Babae~
Dinadama ang simoy ng hangin habang nakapikit.
Nais ngumiti kahit na pilit.
Sa iniindang sakit, gusto paring kumapit.
Huminga ng naluwag at iminulat ang mata.
Bumungad ang ulap at araw na dama.
Kasabay ng pag-ngiti ay ang pagbuhos ng luha.
"Nais ko pang magtagal," mahina kong wika.
"Nais ko pang magarap," tuluyang nahabag.
Mula sa kina-uupuang semento dito sa rooftop.
Tanaw ang bawat estudyanteng tinatanaw din ng ulap.
Sa ngayon ay labis akong nalulungkot.
Sapagkat nais kong maipagamot.
Ang iniindag sakit saaking puso.
Minsa'y namamanhid at naghihingalo.
Sa pagpikit ulit ng mata at siyang pagpatak ng luha.
Mga luha na gusto ko ng maubos at mawala.
Nang dahil rito'y kita ang aking kahinaan.
Nang dahil rito'y magiging mali ang kahihinatnan.
Ilang minuto palang, ako'y napahagulgol na.
Pilit pinipigilan ngunit hindi ko makaya.
Labis ang iniindang sakit hindi lang dahil sa karamdaman.
Labis ang iniindang sakit dahil baka lungkot ng aking mga magulang ay maramdaman.
Patuloy lang ako sa paghagulgol ng ika'y magsalita.
"Ang ingay mo," mga katagang iyong winika.
Kaagad akong napabaling saiyong kinaruruonan.
Nakaupo at nakasandal ang likod na parang naaalibadbaran.
"Pasensya kana.." mahina kong usal.
Bahagya kalang umismid bago ako talikuran na parang walang asal.
Akmang magkikibit balikat na ng ika'y magsalita.
Nga salitang nagpagaan sa bigat na nadarama.
Mga salitang nagpagulat at nagpakaba.
"H'wag ka ng umiyak..." bago ka tuluyang mawala.
-----------------x