5

67 6 1
                                    

Lalake~ (LAST CHAPTER)

Naalala ko pa noon kung gaano tayo kasaya.

Masakit lang saakin ng magdisyon kang ako'y maging malaya.

Pilit akong naki-usap noon ngunit iyo lang binalewala.


Hindi alam ang gagawin ng maisip na ika'y mawawala..

Masaya tayo noon at nakakapagtaka ang kong bakit bigla mong sinabing ayaw mo na.

Ngayon ko lang nalaman ang rason na siyang iyong ipinagkaila.

Nang sinabi kong alam ko na ang lahat at sinabing bumalik ka saakin.

Nakita ko sa mga mata mo kong gaano mo kagustong mangyari rin iyon.

Alam ko eh...alam ko na hindi mo gagawin iyon ng walang rason dahil mahal mo ako.

Ngunit ang nalaman tungkol sayo ay ang naging dahilan upang madurog aang puso ko mismo.

Mas gugustuhin ko pang hiwalayan mo ako kesa mawala ka ng tuluyan sa piling ko.


"Inaantok kana?" bulong ko sayo habang naka-upo sa gilid ng kamang hinihigaan mo.

Tinignan mo lang ako gamit ang iyong mapupungay ngunit magagandang mata.

Hinaplos ko ang pisnge mo bago mo ipikit ang iyong mata.

Napahalik ako sa sentido mo ng mapansin ang mabibigat na iyong paghinga.

Pinipigilang lumuha habang nakikita kang ng nanghihina.

"P-pagod na ako, Kegan..." pilit ang iyong ngiting sinabi.

Bahagya kong inilapat ang noo sa noo mo bago inalala lahat ng pinagsamahan natin.

Kung paano tayo nagkakilala.

Kung paano kita niligawan.

Kung paano mo ako sinagot.

Kung paano mo ako minahal.

Kung paano mo ipinaalam saakin na ikaw ang mundo ko.

Kung paano mo sinabing makikipag-hiwalay ka.

Kung paano mo ako talikuran ng ako'y nagmaka-awa.

Kung paano ko pinilit ang sariling kalimutan ka at ituring na hindi kilala.

Kung paano ko nalaman ang lahat sa kabila ng iyong kalungkutan at pag-luha.


Kung paano ka pumayag na bumalik saakin sa pangalawang pagkakataon.

Lahat ng 'yun Nicole tandang-tanda ko pa...


Lumandas ang pinipigilang luha na kanina pa gustong kumawala.

Yumugyog ang aking balikat ng hindi ko na maramdanan ang iyong paghinga.

Nakapikit ang mga mata bago ko dinama ang iyong labi.

"Sana nalaman ko lahat ng mas maaga....sana hindi ako nagsayang ng oras....sana sinabi mo agad saakin.....eh di sana nakasama kita ng mas matagal..." mga katagang huli kong sinabi.


-------------------x
Natapos ko nga to sa buong byahe! 5 minutes. Nakalimutan ko naman ang aking pamasahe! What the heck!? Huhu.

P.S. Salamat kay kuyang nakasakay ko pinautang ako. Hekhek. Kikiligin na sana ako kaso hindi siya yummy. BwhahahhHa

-Madam

SANA (Kegan Montero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon