(Shinichi)
Huminto ang sinasakyan kong taxi sa harap ng isang malaking gate, bumaba ako at nagbayad sa manong driver bago ito umalis.
May karatula sa kaliwang bahagi ng gate at nakasulat doon ang mga katagang 'Katsuroda Family'
Mukhang tama naman ang napuntahan ko, dito kasi ang sinabing lugar ni Inspector Megure.
[Flashback]
Sa telepono..
"Shinichi may gagawin ka ba ngayong sabado?" tanong ng inspector.
"Wla naman po, bakit po inspector?" Shinichi.
"Mayroon sana akong gustong i-refer sayong kaso." Megure.
Napangisi ako ng marinig ko ang salitang kaso "Tungkol saan po ba yan inspector?"
"Pamilyar ka ba sa pamilyang Katsuroda?" Megure.
"Hmm.. Ang may-ari ng Katsuroda Shopping Mall?" Shinichi.
"Tama ka, ang presidente ng Katsuroda Shopping Mall at ang head ng buong pamilya nila na si Ishida Katsuroda ay nakakatanggap ng mga death threats." Megure.
"Pero inspector hindi ba halos araw-araw namang nakakatanggap ng threats ang mga taong katulad nila." Shinichi.
"Oo, pero iba ang kutob ni Mr. Ishida, sa palagay niya ay isa sa mga taong kasama niya sa mansyon ang nagpapadala ng mga death threats." Megure.
"Malaki ang posibilidad na naghahabol ito sa mana na maaring matanggap nila, posibleng isa sa mga kamag-anak o anak?" Shinichi.
"Iyon din ang nasa isip ko, sa ngayon kasi marami akong kasong inaasikaso, kaya wala na akong panahon para sa isang to, kung ayos lang naman sa'yo." Megure.
"Walang problema inspector, ako na ang bahala sa kaso." Shinichi.
Pagkatapos ay binanggit ni Inspector Megure ang address ng Katsuroda Family, isinulat ko naman ito sa maliit na papel.
*click*
Sabay lapag ng telepono.
[Flashback Ends]
Pinindot ko na ang doorbell, makalipas lang ang ilang Segundo binuksan ito ng isang lalaking nakasuot ng vest, may long sleeve na panluob at itim na slacks na pantalon.
"Ano ho ang kailangan nila?" Tanong niya.
(Jizen Uzumiya, 46, Caretaker)
Hindi pa din niya binubuksan ang gate pero nagkaka-kitaan kami dahil hindi naman silyado ang gate ng mansyon "Ako po si Shinichi Kudo, pinapunta po ako ni Inspector Megure." Sagot ko sa tanong niya.
Bahagyang nanlaki ang mata ng lalaki matapos marinig ang pangalan ko "Sh-Shinichi ba kamo? Yung high school detective?"
"Ako nga po." Sagot kong muli na bahagyang pagngiti naman.
Binuksan niya ang gate at pinatuloy ako sa loob ng mansion.
"Pasensiya ka na, ako nga pala si Jizen Uzumiya ang caretaker ng pamilyang Katsuroda, kung hindi ako nagkakamali si Mr. Ishida ang gusto niyong maka-usap." Sabi pa niya habang naglalakad kami sa hallway.
Tumango ako bilang sagot, sa paglalakad namin may nakasalubong kaming dalawang lalaki.
"Jizen sino ang kasama mo?" Tanong nang lalaking nakasalamin at naka-one side ang buhok.
BINABASA MO ANG
Shinichi Kudo: The Katsuroda Murder Case
Mystery / ThrillerThis story is just a fan fiction of Shinichi Kudo, all the main characters are not mine, credits to Gosho Aoyama, only the story or case are originally created by me.