Part 18: Meet Shine

1.3K 30 1
                                    

CLEO's POV

Twice a week lang si Xander kung pumunta sa bahay at syempre doon din natutulog. Feeling close talaga eh.

Gusto mo naman? Pakipot pa to oh!

Minsan naaabotan ko nalang silang dalawa ni Xavi na natutulog na sa kama dahil late na ako kung umuwi galing sa Batangas site visit.

Hindi siya nagtatanong o nakiitchus kung anong project ko. He's not that kind'a guy. Well, I never let him dahil wala naman kaming label at the very first place. So wala siyang karapatan na pakialaman ang mga lakad ko.

Masyado akong takot. I don't know basta yon ang nararamdaman ko. May part na gusto ko siyang pagkatiwalaan pero meron ding part na nagdadalawang isip ako.

Hindi ako nangingialam sa business niya kung saan o ano man ito basta okay kami for Xavi at masaya ang anak ko.

I don't know how long this will last. Kung kailan matatapos ang boredom ni Xander.

*********
Isang buwan na pero wala paring anak ni Tita Leah na nagpapakita sa site. I think he's too busy. Okay narin, baka kasi ano pa yon e. Pero mas mabuti sana kung ma meet ko siya personally para madiscuss naman namin ang gusto niyang revisions o ano pang ibang gusto niyang additions dito. According kasi sa mama niya, he's interested sa lugar nato at gusto niya sanang siya ang magmanage o magdesign pero masyado daw itong busy.

Okay pa naman dahil backfilling and layout pa ang ginagawa namin so may chance pa for revisions.

"Tita Leah? How are you?" Sabi ko dito at nagbeso sa kanya. May kasama siyang maganda at sexing babae. Elegante at richkid look. Bagay talaga maging mayaman.

"Cleo, hi. By the way this is Shine" pakilala nito.

"Hi.. I'm Shine." Pakilala nito at nagbeso din sa akin.

"Cleo, ma'am." Pahayag ko dito sabay beso at ngiti. Medjo may bad vibes akong nararamdaman pero binaliwala ko ito.

"Shine nalang. I'm just accompanying tita Leah. Gusto niya kasing magshopping after eh." Paliwanag nito.

"Ganon ba? Please take a seat muna, tita Leah, shine. Pasensiya na kayo ah. Medjo di pa naayos ang office. Three times a week lang kasi ako kung makabisita dito sa site dahil yong anak ko.. but rest assured that I'm doing my best for everything according to plan." Paliwanag ko dito.

"Okay lang yon Cleo don't pressure yourself." Sabi ni Tita Leah.

"married kana pala?" Tanong ni Shine.

"Ah hindi." Awkward na sagot ko. Hindi naman talaga. Nakakahiya man pero totoo. I don't care kung anong sasabihin ng iba basta may Xavier ako.

"Oh! I see. Sorry.." sagot naman nito.

"It's okay. I get that a lot." Ngumiti lang ako.

"Sorry sa personal questions" sabi ni Shine.

"Okay lang.. wala naman akong tinatago eh." We both chuckle sa sinabi ko.

"You can bring your baby here if you like. Okay naman itong office eh, para naman di ka niya masyadong ma miss" sabi ni tita Leah.

"Talaga po? Sige po soon." Masayang sabi ko.

"Ilang taon na pala ang baby mo?" Tanong ni tita Leah.

"3 years old napo nong nakaraang July. Galing nga po yon sa sakit eh. Pero okay na siya ngayon. He seems happy naman, madaldal na nga masyado eh." Masayang sabi ko.

"Lalaki pala ang anak mo? Hindi kaba nahihirapan na single parent ka?" Tanong ni Shine.

"Hindi naman. Kayang-kaya ko namang buhayin ang anak ko. Kaya nga todo kayod ako ngayon eh, para sa kanya lahat to."

The Billionaire Doctor's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon