Kinabukasan, mayroong pangkahalatang pagpupulong para sa departamento ng BSBA at HRM. Gaya ng dati, huli na naman si Hannah.
Dali-dali siyang pumunta sa gym kung saan idadaos ang kasiyahan. Hinanap niya ang mga kaklase para doon siya sumama.
Sa unang parte ng pagpupulong, nagsalita ang mga opisyal ng paaralan. Tinalakay nila ang mga patakaran na dapat sundin ng bawat magaaral.
Sa totoo lang, medyo boring ang mga ganoong talumpati pero kailangan pa ding making.
Sa ikalawang parte, ipapakilala daw ang sampung magaaral sa bawat kursong BSBA at HRM na nakataas sa entrance exam. Hindi akalain ni Hannah na makakasali siya bilang pangsampung magaaral sa HRM na mataas sa entrance exam.
Sunod sa mga tinawag ay ang mga magaaral ng BSBA na nakataas sa nasabing pagsusulit.
“Jeremy Madrigal, ang nakakuha ng pinakamataas na iskor sa pagsusulit”, sabi ng host ng pagpupulong.
Tuloy ang pagpalakpak ni Hannah. Naisip niya na ito iyong lalaking pinagkakaguluhan ng mga babae noong isang araw.
Naintriga tuloy sya sa lalaking iyon na bukod sa gwapo daw ay matalino rin.
Tumayo sa tabi niya ang lalaking kanina pang ipinagtataka ng kanyang isipan. Sumulyap sya sa mukha ng lalaking si Jeremy.
Laking gulat niya nang makilala ang mukha ng binata. Ito din ang batang nagligtas sakanya noon sa resort nila.
Dahan-dahang bumababa mula sa entablado si Hannah. Hindi niya lubos maisip na parehas sila ng paaralang papasukan ng dati’y batang nagligtas sakanya.
Napansin niya ang mga pagbabagong nangyare sa anyo nito. Kung dati ito’y isang cute na bata, ito ngayo’y isang guwapo at matipunong binata na. Muntik na syang madapa dahil sa kanyang malalim na pagiisip. Nang sya’y makaupo, abot-tenga ang kanyang ngiti.
“Congratulations, Hannah!”, rinig niyang sabi ni Jiro.
Ngunit hindi niya iyon msyadong pinagtuunan ng pansin at sa halip ay nginitian lamang niya ang lalaki. Masyado syang naging masaya. Nabuo sakanyang isipan na tadhana na mismo ang naglalapit sakanilang dalawa.
Nang makauwi si Hannah sa kanilang bahay, agad siyang dumiretso sa kanyang silid. Nagtatalon siya sa kanyang kama at pinaghahalikan ang kanyang teddy bear na si Leroy.
“Leroy, nagkita na uli kami ng aking knight in shining armor”, bulalas niya kay Leroy na animo’y tao itong nakakaintindi.
“Bukas na bukas din magpapakilala ako sakanya. Gagawa ako ng paraan para makatuluyan ko ang aking tadhana”, sabi niya ng may ngiti sa labi.
*****
Comments, votes, likes and be a fan if you like :D
BINABASA MO ANG
I'm gonna make you love me .Fɪɴ.
Teen FictionShe's Hannah. Isang girl na oh so inlove sa kanyang saviour nung sya ay bata pa. Pagdating ng college they'll meet again at napagdesisyunan nya na magiging boyfriend nya din ito. Will she suceed in making him fall for her?