Babae~
Puno ng pait at inggit ang puso habang nakatanaw sa ibaba.
Kita ang nagtatakbuhang kaklase para sa isang asignatura.
Nais kong sumama ngunit baka ako'y mapasama.
Nais tumakbo kagaya nila na parang isang malaya.
"Nakakainggit.." sambit ko bago kinagat ang labi.
Dinama ang naglandas na luha dahil sa pighati.
"S-sana pwede akong tumakbo ng hindi napapagod.." bulong ko sa kawalan.
Agad napasinghap ng hangin sa iyong bibig ay pakawalan.
"Umiiyak ka nanaman.." mga salitang iyong tinuran.
"Malungkot ka nanaman.." sambit mo bago ako talikuran.
"Kegan.." parang may kung anong bagay ang nasa lalamunan.
Agad kang napahinto ng aking kamay ay iyong naramdaman.
Tinignan ko ang kamay kong nakahawak sa iyong palapulsuhan.
Agad na kinabahan ng mga mata nati'y magtamaan.
Bagot mo akong tinignan bago umiwas ng tingin.
Kahit nasa ibang direksyon ang mga mata'y lungkot mo'y nasasalamin.
Napapikit akong bago umiling.
Pinipigilang pigilan ang puso sa nagbabandyang pag-amin.
Muling napamulat ng mata ng tanggalin mo ang kamay sa iyong palapulsuhan.
Agad ulit napaluha ng maalala kong paano kita iniwan...
------------------x