Dumating ang intrams kung saan lalaban ang basketball team ng paaralan nila sa ibang paaralan pa.
Kasali din ang dance troupe nila sa lalaban sa ibang paaralan.
“Hannah! Wag ka namang puro Jeremy. Icheer mo naman ako”,sabi ni Jiro.
Natawa naman si Hannah sa sinabi ng kaibigan.
“Oo na. Go Jiro! Go Jiro! Go Jiro!”, pangaasar niya sa kaibigan.
Napatingin siya kay Jeremy at nahuli nya itong nakatingin sakanya. Kinawayan niya ito ngunit tumingin ito sa ibang direksyon.
Napangiti na lamang si Hannah. Naisip niya na baka napahiya si Jeremy dahil nahuli niya itong nakatingin.
Nagsimula na ang labanan sa basketball. Todo suporta si Hannah kay Jeremy.
Ngunit naiinis siya dahil nasasapawan ng mga ibang babae ang boses nya kaya baka hindi siya naririnig ni Jeremy.
Inilabas niya na ang kanyang huling alas. Nagpatulong sya kay Irish para itaas ang pinagawa nyang tarpaulin kay Jeremy.
Sa isip isip nya kinabog nya ang mga babaeng sumisigaw kanina pa. Maganda ang laban. At syempre nangunguna ang team nila Jeremy.
Masayang masaya si Hannah. Todo suporta pa din sya.
Ngunit sa di maipaliwanag na pangyayari natalo ang team nina Jeremy. Nakita niya ang galit na may halong pagkalungkot sa mukha ni Jeremy.
Umalis na lahat ng magaaral sa gym. Ang natira na lang ay si Hannah at Jeremy.
Nakita nyang hindi talaga masaya ang binata sa nangyari.
Lumapit sya kay Jeremy na nakaupo kanina pa sa may bench ng gym. Umupo sya sa may tabi nito at may kinuha sa kanyang bag.
“Jeremy, alam mo ba ang epekto ng tsokolate sa atin? Dahil sa matamis ito di mo maiiwasang mahawa ang nararamdaman mo sa lasa nito. Kaya nagiging masaya ka. Sayo na lang ‘to”, sabi niya kay Jeremy at akmang iiwan sa may tabi ni Jeremy.
Pero laking gulat niya ng kinuha iyon ni Jeremy sa kamay mismo niya. Napatitig siya kay Jeremy habang kinakain nya ang tsokolate.
Ito ang unang beses na nakita nya si Jeremy ng kainin ang gawa o luto nya. Umupo sya muli sa tabi ng lalaki.
“Salamat”, sabi ni Jeremy na halos pabulong na.
napatingin si Hannah kay Jeremy. Tuwang-tuwa si Hannah dahil kahit papaano napangiti niya ito.
“Gustong-gusto talaga kita”, halos sigaw ni Hannah.
Nagkatitigan sila ng sandail. Medyo nakaramdam ng hiya si Hannah sa kanyang nasabi kaya naman dali-dali syang nagtatakbo palabas ng gym.
Nakahiga ngayon sa kama si Hannah. Hindi niya lubos maisip na masasabi niya iyon sa ganoong pagkakataon. Napakamali ng kanyang oras ng pagsasabi.
Magkagayunpaman, napangiti pa din sya dahil iyon na lang uli ang pagkakataong pinanasin siya ni Jeremy. Masaya niyang ipinikit ang mata at umaasang magkita silang muli sa panaginip ni Jeremy.
*****
Comments, votes, likes and be a fan if you want :D
BINABASA MO ANG
I'm gonna make you love me .Fɪɴ.
Teen FictionShe's Hannah. Isang girl na oh so inlove sa kanyang saviour nung sya ay bata pa. Pagdating ng college they'll meet again at napagdesisyunan nya na magiging boyfriend nya din ito. Will she suceed in making him fall for her?