(Shinichi)
Hindi nag-tagal at dumating na ang mga pulis, ganoon din si Ryo, Izaki Katsuroda, pati na rin ang dalawa pang anak ni Mr. Ishida.
"Papa!!!" Sigaw ng isang babae, tinangka niyang lumapit ngunit pinigilan siya ng isa sa mga pulis "Papa!!! Papa!!!" Patuloy na pagsigaw niya habang tumutulo ang luha.
(Hikari Katsuroda, 25, Youngest Child)
"Hindi ako makapaniwalang tino-too ang banta kay papa." Sabi naman ng lalaking pormal ang ayos ng buhok at mukhang kalmado lang.
(Fujiyama Katsuroda, 31, 2nd Son)
Hindi sila pinayagang pumasok sa crime scene dahil baka ma-contaminate nila ito.
Nilapitan ko ang bangkay at napansin ko na may isinulat sa sahig ang biktima bago siya namatay.
'RAZPR'
Halatang si Mr.Ishida ang sumulat dahil sa posisyon ng kamay niya, posibleng ito ang dying message niya, sa di kalayu-an ay may mug na nabasag, malapit lang ito sa biktima, may natapong kape , mukhang may laman pa ang baso bago ito nahulog.
"Shinichi Kudo?" May narinig akong boses mula sa likod ko.
Nang makita ko kung sino, isang taong hindi pamilyar sa akin ang nakita ko, inaasahankong si Inspector Megure ang pupunta.
"Ahhh.. Ikinagagalak kong makilala ka, ako si Inspector Yuuto Kawashima, pansamantala ko munang pinalitan si Inspector Megure dahil may inaasikaso siyang kaso ngayon." SAmbit niya habang nakikipag-kamay sa akin.
(Yuuto Kawashima, 34, Substitute Inspector)
Matapos kuhanan ng litrato ng mga pulis ang crime scene muling isinara ang pinto ng opisina, may dilaw na kordon ito at may nakasulat na 'POLICE LINE DO NOT CORSS'
"Kailangan makuha ang statement ng lahat ng mga taong nandito sa mansyon." Sabi ng Inspector kay Jizen.
"Ahh.. Sige po Inspector, doon po tayo sa sala." Sagot niya.
"Pati na rin lahat kayong nandito kailangan doon." Dagdag pa niya.
Sabay sabay kaming naglakad papunta sa sala, may dalawang pulis na naiwan para magbantay sa crime scene.
*clink*
*clink*
Naririnig ko nanaman
*clink*
*clink*
Saan naman nanggagaling ang mysteryosong tunog na iyon? Napahawak ako sa baba habang naglalakad.
*clink*
*clink*
Narinig ko ng patuloy-tuloy ang kakaibang tunog na iyon hanggang sa nakarating kami sa sala, naupo silang lahat sa set ng couch roon, habang ako ay naiwang nakatayo, naksandal sa pader at nakakrus ang mga braso.
"Kailan at sino sa niyo ang huling nakitang buhay ang biktima?" Unang tanong ng Inspector.
Isa sa mga lalaki ang nagtaas ng kamay ito ay si Mr. Jizen "Ako po, dahil simula ng magkulong si Mr. Ishida sa opisina niya, ako ang palagi niyang inuutusan para dalhan siya ng makakain, kanina ho mga bandang 7:00 am humingi po siya ng almusal." Sabi niya.
"Napadaan ako sa opisina niya kanina mga bandang 9:30 am na siguro yon, naririnig kong may kausap siya sa telepono." Sabi ng isa sa mga anak ni Mr. Ishida na si Fujiyama.
9:30 am? Mga 10:00 am natagpuan namin ni Mr. Jizen ang biktima, sa makatuwid naganap ang krimen sa pagitan ng 9:30 am at 10:00 am.
"Sa mga oras na iyon, ano ang ginagawa ninyo?" Tanong ng inspector.
"Nagbabasa lamang ako sa kuwarto ko ng libro." Sabi ng nag-iisang babaeng anak ni Mr. Ishida na si Hikari, patuloy pa rin ang pagtulo ng luha niya.
"Sino ang makakapag-patunay noon?"
"Wala, dahil mag-isa lang ako sa kuwarto." Sagot niya.
"Papunta ako noon sa study room ng mansyon, kaya napadaan ako sa opisina ni papa, nakasalubong ko ang isa sa mga maid, kung gusto niyo ng magpapatunay." Sabi ni Fujiyama.
"Kami naman magkasama kami ni Ryo na naglalakad sa hallway." Sabi ni Izaki.
"Totoo yon." Sagot naman ng panganay na anak.
"Ikaw naman anong alibi mo?" Tanong ng Inspectorkay Jizen.
"Kasama ko si Mr. Kudo, ako nagbukas ng gate para sa kaniya, hindi na ako nawala sa paningin ni Mr. Kudo dahil magkasama kami ng matagpuan namin ang katawan ni Mr. Ishida."
"Ikaw lang ba ang may hawak ng master key?" Tanong ng Inspector.
"Dalawa ang master key ni Sir Ishida, ang isa ay nasakin, at ang isa ay nasa kaniya." Sagot ni Jizen
Kung ganoon kumatok ang killer para papasukin siya ng biktima
Di nagtagal dumating na rin ang mga maid at iba pang mga katiwala sa mansion, isa-isa silang kinuwestyon ng inspector.
Umalis na ako sa sala at sinubukang maglakad-lakad, may dalawang pulis akong nakasalubong.
"..Sa pagkaka-balita ko, dahil daw sa last will and testament ng biktima." Sabi ng isa sa kanila.
"Posible rin daw na isa sa mga kalaban nila sa negosyo ang gumawa nito." Sabi nung isang pulis din.
Naisipan kong bumalik sa crime scene, naroon pa rin ang mga pulis na nagbabantay, pinapasok ako ng dalawang pulis sa crime scene, hindi yon madalas ginagawa sa ibang mga sibilyan, pero dahil marami na akong naitulong sa mga pulis pinapayagan na nila ako.
Kanina naka-lock ang pinto mula sa loob, si Mr. Jizen lang ang may susi at na makakapag-bukas nito, naka-lock ang pinto mula sa loob,
nandun pa rin ang iniwang dying message ni Mr. Ishida.
'RAZPR'
Ano kaya ang gustong iparating ni Mr. Ishida?
Lumakad ako papalapit sa mga bookshelves ng masagi ko ang isa sa mga vase na malapit dito, Lumagapak ito sa sahig at lumikha ng malakas na tunog, tumalsik ang isa sa mga bubog malapit sa sapatos ko.
Teka, bubog? Sapatos?
Muli akong tumingin sa dying message "R-A-Z-P-R" napangisi na lamang ako matapos kong maintindihan ang lahat.
Ngayon malinaw na sa akin ang lahat.
Ang ibig sabihin ng dying message ni Mr. Ishida, ang naka-lock na pintuan ng opisina, at ang misteryosong tunog na naririnig ko kanina, wala nang duda, kaya pala ganoon lang ang alibi niya kanina.
Ang pumatay ang taong iyon.
A/N: Alam na ni Shinichi kung sino ang killer, bawal ang spoiler pero puwede mag guess kung sino, hehehe!! Feel free to comment, guess lang po walang spoilers please
BINABASA MO ANG
Shinichi Kudo: The Katsuroda Murder Case
Mystery / ThrillerThis story is just a fan fiction of Shinichi Kudo, all the main characters are not mine, credits to Gosho Aoyama, only the story or case are originally created by me.