"Kay tahimik ng Paligid, puro huni lang ng mga insekto o maliliit na hayop ang tanging nadidinig," wika ulit niya sa sarili habang nayayamot at napapakamut ulo na lang,
"hayyyy, mag-bubukang liwayway na, parang wala pa akong narinig na ingay sa loob ng mga bahay na ito," habang nililibot niya ang kabahayan,
"siguro, tulog pa ang mga tao rito, mula nang dumating ako rito kaninang Alas syete," dugtong ulit niya sa sinabi,
Hanggang sumapit ang oras niya para mag-out,
Umuwi siya, at kinuwento sa pinsan ang unang araw ng trabaho niya,
"Nakakatamad pala insan mag-trabaho ng walang kausap noh?, nakaupo nga lang ako lagi roon, pero wala namang kabuhay buhay," tila pagrereklamo niya,
"Magtiis ka lang insan, buti nga, trabaho mo hindi pagod eh, ibigay mo na lang sa akin ang Address, at bukas day off ko, papasyalan kita okay," wika ni Oscar,
"Sigey ba insan" at isinulat ang adrres ng Compound n iyun, pati Agency niya upang kumpleto na rn, at ibinigay sa Pinsan, binasa naman ito ng Pinsan niya,
"Mahogani St. Pala tong Agency mo insan?, nasa kahabaan lang din ito ng Pinagtattrabahuan ko, pero hindi ko ito alam na Agency insan," wika niya,
"Hindi mo lang siguro yan napansin insan, kasi maliit nga na ahensya, daanan mo na lang next time, para makita mo naman ang agency ko" wika niya sa Pinsan,
"Sigey Insan, hindi ko lang siguro ito napansin," wika ulit ni Oscar,
Kinabukasan ng Gabi, muli siyang naghanda tungo sa lugar na iyon,
"Pasado alas sais, nandito na ako, sakto," wika niya sa sarili, maya maya'y dumating ulit ang boss niya, bumusina pa ito, at binuksan naman niya ang Gate,
"Oh lando?, okey ka lang ba jan?," wika ng boss niya, sakay ng Pajero nila,
"Okey lang ako Sir," nakangiti niyang wika, habang naaaninag sa loob ng sasakyan ang dalawang batang lalaki, na tantya niya'y anak ng boss niya,
isang Ginang na Asawa siguro, at isang magandang binibini, na sa tantya niya ay anak ng boss niya,
"Basta Lando, kung may kailangan ka ayon si Onyok, ang tagalinis namin rito, sabihin mo lang sa kanya,okay," wika ng boss niya habang itinuro ang kinaroroonan ni Onyok, sa may harden nga, naglilinis roon,
at Pumasok na ang mga ito,
Maya maya'y Pinuntahan niya ang lalaking Hardenero,
"Kaibigan, napansin ko lang, wala yatang nakatira sa dalawang bahay na ito?, mayroon ba?," tanong niya rito,
pero tipid magsalita ang binatang hardenero,
"wala, walang nakatira sa dalawang iyan!" malungkot niyang boses,
napansin ni Lando, na hindi panatag makipag-usap si Onyok kayat nilayuan na lang niya, bagkus bumalik sa kanyang Guard house,
Nagmumumuni muni siya dahil sa katahimikan ng itingala ang paningin sa kabuoan ng bahay na tinutuluyan ng boss niya, natanaw niya roon ang binibining anak ng boss niya, na nakadungaw sa may bintana,
dahil sa may Poste ang labas ng Compound ay klarong klaro niya ang kabuoang mukha nito,
"Ang ganda niya!" wika ni Lando sa sarili,
Pero may kalungkutan ang mababakas sa mukha niya hanggang sa ibaling ang tingin kay Lando, na tila galit na galit ito,
Iniiwas ni Lando ang kanyang mga mata, at ng ibalik roon, ay wala na iyon,
"Pumasok siya sa loob, bakit kaya?, bakit tila malungkot at galit siya," tanong ni Lando sa sarili,
hanggang mag-hating gabi na, pero sa di sinadadya'y, naidlip siya,
"Tulungan mo kami!!! Tulungan mo kami!!! Huhuhu," naghihiyawaan ang mga kaluluwang nakapaligid sa kanya,
pero hindi niya maaninag kung sino ang mga yun, malabo, malabo ang lahat,
Hanggang sa mapagtanto nya sa sariling, panaginip lamang iyon,
Pilit niyang ginigising ang sarili, pero hindi niya magawa,
"huhhh! Binabangungut ako,"
Ramdam niya ang kakaiba sa paligid niya,
Nais niyang sumigaw, nais niyang igalaw ang katawan upang magising, pinagpapawisan na siya, at kinikilabutan na siya sa mga kaluluwang iyon,
Hanggang sa magawa niyang pukawin ang sarili,
"huuuhhh!"
napabalikwas sya, na hingal na hingal,
iginala ang paningin sa paligid,
Tumama ang mata niya sa may Harden, nakaupo roon si Onyok na nakatitig sa kanya,
Tinitigan niya rin ito,
"Bakit ganyan ang titig niya sa akin?" tanong nya sa sarili, maya maya'y kumurap ang mga mata niya, sumunod ang biglang paglalaho ni Onyok,
"huhhh!"
Gimbal niya sa sarili.
"ano kaya ang mayroon dito?, dulot lang siguro ito ng bangungut ko!" wika niya sa sarili,
"Insan!, Gusto ko ng umalis roon, parang may kakaiba sa Area ko eh!, may mga multo yata roon!" habang kabado syang kinakausap ang pinsan,
"Ano ka ba naman insan!, sa laki mong tao, eh naniniwala ka pa sa multo!" sagot naman ni Oscar,
"Iwan ko Insan, pero gusto ko ng umalis roon, binangungut ako kagabi eh," wika niya ulit,
"Alam mo Insan, hindi madaling maghanap ng trabaho, at naranasan mo yan, sacrifice ka lang okey, at yang bangungut mung yan, wala yan, wag mong intindihin yan," pakontra ng pinsan niya,
"Pero Insan, diba Dayy off mo naman ngayon?, samahan mo na lang ako mamayang gabi roon, "
"sigey Insan, walang Problema, pero kukunin ko pa mamayang 7pm yung sahod ko okey, tapos susunod na lang ako okey..
Kinabukasan ng hapon,
Hirap bumangon si Lando sa kama,
Parang hindi na siya Interesadong mag-trabaho roon,
parang gusto niyang Magpa-assign ng ibang pwesto,
nahihiya naman siya sa boss niya, kasi mabait naman,
"bahala na!" ika niya sa sarili niya.
Muli siyang naghanda para sa pangatlong gabi niya sa duty,
Habang naglalakad siya, dinaanan niya ang isang maliit na tuta, na tila may sakit,
"kawawa naman ang Tutang ito, dalhin ko na kaya, nang sa ganoon, may kasama naman ako sa duty ko," at binuhat niya iyon tungo sa kanyang pinagtatrabahuan,
Nang marating niya ang Gate ng Compound, itinulak ito, at siya namang pagpupumiglas ng Tuta mula sa pagkakahawak niya, wariy sinasabing bitiwan niya,
Pero ipinasok pa din niya ito, at saka doon inilapag sa loob,
"awooo, awooo!"alulung ng maliit na aso, habang nakaharap sa kabuoan ng bahay,
Nagtaka si Lando sa inaasal ng Asong iyon, hanggang sa lapitan niya ito upang sakmalin, pero kusa itong tumakbo papuntang labas ng Compound,
Lalong kinabahan si Lando,
"ano kaya ang meroon rito?, Tama siguro ang hinala ko, baka may multo rito," wika niya sa sarili.
BINABASA MO ANG
LUMANG COMPOUND
HorrorMatutuklasan ni Lando ang Misteryusong bumabalot sa Lumang Compound. Mababa lang po ito.. AUTHOR NOTE: Ang mga nilalaman po ng k'wentong ito ay sadyang likha lamang ng aking malikot na imahinasyon at kong may pagkakahalintulad man, 'yon ay nagkataon...