Piso Scene No. 1 - Annoying Encounter

110 1 0
                                    


[Introductions]

Extra #1: (Sumisigaw na parang baliw habang nililibot ang buong stage) Direk, bumalik ka na dito! Direk! Direk! Direk! Nasaan ka na ba?!

Director: Andito lang ako! Wag kang epalogs diyan! (lumabas sa opposite side ng stage habang may hawak na nakaroll na papel patungo sa center stage).

Extra #1: Direk naman! Magsisimula na tayo! Kung san-san ka pa sumusulpot!

Director: Sabing wag ka munang eepal! (tingin sa audience) Basta, ang programang ito ay rated LPG! Labis na Patnubay at Gabay ng magulang ang kailangan. Maaaring makapaminsala habang nagluluto ng sinigang, adobo, batchoy, okoy, ginataan. Ilayo sa mga bata nang hindi mapaglaruan. XD

- Curtains Up!

Narrator: Isang araw, sa isang malayong, malayong, malayong lugar, malayo pa sa malayo, magsisimula ang isang estoryang hindi natin malalaman kung hindi pa natin sisimulan. XD WELCOME TO ST. CLAIRE ACADEMY! At dito magsisimula ang pag-iibigang namukadkad ng dahil sa piso lamang.

@ Hallway: Lunchbreak

- Curtains Down!

Enter: (Nexus and the varsity team, talking while walking).

Andrew: Hooh! Walang hiya talaga si Coach Mike! Hobby ata niyang patayin tayo sa pag-eensayo. Nakakapagod ah! Kung hindi pa lunch break baka naglumpasay na tayo ngayon sa court! Hmmp! Wala talaga siyang sinasanto!

Cavin: Tama ka dyan pards! Nakakabanas na siya!

Hiro: Ano ba kayo pards Drew and Cavin? (tumingin kay Salipada at Tim2x) Malamang talaga na paspasan ang ensayo natin ngayon dahil malapit na ang finals. Masyado lang talaga kayong tamad diba Captain Nex? (bumaling ang tingin kay Custodio)

Nexus: (Humarap sa gang at mahangin na nagsalita) Kulang pa nga iyon eh! Alam niyo, kung inensayo niyo nalang iyang pagmamaktol niyo baka ikapanalo pa natin iyon!

Enter: (Nathaly with her alipores, walking with poise, huminto sa harap nila Nexus habang naka Ms. Universe pose).

Brian: Nex... (pinaharap si Nexus kela Nathaly sabay nguso)

Nexus: Oh? Ano na naman ba Nathaly? (looked annoyed)

Nathaly: Wala ka ba talagang puso, Nex? (sabay dinuro ang puso ni Nexus) Ako na nga ang nagpresenta at nanligaw sayo! Ginawa ko na ang lahat! Akala ko ba okay na tayo?! Eh ano ito ngayon? Isang araw pa nga lang ang nagdaan tapos ano? Wala na tayo ng ganun-ganun lang? Nex! Babae ako! Tao ako! May puso! Nasasaktan din ako!

Nexus: Ehh ano ngayon?

Varsity Players: BOOM BASAG!!! (sabay-sabay)

Nathaly: Hindi mo ba talaga naiintindihan na ako lang ang nababagay para sayo?! Captain ka, cheerleader ako! Gwapo ka, maganda ako! Campus King ka, Reyna ako! Ano pa ba ang gusto mo?!

Nexus: Ehh sa ayaw ko na sayo! Sawa na ako! Alam mo namang player ako! Para sa akin, parang damit lang kayong mga babae! Pagkatapos kung pagsawaan, papalitan ko lang! Yun lang yun!

Enter: (Grace na walang kamuwang-muwang sa mundo, reading a book with earbuds while walking)

BOGSH! (Nabangga kay Nexus, habang si Nexus ay nabangga din kay Nathaly, tumilapon ang bola)

Nexus: What the! Ano ka bang babae ka! Uso ding tumingin sa dinadaanan! Alam mo ba iyon? Bulag ka ba? Wala ka bang common sense?

Nathania: (tiniklop ang libro, tinanggal ang earbuds) Anong sabi mo?

Bryan: Hindi mo ba alam kung sinong binabangga mo, Miss? Siya lang naman ang captain ng varsity team natin!

Nathania: Ehh ano ngayon? Hindi ko sinasadya ahh. (tumingin kay Brian tapos tumingin kay Nexus sabay pa-sarcastic na sabi...) Okay, sorry. Okay na ba?

(Nakabusangot na si Nathaly dahil na echapwera na ang gaga kasama ng kanyang mga alipores).

Nexus: ANONG SABI MO?! (nanggigil)

Nathania: Sabi ko SORRY! (sumigaw) Paulit-ulit tayo teh? Ehh hindi ko naman kasalanan kung hinaharangan niyo ang daan. Alam naman nating lahat na ang daan ay ginawa upang daanan, hindi lugar upang pagtsismisan. Wala din ba kayong common sense? (nang-aasar na tono)

(Nagwalk-out si Nathaly with matching flip hair at rumampa sa stage kasama ng kanyang mga alipores na kinalimutan na ng panahon).

Nexus: Wow! Just wow! Ang kapal din naman ng mukha mo para pagsalitaan ako! Alam mo bang ikaw ang unang babae na tumalak-talak ng ganyan sa pagmumukha ko? (sabay turo sa mukha) Lahat ata ng babae dito sa school nagkandarapa para maging girlfriend ko lang! Tapos ikaw?! (sabay duro kay Nathania) Yung totoo?! Babae ka ba?

Nathania: Ano sa tingin mo?(nakataas ang kilay) Ehh di congrats!!! Ngayon, alam mo ng HINDI LAHAT (emphasized) ng babae dito sa school ang nagkandarapa sayo! Ang hangin mo naman! Akala mo kung sinong hari-harian! Nagsorry na nga ako! Ang dami pang sat-sat! Maiwan na nga kita! Tse! (sabay padabog na walk-out).

- Curtains up for Scene 2...

Ng Dahil Sa Piso (Stage Play)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon