Confession
Crush na kita since Grade 7. I thought na wala na noong grade 8 kasi hindi na kita nakakasama and even talk to you and then noong grade 9, were talking about you and then I say you. I don't know but again its started again. I like you. No! Its more than like but I don't want to considered that my feeling for you is love, hindi ko kasi alam ang gagawin ko kapag kinonsider ko na love ang nararamdaman ko. And I don't know how control my feelings again.
I started to come in your room just to see you. But then when I found out that your courting someone I respect it. I was jealos? yes! Sino bang hindi. Umiyak ako? Of course! Pero nakita mo ba? Nalaman mo ba? Hindi! Kasi hindi mo manlang naisip na tignan ako bilang babae at ang tingin mo lang ay kapatid na babae. For Pete's sake hindi kita kapatid.Nabalitaan ko na girlfriend mo iyong kinaiinisan ko pero hindi ako naniniwala that time. Pero this time I tell to myself na maniwala ka na, kitang kita mo na nagpapakatanga ka pa.
Sinabi ko sa sarili ko hindi na kita gugustuhin simula ng sinagot ka niya pero punyeta! Bakit ngayon pa! Gusto na kitang kalimutan pero anong magagawa ko? Tadhana na yata ang Hindi ako makamove-on kahit na walang tayo.Tinadhana yata talaga ng maging schoolmate tayo pero anong meron satin? ni isa sa atin ayaw magsalita, kapag magkakasalubong, iiba ng landas. Gusto kitang makausap pero inuunahan ako ng hiya. Laging nasa isip ko na "Babae ako dapat siya ang unang gumawa ng move kasi lalaki siya" Inaasar tayo lagi. Paano pa ako lalapit kung laging may Mang aasar. Mas lalo ako mahihiya. Ibang babae ang makikita mo sa akin kasi ayokong maraming nakatingin satin.Noong una kinilig ako kasi classmate kita tapos inspiration din pero minsan distraction kasi hindi ako makaconcentrate. Ayoko sana na may awkward lagi sa ating dalawa. Gusto ko ng itigil kasi nahihirapan na rin ako.
Naalala mo ba iyong tula na ginawa ko? Para sa' yo iyon. Tinula ko iyon sa harap kahit na nasa unahan ka, sabi ni sir na lagyan ng feelings kaya ginawa ko, kaya lang sumobra kasi umiyak ako.Naalala mo rin ba iyong gumagawa tayo ng trailer? Gusto ko sanang maging bidang Babae kasi ikaw ang bidang lalaki pero iba ang pinili nila para sayo kaya ang labas ako ang nagvi-video sa inyo, ang saklap diba? Mas malala pa noong sinabi nila na wasak noong vinedeo-an ko kayong dalawa sa sweet moment. Muntik na akong umiyak sa harapan niyo pero ang galing ko kasi napigilan ko. Pero hindi eh pinalampas ko lang iyon. Umuwi ako ng bahay at doon ako umiyak. Hindi ko na kasi kayang pigilan pang ang hindi umiyak. Nagsulat na rin ako sa journal ko tungkol dun at thankful ako kasi nabawasan ang sakit na nararamdaman ko.
Grade 10 na tayo ngayon. Were old enough para sa mga immature movements. Salamat na rin sa araw-araw na pagpasok, laking tulong na sa akin iyon. Hanggang dito na lang, maraming salamat ulit.Si-nend ko na iyon kay crush.
Kinakabahan ako.What if kapag nabasa na niya iyon ano ang reaction niya? Ano ang gagawin niya kapag nagkita ulit kami sa room? Bawal pa naman ang relationship sa room namin. Pero nagtapat lang naman ako eh.
Pero kung hindi niya ako papansinin? Hindi ko alam ang gagawin ko pero mostly ganun ang nangyayari paano na yan? Bahala na! Sending na siya.Ihahanda ko na ang sasabihin ko sa Monday. Ganito!
Plan A: umiwas kapag lalapit siyaPlan
B: oo, hindi, pwede at wala akong alam ang isasagot ko sa mga tanong niya.
Plan C: Mag absent na lang kaya ako sa MondayPlan
D: kapag kakausapin, yumuko at sabihin na masakit ang ulo.Ganyan na lang ang gagawin ko.
Tama! Tama, ang talino mo talaga Annie!Hala! Anong nangyari? Bakit nawala iyong data? Hala! Nawala rin iyong ise-send ko! Putris naman oh! Ayoko na! Hindi ko na uulitin. Magtiis siya, hindi na ako magco-confess sa kaniya. Ah basta namimiss ko na siya