalapit na siya sa apoy,
Nang biglang ibuhos sa kanya ng matanda ang Tubig,
"Hhhhuuuuhhhh!!!"
sigaw ni Lando, kaagad napabalikwas at napaupo mula sa masamang panaginip na iyon,
"Insan!, ano tong nangyari sayo!, bakit dito ka nagduduty?!" wika ni Oscar,
at inilingon naman ni Lando ang mga mata sa Compound na iyon,
Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan,
Paano niya naatim mamalagi rito ng tatlong gabi,
Isang napakalumang tatlong malalaking bahay, sira ang mga bintana, sunog pa ang simentadong bahagi nito, at wala namang mga tanim o mga bulaklak sa harden na iyon
bagkus mga lumang kagamitan,
hindi makapaniwala si Lando,
Tumayo siya, at magkasama ang tatlo na tumakbo tungo sa kinaroroonan ng Pedicab, after nilang marating ay pinatakbo iyon ng mabilis ng matanda,
Pagkatapos ng dalawang araw na pamamahinga, ay nagbalik ang dalawa, tungo sa lugar ng matandang drayber,
Gamet nila ang isang Single motor na hiniram ni Oscar sa kaibigan,
"Hindi ko man lang naitanong ang pangalan niya" wika ni Oscar habang sakay sila ng Motor na iyon,
"Tama, pero kaya tayo nandito upang magpasalamat sa kanya".sagot naman ng naka angkas na si Lando,
Hanggang marating nila ang isang Kubo,
at natanaw naman nila ang matanda habang nilalagari ang isang stick na kahoy,
"Magandang araw po," bati nang dalawa,
"Magandang araw rin, napasyal kayo ah," at nag-shake hand sila,
"Nais lang po sana naming magpasalamat sa inyo," wika ni Lando,
"Siya nga pala Tatang, ano po ba ang pangalan niyo?" tanong namn ni Oscar,
"Ako si Mang Berting," sagot nya, halikayo't upo kayu rito,
"Salamat po," ani ng dalawa,
"Nga po pala, ano po ang nangyari sa Compound na iyon?" tanong ni Lando,
"Si Delfin, na Manager mo Lando at ang Asawa niya na katrabaho niya sa Ahensyang iyon, ang tatlong anak, at ang alalay ay pawang napatay sa Masaker noon, limang buwan na ang nakakalipas,
may masugid na manliligaw si Rita, ang anak niyang dalaga, yung binata ay kaklase niya sa Unibersidad,
Pero ayaw ni Rita sa lalaking iyon, bukod sa mayabang eh masama pa ang ugali, kayat paulit ulit niyang binabasted,
hanggang sa mapagkatuwaan ng magkakaibigan na gahasahin si Rita sa loob mismo ng bahay nila,
Wala si Delfin at Onyok ng mga sandaling iyon dahil may binili, pagbalik nilay nadatnan nilang hinahalay ng anim na kalalakihan ang asawa't anak niya, samantalang ang dalawa pang bata ay pinatay na nila,
Nanlaban si Delfin at Onyok pero napatay rin sila,
Pagkatapos ng kahayupang ginawa sa kanila, ay di pa sila nakuntento, pinasunog ang bahay, upang walang makalap na ebedensya, pero hindi sila nagtagumpay,
nahuli sila ng mga Pulisya mula sa Ebidensyang napulot sa labas ng Compound, at kasalukuyan ng nakakulong ang mga salarin," Salaysay nya.
"Bakit hindi po pinagiba ang Compound?" tanong ni Lando ulit,
"dahil nakapangalan parin ang ari-ariang iyan sa pamilya nila Delfin, ang bahay, at ang lupain, pati ang malawak na kakahuyang iyan ay pagmamay-ari nila,
pero kasalukuyang ginagawa ang papelis upang mailipat sa Governo ang lahat, at sila na ang gigiba sa Compound na iyan," paliwanag ni Mang Berting,
"Bakit jan po sila nagpatayo ng bahay?" tanong ni Oscar,
"upang mabantayan ang ari-arian nila..
May sumubok na kasi dati na putulin ang ilang Puno, dahil sa wala namang kabahayan sa malawak na kakahuyang itoy, walang nakaalam na unti unting nalalagasan, kayat jan siya nagpatayo, upang araw araw nayang libutin ang paligid,"
"Ngayon po, nalinawan na kami, maraming salamat po," wika ng dalawa, at tumalikod na ito't humakbang papunta sa di kalayuang kalsada, kung saan naroroon ang single Motor,
"Saglit lang, may itatanong ulit ako kay Mang Berting," wika ni Lando kay Oscar,
At humarap ang dalawa sa likuran upang bumalik,
pero nagimbal sila sa nakita,
Wala si Mang berting, at walang kubong naroroon,
"huuuuuhhhh!!!"
Magkasabay ang dalawang tumakbo sa single Motor,
dahil sa takot ay lumundag sila agad sa single motor na iyon,
na naging dahilan upang magkatambling tambling ang Motor,
wakas
Written start : October 11 2012
Written End : October 11 2012
BINABASA MO ANG
LUMANG COMPOUND
HorrorMatutuklasan ni Lando ang Misteryusong bumabalot sa Lumang Compound. Mababa lang po ito.. AUTHOR NOTE: Ang mga nilalaman po ng k'wentong ito ay sadyang likha lamang ng aking malikot na imahinasyon at kong may pagkakahalintulad man, 'yon ay nagkataon...