STEP 4

389 7 2
                                    

  Kinaumagahan, ikinuwento niya ang nangyari kay Irish. Si Irish ang naging panakamalapit na babaeng kaibigan niya sa mga kaklase.

Tuwang- tuwa siyang nagkukuwento dito. Si Irish naman ay parang dalagang nagmamahal na kinikilig sakanyang kinukuwento.

Wala ngayon sa klase si Jiro dahil natanggap ito sa Dance Troupe ng kanilang paaralan. Hindi niya akalaing mahilig palang magsayaw iyong si Jiro.

Nabaling ang kanyang atensyon sa pagiisip kung paano nya babatiin mamaya si Jeremy. Narinig niyang kasali daw sa basketball team ng paaralan si Jeremy. Mas lalo tuloy humanga ang dalaga dito.

Pumunta si Hannah sa court kung saan nageensayo ng basketball ang team nina Jeremy. Pinapanood niya ang bawat galaw nito. Lalo syang humahanga sa binata dahil nga sa gwapo na nga ito, matalino at athletic pa. Aliw na aliw siya sa panunuod dito.

“Pahinga muna.” Sabi ng isang team member nila. 

“Sige, 30 minutes break muna.” Sang ayon naman ni Jeremy.

Sya kasi ang team captain ng basketball team na yaon.

“Hello Jeremy.”, sabi ni Hannah kay Jeremy nang makalapit ito sa lalaki.

Hindi sya pinansin sa halip ay pumunta lamang sa kanyang mga kagrupo.

Nagulat siya sa pagdedma sakanya ni Jeremy. Ngunit hindi siya tumigil at lumapit pa din it okay Jeremy.

“Jeremy, para sayo to”, sabi nya sabay abot ng isang lunch box kay Jeremy.

Hindi ito kinuha ni Jeremy kaya iniwan na lang nya sa may tabi ng binata at dali-daling umalis na.

“Pare, ang tinik mo talaga sa mga babae”, sabi ng isang kagrupo ni Jeremy sakanya.

Hindi ito pinansin ni Jeremy at naglaro na lamang uli ng basketball. Iniwan din niya ang lunchbox na ibinigay ni Hannah.

Samantalang masayang-masaya umuwi si Hannah. Iniisip niya kung paano kinakain ni Jeremy ang kanyang lutong pagkain. Sinarapan nya talaga ang pagluluto ng pagkaing iyon dahil sa para ito sa isang importanteng tao.

Naglalakad si Jiro sa may court. Talaga kasing doon siya dumadaan para mas madali siyang makarating sa gate.

Habang naglalakad siya may napansin siyang isang pamilyar na bagay sa may bandang upuan ng court.

Naalaala nya ang lunch box na iyon. Ito yung ipinagmamalaki ni Hannah sakanya na ibibigay niya kay Jeremy.

Biglang nakaramdam ng galit si Jiro. Paanong nagawa ng lalaking iyon na wag pansinin ang pinaghirapang lunch box ni Hannah? 

Naiinis siya. Kinuha niya ang lunch box at inilagay ito sa kanyang bag.

Dumaan pa ang madaming araw, tuloy pa din ang pangungulit ni Hannah kay Jeremy. Ngunit tulad ng tagpo sa court, hindi pa din ito nito pinapansin.

Araw-araw niyang dinadalhan  ito ng lunch box dahil dito sya pinakamagaling, sa pagluluto.

Ang hindi alam ni Hannah hindi ito pinapansin ni Jeremy. Iniiwan lang niya ito sa kung saan iniwan ni Hannah.

Lagi din nagiiwan ng mga sticky notes ito sa locker ng binata. Ayaw man itong pansinin ni Jeremy, hindi niya maiwasang basahin ang mga nakalagay sa sticky notes ng dalaga. At kahit papaano ay napapangiti sya sa mga naklagay dito.

Ngunit hanggang doon lang iyon. Ayaw bigyan ng pansin ng binata ang pagbibigay motibo ng dalaga sakanya.

Kahit na medyo napapangiti siya sa mga sticky notes nito, ayaw nya sa mga babaeng makukulit. Para sakanya ang babaeng kagaya ni Hannah ay mahirap maging kasintahan at mahirap pakisamahan.

*****

Comments, votes, likes and be a fan if you like :D

I'm gonna make you love me .Fɪɴ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon