PART III

183 13 0
                                    


(Shinichi)

Nagmadali naman akong bumalik sa sala upang ipaliwanag ang lahat ng natuklasan ko, ng madatnan ko sila paalis na si inspector "Babalitaan na lamang namin kayo sa kaso."

Nagsipag-tayuan na ang lahat akmang aalis na "Sandali!" Biglang sigaw ko "Wala munang aalis." Naglakad ako papalapit sa mga suspect, marami sila pero sa apat na magkakapatid lang ako naka-tingin.

"Ang pumatay kay Mr. Ishida, ay isa sa inyong magkakapatid." Bigkas ko.

"Teka! Shinichi lahat sila ay may alibi." Sabin g Inspector.

"Tama ka doon Inspector, pero hindi solid ang alibi nila, katulad na lang ng alibi ni Ms. Hikari, hindi sulido ang alibi niya at walang nakakita sa kaniya na nandun lamang siya sa kuwarto." Sabi ko.

"T-Teka sinasabi mo bang ako ang pumatay sa papa ko?" Sabat ng anak na babae.

"Una, kahit sino ay puwedeng i-lock ang pinto kapag lalabas mula sa loob ng opisina, dahil push ang ginagamit na lock, pero hindi puwedeng buksan ito mula sa labas, si Mr. Ishida ay nagdudu-da sa apat na anak niya kaya nagkulong siya sa opisina matapos niyang matanggap ang huling death threat na may kinalaman sa last will and testament niya."

"Sandali lang walang ibang pinapapasok si Papa sa opisina maliban kay Jizen, at siya lang ang may master key bukod kay papa." Sabat ni Izaki.

"Totoong siya lang ang may kayang pumasok sa loob, pero puwede rin namang kumatok ang isa sa inyo." Sagot ko naman.

"Pero malabo na pagbuksan niya kami, sa amin nga siya natatakot di ba?" Sabi naman ni Fujiyama.

"Oo pero maliban na lang kung inamin niya na sa kaniya galing ang mga, mga death threat, siguradong bubuksan ni Mr. Ishida ang pinto at papasukin ang sinuman."

"Ano pa bang pinag-sasabi mo diyan, sabihin mo na kung sino ang pumatay!!!" Pasigaw na utos ni Ryo.

Inilagay ko ang magkabilang kamay ko sa bulsa, "Ang taong pumatay kay Mr. Ishida, ay walang iba kundi ikaw!!!" Saba yang turo ko kay Izaki Katsuroda.

Natigilan siya ganoon din ang mga taong nasa sala.

"Imposible ang sinasabi mo, nakalimutan mo na bang may witness ako sa alibi ko? At yon ay ang kapatid ko na si Ryo." Depensa nito. "Hindi ba nagkasalubong pa nga tayo sa hallway, kasama mo pa si Jizen, at ikaw mismo ay witness sa alibi ko."

"Oo tama ka, pero saan ka ba galing ng magkasalubong tayo sa hallway?" Tanong ko.

"A-Ahh.." Ito lang ang nasabi niya.

"Ngayong sinabi mo yan, nagkasalubong lamang kami ni Izaki bago ako makarating sa pinto ng opisina ni papa, at ng makasalubong namin kayo kakadaan lang naming dalawa noon." Biglang lingon kay Izaki "Hindi ko naisip nab ago kami magkasalubong ay posibleng galing siya sa opisina ni papa."

"Kuya Izaki?" Sabin g nag-iisang babaeng si Hikari.

"Kumatok ka sa pinto ng opisina, pero syempre ng malaman ng papa mo na isa sa mga anak niya ang kumakatok hindi niya ito binuksan, ngunit sinabi mo na ikaw ang nagpdala ng death threats, kaya agad niyang binuksan ang pinto para makausap ka, nagkaroon kayo ng pagtatalo, itinulak mo siya at napaatras siya, nabangga niya ang mesa niya, dahil dito nahulog ang mug at natapon ang kape sa sahig, matapos iyon ay sinaksak mo siya ng isang matalim na bagay, na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay."

"Heh! Isa ka lamang high school playing detective, ang lahat ng sinasabi mo ay deductions lamang, mga posibilidad ika nga." Sabi ni Izaki.

"R-A-Z-P-R, alam mob a ang ibig sabihin ng dying message ng papa mo?" Tanong ko.

Shinichi Kudo: The Katsuroda Murder CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon