Samantala, Pasakay na ng Jep si Oscar tungo sa Inu-upahan niyang bahay mula sa pagkuha ng sweldo niya, nang maalala ang Ahensya ng Pinsan niya,
Bumaba siya ng Jeep at naglakad papunta roon,
sa Mahogany Street,
"Black Armour Agency raw, nasaan kaya rito, halos mararating kuna ang hangganan ng kalyeng ito ah," pagtataka niyang wika sa sarili,
at narating nga niya ang hangganan na walang nakikitang Ahensya,
Lumapit siya sa malaking Hotel, at nagtanong sa Guwardya,
"Guard, nasaan ang Black Armour Agency?"
"Bakit mo tinatanong?" habang nagtataka.
"Basta lang po, may pakay lamang ako," nagtaka na rin sya sa inaasal ng kaharap.
"Pakay?," pagatatakang tanong ng guwardya,
"Okey, nakita mo yang bakanteng loteng iyan? yan ang Kinatatayuan rati ng Black Armour Agency, ipinagiba iyan, dalawang buwan na ang nakakalipas, dahil sinasabi ng mga nagtat-trabaho ryan na nagmumulto raw jan, ang Manager nila at nang Aswa niya," mahabang paliwanag ng Guwardya,
"Po! Totoo po ba ang sinasabi niyo!" gulat niyang tanong,
"hoy!, kung ayaw mong maniwala sa akin bahala ka, nadidisturbo mo ang trabaho ko!" galit ng guwardya,
"Ahh sigey, thank you nalang," pamamaalam nya sa Gwardya.
"ibig sabihin, nanganganib si Insan? Kailangan ko syang Puntahan," at kaagad sumakay ng Jeepney tungo roon,
sinabi niya sa Jep kung saan ibaba, at ibinaba naman siya,
"Ano to?, sa kakahuyan?, nasaan kaya rito si Insan?" takang tanong niya,
at nagsimula na siyang maglakad upang hanapin iyon,
sinusundan niya ang Kalsada habang palinga linga ang mga mata sa paligid,
Pero liban sa kalsada ay puro nagsisilakihang punong kahoy ang naroroon,
Walang katapusang paglalakad, pagod na pagod na siya, pawis na pawis,
dahil nakailang oras na siyang naglalakad, pero parang walang katapusan ang nilalakbay ng mga paa niya,
Samahan pa ng kaba sa dibdib niya, dahil sa nakakatakot na itsura ng mga malalaking punong kahoy,
Bagamat, hating gabi na ay maliwanag pa din ang kalangitan ng mga sandaling iyon,
ramdam na ramdam niyang nag-iisa siya sa malawak na lugar na iyon, at bated rin niyang maaaring may mga masasamang nilalang o maligno sa mga dinaraanan niya,
Pero hindi niya ito tinitingnan, diritso lang ang mga mata niya sa kahabaan ng kalsadang iyon,
natatakot naman siyang bumalik dahil sa layo na ng narating niya,
Umaasam na lang siya, na may makikitang bahay, o paparating na sasakyan na maaaring makapagsaklolo sa kanya,
hanggang sa matanaw niya ang isang Pedicab na paparating,
"hayy! Salamat naman," at nakahinga siya ng malalim,
pinara ang Pedicab at huminto naman sa harap niya,
"Iho?, bakit ka naglalakad rito?" takang tanong ng matanda,
"May hinahanap po kasi ako ehh, maaari niyo ba akong tulungan?" wika niya sa matandang drayber ng makaupo na sya sa loob,
"Anong hinahanap mo?" tanong ng matanda,
"Yung Compound po na pag-aari ng Manager ng Black Armour Agency, alam niyo po ba iyon?"
"Bakit mo ba hinahanap iyon iho?" takang tanong ulit ng matanda,
"Ahhh ehhh, yung pinsan ko, doon nagtat-trabaho bilang Security Guard," sagot niya,
"hhaaahh!, hindi maaari, nanganganib ang Pinsan mo," wika ng matanda,
"Ah ehh! Bakit po?" tanong naman niya,
"Alam mo bang Abandonado na't sunog pa ang Compound na iyon!, minasaker ang mga naninirahan roon," wika ulit ng matanda,
"Ahhh! Minulto lang pala ang Pinsan ko!, sigey na Manong, puntahan na ntin iyon," pamimilit niya sa matanda,
"Sigey!" at pinaharurut naman ang Pedicab tungo sa lugar na iyon,
Samantala
Tumatakbo si Lando sa kahabaan ng Kalsada, sa tabi at labas ng Compound,
Wariy Slow motion ang pagtatakbo niya,
Hinahabol siya ng mga kaluluwang duguan,
ang Boss niya, ang Asawa, ang dalawang anak, at ang magandang binibini at pati ang tagalinis na si Onyok,
Mga kaluluwang di matahimik,
Nag-iiyakan sila,
"Lando... Lando..." Habang hinahabol nila si Lando,
Malapit na siyang mahuli ng mga kaluluwa, hingal na hingal siyang tumatakbo, nais niyang lumundag, pero hindi nya maintindihan Kung bakit napakabagal ng pag-usad ng mga hakbang niya.
Hanggang sa tuluyan siyang marating ng mga kaluluwang iyon,
pinalibutan nila si Lando, at lalong nangilabot si Lando ng makita ang kabuoan ng mga mukha nila, sunog na silang lahat,
Pinagtulungan nilang hawakan si Lando, nagpupumiglas siyang makawala, pero malakas ang hatak ng mga iyon,
Hinila nila si Lando tungo sa loob ng Compound,
di makapaniwala si Lando sa nakikita,
Nagliliyab ang malaking Apoy sa Compound na iyon,
Binuhat nila si Lando, Tungo sa Apoy na iyon.
BINABASA MO ANG
LUMANG COMPOUND
TerrorMatutuklasan ni Lando ang Misteryusong bumabalot sa Lumang Compound. Mababa lang po ito.. AUTHOR NOTE: Ang mga nilalaman po ng k'wentong ito ay sadyang likha lamang ng aking malikot na imahinasyon at kong may pagkakahalintulad man, 'yon ay nagkataon...