Part 22: teasing Cleo

2.6K 58 52
                                    

Xander's POV

"My... punta na kayo ni baby sa birthday ko. Please???.." paglalambing ko kay Cleo.

"Maypupuntahan nga kami niyan. Nauna na akong mag okay don sa may-ari. Di na pwedi e cancel, baka magtampo pa yon. Binilhan pa nga ako ng damit para lang isuot sa birthday ng anak niya eh." Paliwanag nito. Sino ba kasi yang anak ng may-aring pinagsasasabi mo at hindi mo mahindian? Birthday ko pa naman. May plano pa naman ako sa birthday ko.

Cleo's POV

"Sino ba kasi yang may-ari na yan at gustong-gusto kayo ni baby?" Sabi nito na parang magtatampo pa. Di ka cute Xander. Ewan ko sayo!

"Yong ngang may-ari sa Batangas project ko. Wag ka nang magtanong." Naiiritang sagot ko at dumating naman si Xavi.

"Daddy....." nagpakarga ito kay Xander.

"Sige, ganito nalang. Pagkatapos don, punta kayo ha? Kahit 11pm na. Okay lang sa akin basta makapunta kayo ha?" Ani nito.

"Diba baby? Pupunta kayo ni mommy sa birthday ni daddy?" Pagpapacute pa niya sa baby ko.

"Yes daddy.." sagot naman ng cute kong baby.

"Sige na nga, but I won't promise okay?" Sagot ko dito para tumigil na sa pagpapacute. Naiinis ako dahil cute naman talaga. Sarap kagatin!

"Okay lang but I'll be expecting you two. Ininvite ko rin si Tito Rence at tita Vil. Yong mama ko kasi, mahilig kasi sa party pagmaybirthday. Basta hintayin ko kayo ha?" Halos magmakaawa na ito. Pupunta sana kami ng anak mo pero nauna kasi si tita Leah eh.

"Hindi pa nga ako sure anong oras kami makakaalis don. Nakakahiya naman pag-umalis ako ng maaga." Paliwanag ko uli.

"Ah basta! Kahit umaga na kayong dadating, maghihintay parin ako." Pilit nito.

"Ewan ko sayo."

"Ipapakuha ko kayo kay Jacee ah. Basta my ha?."

"Wag mo nga akong tawaging my.." ito naman kung maka my.. close tayo?

"Basta my ah.... bakit ba kasi tamang-tama talaga sa birthday ko ang birthday ng anak ng may-ari na yan."

"Ewan ko. Baka twins kayo."

"Nakita mo na? Gwapo rin ba?"

"Hindi pa. Feeling mo naman ang gwapo mo?"

"Bakit hindi ba? Magssparkle ba yang mga mata mo sakin kung hindi?"

"Feeling to.."

"Sus.. In love ka nga sakin eh. Denial ka lang. diba baby? Love ni mommy si daddy?" Nagparesback ito sa anak ko.

"Yes daddy.." sumang-ayon agad ito. Mag-ama talaga!

"Sabihan mo nga si mommy na mag I love you kay daddy?"  Patay nah!

"Mama... say I wab you to daddy.." sabi nito. Anak! Wag kang makinig sa daddy mo!

"kung ano-ano ang tinuturo mo jan sa anak ko." Simangot ko!

"Baby oh. Ayaw ni mommy mag I love you kay daddy..." nagpacute pa ang mokong at nagdrama.

"Mama... please.. sa I wab u to daddy na din give him a kiss. He's sad oh.." pilit ng anak ko.

"OA yang daddy mo baby. Hindi yan sad" sagot ko dito.

"Hindi ka sab daddy?" Tanong naman ni baby at medjo natawa ako. Ang cute talaga ng anak ko.

"Iiyak na nga si daddy baby oh. Super sad ako dahil ayaw mag I love you ni mommy. Ayaw din magkiss." Sagot ng gago! Bwesit to!

"Mama!!!! Say I wab you to daddy na and kiss him" sigaw ng anak ko at hinila ako papunta sa daddy niya.

"Sige na ma..." pilit parin nito pero ayaw ko talaga. Go with the flow naman tong Xander na to.

"Baby oh... ayaw ni mommy.." Ginagamit pa ang anak ko ng gago. Baliw talaga to!

"Mama.. sige na po.. pweassseee???" Pacute nito.

"Oh! I love you na!" Napilitang sabi ko.

"Baby oh.. parang napipilitan lang si mommy. Galit yata."

"I love you daddy.... " nagfake smile ako at napangiti din ang mokong.

"I love you din mommy... asan na ang kiss ko?" Umithcus pa to oh!

"Sumusubra kana ah!" Galit na nakangiting sabi ko. Yon bang galit na galit ka pero pinilit mo paring huminahon at ngumiti samantalang kinakausap ang loko-loko.

"Baby..." sagaw nito at agad ko namang sinunggaban ng halik sa pisngi pero...

Ito na.. ng hahalik na ako, bigla itong lumingon at yon na. Sa labi na tumungo ang halik ko.

Nabigla ako at biglang di ako makarining sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Lumaki ang mata ko at natulala sandali.

"I kiss mo din si mama, daddy" medjo dinig ko pero wala eh tulala ang lola.

Hinay-hinay naman niya akong hinalikan at doon na nagising ako sa katotohanan.

Tinulak ko si Xander dahil back to reality na te.

"Gago to!" Sagaw ko.

"Sus.. subra pa nga yong ginawa natin eh.." tukso nito.

"Ahhhh... nakakainis ka talaga!" Tumayo ako at nagwalk out. Iniwan ko ang baby ko sa kanya at pumunta sa baba. Kainis to! Para akong nawawala sa sarili ko! Kaninis talaga!

"My.. aminin mo na kasi." Sigaw nito.

"Amiwnim mo na kashi mama.." sigaw din ng cute na baby ko. Mag-ama talaga tong dalawa!!!!!

Xander's POV

Ang cute talaga ni Cleo. Denial talaga. Maghintay ka lang Cleo.

"Baby... do you want other daddy than daddy Xander?" Tanong ko dito sa anak ko.

"No daddy. I only want you daddy.. you awe my onwe daddy.. I wab you daddy" niyakap niya ako at hinalikan. Anak ko talaga.

*******

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Billionaire Doctor's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon