Sulat

2 0 0
                                    

"Alam mo naman na mahal na mahal kita o baka Hindi mo lang ito nakikita. Hinahayaan kita sa mga gusto mo, hinahayaan kita na maging masaya kahit na hindi ako ang dahilan nito. pero anong magagawa ko eh nakatingin lang ako sa malayo. Sa sulat ko lang nailalabas ang mga nararamdaman ko, nararamdaman ko para sa'yo Simula ng makilala kita nakuha mo na ang loob ko pero paano mo malalaman kung "tol" ang turing mo. Sinabi ko sa sarili ko na kahit mag best friend lang ay OK na sakin pero ang tanga ko kasi kahit yun ay hindi ko magawa Mahal na mahal kita kahit na ang sakit sakit na ng puso ko."


Ilang araw ko rin hinintay ito. Kaya ang saya ko pero hanggang ngayon ay wala paring pangalan pero ok lang nasasanay na rin naman ako.


Nandito na ako sa school, naglalakad. Napansin ko ang mga matang nakatingin sakin at hindi na bago ito. Siguro sanayan na lang.


"Louie!" Malakas na sigaw ng isang babae. Papalapit siya nang papalapit. Nakita ko ang papel na hawak niya, kaparehas ito ng laging binibigay na sulat sa akin.


Napangiti ako, gusto ko siyang hawakan, hagkan. Siguro magpapakilala na siya Paaiyak na siya o kakatapos niya lang umiyak. Ganyan niya ako kamahal.? Mas lalong lumambot ang puso ko. Mahal ko na yata siya.


Yayakapin ko na sana siya ng bigla niyang hinarang ang lapel sa harapan ko. Nagulat ako nang humarap siya sakin at hinatak ako papalabas ng school. Sumama ako sa kanya kahit na hindi ko pa alam ang pangalan niya. Ok na iyon, makikilala ko na rin naman na siya eh Maya maya niyan sasabihin niya na.


"Saan ba tayo pupunta?" Masayang tanong ko. Ay! Hindi ko pa pala alam ang pangalan niya.


"Ano ang pangalan mo? Salamat nga pala sa sulat ha!" Masayang sabi ko ngunit mas lalo siyang humagulgol.


"H-hindi a-ako" nauutal at pilit niyang sinabi ang mga salita. "Paanong hindi ikaw? Haha ikaw ha! Ok lang! Sabihin mo sakin ang nararamdaman mo ngayon, makikinig ako" siguro ako naman ang magtatapat sa kanya


"Alam mo minahal-" naputol ang sasabihin ko nang sumigaw siya.


"Hindi ako! Please! Hindi ako!" Natataranta niyang sabi kaya nagulat ako. Kinabahan rin ang driver sa sigaw niya dahil parang namutla ang mukha niya.


"B-bestfriend ko siya" mahinahon niyang sabi. Nag umpisa na akong mainis. Sino ba ang babaeng ito?


"Pasensya na mukhang maling tao ang nakuha mo miss. Bababa na ho ako" lumingon ako sa driver.


"Manong sa tabi lang po" tinignan niya ang babaeng katabi ko ngunit hindi ito kumibo.


"ITIGIL NIYO NA HO ANG SASAKYAN!" naiinis na ako. I really can't control my temper. Only Krizel- no! Erase it! Tumigil naman ang sasakyan. Bumaba agad ako pero nagulat ako nang nasa tapat kami ng hospital.


"Anong ginagawa natin dito?" Mahina at galit kong sabi.


one shot storiesWhere stories live. Discover now