3

44 4 0
                                    

Babae~


Nasa loob lang ng kwarto ng si mama'y kumatok.


Pilit na sinasabing ako'y uminom na ng gamot.


Nilukot ko lamang ng mahigpit ang unan.

Habang isinusubsob rito ang matang luhaan.


"Nicole..." ulit na tawag ni mama.


Tumayo na lamang ako bago sakanya sumama.

Iginaya sa lamesang may gamot na nakahanda.


Pumikit lamang ako bago ito kinuha.


"Anak..." naiiyak na sambit ni mama.


Nginitian ko lamang ito ng aming mata'y magtama.


"Paki-usap...magpagaling ka..." umiiyak nitong paki-usap.

Umiwas ako sa mata nito ng mga mata ko'y mag-ulap.


Buong akala nila'y magaling na ako.


Ang nakuhang sakit sa puso ng ipinanganak ako.


Swerte na ang katulad kong pre-mature baby dahil nalagpasan ko ito.


Buong akala nila'y magaling na ako....ngunit nabigla ang lahat ng ako'y inatake sa puso.


Tumungo na lamang ako ng naramdaman ang pamimigat ng dibdib ko.


Gusto kong sabihing 'Opo, mama.." ngunit alam kong hindi iyon totoo.

Nitong nakaraang araw ay ramdam ko ang panghihina.

Laging napapagod kahit simpleng kilos lang ang ginagawa.


"Tahan na, Mama.." pag-aalo ko sakanya.


Gusto ko siya yakapin ngunit ako'y nanghihina.


Nais kong pagaanin ang loob niya at sabihing kaya ko ngunit puso ko na mismo ang nagsasabing wala ng pag-asa.


Ipinikit ko ang mga mata. Naimahe ko ang mukha nila mama at papa. Naimahe ko ang mukha ng mga kaklase't kaibigan.


Lumakas ang tibok ng puso dahil sa makakahalong emosyob ng maimahe ang mukha ni Kegan.


"S-sorry, Mama." sorry Kegan...nais kong idugtong ngunit mas pinili ko na lamang tumikom.

------------------x

SANA (Kegan Montero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon