Umaasa na naman ako

8 0 0
                                    

Umaasa na naman ako

"Happy birthday nga pala sayo" sabi ko at thank you ang sagot mo kaya sabi ko walang anuman.

Umabot ang usapan natin tungkol sa mga crush natin. Pareho tayong may kwento, pareho tayo ng nararamdaman pero magkaiba ang ating minamahal.

Sinabi mo na ang saya mo dahil nakapagpicture kayo sa isa't isa. Nagulat ako, hindi naman tayo sobrang close pero pinagkatiwalaan mo ako kaya sinabi ko rin ang nararamdaman ko.

" ang saya ko, kinikilig pa ako. Alam mo kanina, iyong hawak kong bata gusto maglaro kaso wala na akong makitang iba na walang partner kundi si crush lang. Nahiya naman ako na lumapit sa kanya kaya lang gustong maglaro ng bata kaya nilakasan ko ang loob ko tapos pinakilala ko siya sa bata. Hawak ni crush ang isang kamay ng bata habang ako naman ay hawak rin ang isa. Nakita kami ng kaibigan ko, alam niya na crush ko ang lalaking iyon kaya nagulat siya ng makita kami sa ganong sitwasyon. Para daw kaming pamilya Kahit ako nagulat sa nangyari. Tapos ito pa sabi pa ng isa ko pang kaibigan na may magbibigay daw ng letter sakin, ine-expect ko   na si crush  iyong magbibigay kaya sobrang kinikilig ako" sabi ko

"Ayy oo nga kami nga rin sinabihan na parang pamilya eh. Kinikilig rin ako pero ano iyong letter?" Sabi niya. Nagulat ako, hindi niya ba alam iyon.

"Iyong pinapagawa satin sa mapeh." Sabi ko ng may pagtataka

"Ah, may nagbigay sakin sabi niya crush kita kaso may crush kang iba" sabi niya. Nagulat ako. Alam kasi ng lahat na may crush na siya. Sino kaya ang lalaking iyon?

"Oh my gosh hahaha sino iyon?
OK lang kung hindi mo sabihin pero hahaha sino kaya iyon" sabi ko

"Baka kasi maging awkward eh" sabi niya

"Ha?" Sabi ko. Kinabahan ako bigla doon ha, Parang ayaw ko ng marinig, mabasa ang sasabihin niya pero kung tama ako, bahala na.

"Wag na lang ngayon, happy day natin eh, sa Monday na lang" sabi niya

Kinakabahan na ako, sa sinabi pa lang niya na "baka maging awkward kami". Wag naman sana tama ang hinala ko.

"Pwede mo bang picturan baka kilala ko ang hand writing.
Bigla akong kinabahan hahaha." Sabi ko. Sobra na akong halata dito pero wag niya sanang mahalata.

Alam ko kasi ang hand   writing ni crush.

"Nasa school eh, sa Monday pakita ko." Sabi niya. Nawala kahit papano ang kabang nararamdaman ko.

"Sige mauubos na iyong rent ko eh. Computer shop lang ako, mahirap eh walang wifi, bye! Ciao" sabi ko

"Sige babye!" Sabi niya

Umuwi ako ng malungkot o kinakabahan. Dapat maging masaya ako pero sa simpleng "baka maging awkward tayo" na sinabi niya parang papatak na ang luha ko. Ang saya na nararamdaman ko napalitan na ng lungkot. Kasi kahit anong isipin ko Parang ganun ang lumalabas. Alam ko naman na wala siyang katiting na nararamdaman sa akin pero tuloy parin ako sa pagtingin, pagsunod, pagmahal sayo. Ayoko ko na, gusto ko ng gawin ang salitang "move-on" pero paano?  Magkaklase tayo. Paano kung ilang dangkal lang ang layo mo sakin. Pero wag mo nang iparamdam na wala ako sa tabi tabi kasi pagliko mo habang magkakasalubong tayo ay sobrang sakit na sakin.

Mahal na yata talaga kita. Pasensya na kong tama man ang hinala ko, iiyak lang ako tapos ititigil ko na kasi habang tumatagal mas lalo akong nasasaktan.

one shot storiesWhere stories live. Discover now