Part 3: Umaasa na naman ako

1 0 0
                                    

Kaibigan niya
(Umasa na naman ako)

Naglalakad na kami pauwi. Kasama ng kaibigan ko ang boyfriend niya, si Randy.

Nauuna siyang maglakad sa amin kaya hinabol ko siya. Sumabay ako sa lakad niya.

"Randy" tawag ko sa kanya kaya lumingon siya.

"Bakit?" Tanong niya. Itutuloy ko pa ba ang sasabihin ko? Bahala na. Mas maaga kong malalaman mas madali ako makakalimot. Pero alam kong maaga rin ako masasaktan.

"Tigilan niyo na ang pang-aasar sa amin" sabi ko. Ngumiti siya ng nakakaloko. Ang ngiti na nang-aasar. Iniisip niya siguro na kikiligin ako sa pag-uusapan namin.

"Kanino?" Tanong niya pa. Kaya nawawala na ako sa mood.

"Ah! Si Rayden" tanong niya sagot niya kaya tumango lang ako.

"Hala! Hindi naman ako iyon eh, sila Danny iyon." Sabi niya. Hindi muna ako nagsalita. Kasi alam kong may sasabihin pa siya at tama ang hinala ko.

"Tumigil na nga ako eh" sabi niya. Naiinis ako. Alam na pala nila na may gustong iba si Rayden bakit pa nila kami inaasar.

"Alam ko na Randy" unang sabi ko.

"Alam mo na? Ah! Iynamingalan niya sa dulo may A?" Tama nga ang hinala ko.

"Tapos N ang umpisa" sabi pa niya. Si Nila nga. Si Nila nga ang gusto niya.

"Wag mo ng iisa-isahin Randy" naiinis kong sabi.

"Alam mo Randy, halata kayo sa pinaggagawa niyo. Hindi ako bulag at hindi ako manhid." Sabi ko sa kanya kaya nanahimik siya.

"Ouch" sabi niya ng nakatingin sakin kaya ngumiti ako. Ngiti na talaga? Pinagloloko ang sarili ko.

"Alam ko ang nararamdaman mo, pareho lang tayo." Sabi niya. Natahimik ako. Naalala ko ang nangyayari sa kanila. Gusto Ni Randy ang kaibigan ko pero may gustong iba ang kaibigan ko.

Pagkatapos niyang sabihin iyon pareho kaming natahimik. Nasa unahan ang girlfriend niya kaya sinundan niya ito.

Ako na lang mag isang naglalakad. Ang iba ko pang kaibigan ay nasa likod.

Nanahimik akong naglakad hanggang sa hinintay ko ang mga kaibigan ko. Pagkarating nila, sinabi ko agad sa kanila ang nangyari, ang pinag-usapan namin ni Randy.

Wala ng luhang pumatak pero ramdam ko pa rin ang lungkot. Sawa na siguro maglabas ng luha ang mata ko o wala ng luha na ilalabas ang mata ko.

one shot storiesWhere stories live. Discover now