Nagising ako dahil sa pananakit ng ulo ko. Dahan dahan akong bumangon sa hinihagaan ko. I bit my lip as I stared at my hands. It is uncontrollably shaking again.
I shook my head as I tried to calm myself. Iniyukom ko ang aking kamao at ipinatong sa dalawang hita ko para pigilan ang panginginig nito. Napapikit ako ng mariin. This seiz---
"Will you please stop shouting, Melissa!"
"Hindi ako titigil ng kakasigaw not until you tell me where is Christine, Kuya!"
"I don't know where she is! Bullshit! Bakit ba ang kulit kulit mo?"
Napamulagat ako ng makarinig ako ng pag-uusap. The voices are coming from the kitchen. Rinig ko ang paulit-ulit na pagtatalo ng mga ito sa telepono kaya hindi ko maiwasang mapakagat ng labi.
Pasimple kong inilibot ang tingin ko sa kabuuan ng baha--condo unit. May isang table na nakaharap sa gawi ko na pinagpapatungan ng isang bonsai. I notice that I am lying in a black sofa too. At pansin ko din na iba na ang suot ko nga---
My eyes automatically widen when realization hit me. How did---
"Naku. Mabuti naman ang nagising na kayo Ma'am"
Mabilis kong itinago sa likod ko ang kamay ko at agad na ibinaling ang tingin sa matandang babae na nasa 50's ang edad. She is smiling at me while holding a two plastic bags na may lamang mga karne at gulay.
"Nilalabhan ko na nga po pala Ma'am yung dress niyo. Ako din po ang nagpalit sa inyo ng damit kagabi dahil basang basa po kayo ng iuwi kayo dito ni Ser. Okay na po ba ngayon ang pakiramdam niyo? Hindi naman po ba masakit ang ulo niyo?" she asked me worriedly.
Nahihiya akong ngumiti sa kanya at agad na tumango. "Maraming salamat po. Pero aalis na di---"
"You're not going anywhere"
Napapitlag ako ng makarinig ako ng boses mula sa likuran ko.
"Magandang umaga po Ser" malugod na bati nito sa lalaking nasa likod ko.
I bit my lip as I immediately stood up. Mabilis kong hinarap si Neil na ngayon ay matalim na nakatingin sa akin. He's wearing a plain white shirt paired with a black jogging pants. Tila kagagaling lamang nito sa jogging dahil sa pawis na nasa bisig at kaniyang noo.
Tumango siya sa babae bago muling ibaling ang tingin sa akin. He's glaring at me while clenching his fists.
"Maiwan ko muna kayong dalawa Ser. Mag-hahanda lang po ako ng agahan" magalang na pahayag ng matandang babae bago dali-daling nagpunta sa kusina.
Napalunok ako at napayuko. I am just wearing a gray loose shirt na umabot hanggang tuhod ko. I am also wearing a white pajamas.
"Kail-kailangan k-ko ng umuwi" I said nervously as I look at his cold and expressionless blue eyes.
He look at me with his bored expression. "Haven't you heard the news yet?"
Napakurap ako. "Wh-what?"
What news?
He smirked at me bago may kung anong kuhanin sa kanyang bulsa. Minuto ang lumipas ng bigla na lamang niyang inihagis ang cellphone niya sa akin, muntik ko pa itong hindi masalo dahil sa pagkataranta.
Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Pasalampak siyang umupo sa sofa. He crossed his arms and his legs before raising his left brow.
"Don't you know how to read?" bagot na pahayag niya.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Mabilis kong ibinaling ang tingin ko sa screen ng kanyang phone. Agad akong nabato sa kinatatayuan ko ng makita ang isang pamilyar na pangalan sa headline ng isang news article.
'Congressman David Francisco Santos, suffers cardiac arrest'
The 68 year old Congressman David Francisco Santos suffered a sudden cardiac arrest yesterday because he was being accused that he's allegedly involved in an illegal drug trade and as the main protector of drugs in Batangas. He was in his critical condition and was taken in Apollo Hospital where a spokesman said that he have to undergo in a heart transplant surgery and remain in a 'grave' condition.
Napaawang ang labi ko. N-no. Hindi iyon totoo! Inosente si Daddy! Alam kong hindi niya magagawa ang bagay na ibinibintang sa kanya ng maraming tao!
Muli akong nag-scroll. Napahawak ako sa bibig ko ng mabasa ko ang isa muling article tungkol sa bankruptcy ng isang kompanya.
It was my brother's company. At base sa mga nakasulat doon ay unti unti na din daw itong nalulubog sa utang.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. What should I do? Alam kong kahit kunin ko lahat ng savings ko sa bangko at ipagbenta ang munting flower shop na mayroon ako ay hindi pa din iyon sapat para sa heart transplant ni daddy at para matulungan si kuya sa pagbabayad ng utang nito.
And my Mom, alam kong nahihirapan na siya ngayon sa sunod-sunod na problema na dumadating sa pamilya namin. I need to help her. Kailangan niya ako.
"I'll help your family,"
Napatingin ako kay Neilbren na ngayon ay nakangisi na sa akin. Tumayo siya at lumapit sa harap ko. He caress my cheeks kaya naman hindi ko maiwasang hindi taasan ng balahibo.
"In one condition"
Naiyukom ko ang aking dalawang kamao. I look him straight into his eyes. It's now or never. Reputasyon at buhay ng pamilya ko na ang nakataya dito kaya naman kailangan ko nang kapalan ang mukha ko.
I took a deep breath and exhaled quickly. "A-anong kondisyon?" matapang na tanong ko na siyang ikinangisi niya lalo.
BINABASA MO ANG
A Dance with the Beast
General Fiction| COMPLETED | Tiniis ni Christine ang mamuhay ng mag-isa sa loob ng isang taon na hindi kasama ang kaniyang pamilya. She chose to live by herself, malayo sa gulo ng sibilisasyon at malayo sa marangyang buhay na dati ay mayroon siya. Iniwan niya ang...