The truth

2 0 0
                                    

The truth

"Hi" nagulat ako. Napalingon ako at nginiti-an siya as usual. Ito iyong lalaking matalino bwiset! Bakit ako kinakausap nito.

"Pwede ba kitang maging kaibigan?" Tanong niya kaya ngumiti na lang ulit ako.

Nakakainis! Sobrang talino niya na tipong kapag free time niya libro hawak niya kaya nakakapagtaka kung kinakausap niya ako. And napakatalented niya, tapos may kaya.

"So, Sabay tayo kain mamaya ha" sabi niya na nakangiti ng todo.

"A-ah s-sige" halata yata na napipilitan ako. Bahala na.

Nasa bahay na ako. As usual nandito ako sa 3rd floor, ito kasi ang kwarto namin.

Binuksan ko na ang cellphone ko at balak ko na naman na magpuyat, hapon naman ang pasok ko bukas kaya ok lang iyon.

Binuksan ko ang Facebook at nagulat ako ng may nag add sakin. Ngayon na lang ulit may nag add sa akin.

Tinignan ko tapos pagtingin ko si Jenzley. Garcia pala ang surname niya.

"Ay! Taray ng surname mo beshy!" Pero syempre ako lang ang kausap ko. Wala pa akong kasama dito, wala pa si lola. Si Lola na lang ang kasama ko. wala dito ang family ko.

Kinorfirm ko agad siya.

"Napaghahalataan ka kyah!" Pero syempre hindi ko iyon sinabi sa kanya. Pabebe muna tayo ngayon. Ang talino niya sa math kainis siya! Pero kailangan ko siya para matuto ako.

"Hi" ako na agad ang nag chat. Hahaha para maganda hehehe hindi ko kasi alam ang assignment I mean hindi ko alam kung paano sasagutin kaya opportunity na to.

Nagrespond naman siya agad, nag hi din siya.

"Pasensya na ha, ok lang ba kung magtatanong ako?" Tanong na nga, tatanong pa ako.

"Oo naman" sabi niya with happy emoticon pa. Saya saya kuya will ha!

"Paano ba sagutan ung sa math?" Sabi ko. Mas maganda na iyong alam mo kung paano sagutan kesa sa sagot ang ibigay niya saka nakakahiya.

Tatlong dot na gumagalaw? Ang tagal ah, haba naman ng sasabihin niya.

Ayon! Nagreply rin pero bakit ganito? May numbering and Parang sagot na yata to eh.

"Sagot na lang, ang hirap kasi mag explain dito sa chat hindi ko ma-type iyong mga number kung square root at iba pa." Hala ang lakas ng kyah niyo nila-lang lang ang sagot.

"Hala! Pero salamat" reply ko. Ang pangit naman kung hindi ako mag thank you diba? Pero ang laking tulong sakin iyon, hindi na ako magso- solve. Ang bait talaga.

"Nasayo na ang lahat~~~" oh my gosh napakanta ako ng wala sa oras.

"Sige good night. May pasok pa tayo bukas" sabi niya. "Sige" na lang ang ni-reply ko. Hindi kasi ako sanay na may nagsasabi sakin ng ganyan.

***

Lumipas ang mga araw at sinabi na rin sa akin ni Jenzley na may gusto siya sakin kaya nagulat ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ano ba dapat ang gagawin ko. Lagi na kaming sabay umuwi, kumain sa labas. Nakita na rin siya ng kapatid ko and ok naman sa kanya, botong boto pa nga eh bwiset. Nakapunta na siya sa lugar namin and nakapunta na rin ako sa bahay nila. Sinabi ko na rin sa kaibigan ko, pati siya naguguluhan sakin. Sa umpisa kinikilig siya tapos biglang sumimangot.

"Nanliligaw na siya sayo? Oh bakit hindi mo sagutin, diba sabi mo matalino tapos talented and bonus may kaya pa ang peg." Tuloy tuloy niyang sabi.

"Eh gusto ko ngang sagutin kaso nga lang hindi ko naman siya mahal" sabi ko naman sa kanya.

"Baliw ka ba? Sasagutin mo? Hindi mo naman mahal. Tulok ka rin eh. sabihin mo sa kanya para alam niya." Sabi niya. Kung sabagay may point siya.

"bukas na bukas rin, sasabihin ko sa kanya. Bahala na."

"Good. Sige na umuwi ka na, uuwi na rin ako. Matutulog na ako, maaga pa pasok ko bukas." Sabi niya.

Sabay na kaming umuwi pagkarating ko sa kwarto inisip ko na ang sasabihin ko bukas at sana maintindihan niya.

Maaga akong pumasok para makapag usap kami. At Sakto naman na nandito na siya.

Pagpasok ko pa lang nakita ko na agad siya. Napalingon siya sa akin at agad siyang tumakbo papalapit sa akin. Kinakabahan ako. Wish me luck.

"Kamusta?" Masayang tanong niya.

"Ok lang naman ako" pinilit kong ngumiti pero nakita ko sa kanya na bigla siyang nagseryoso.

"Alam mo naman na gusto kita diba?" Sabi niya at tumango lang ako. Hinayaan ko siyang magsalita.

"Since wala ka pa naman na boyfriend, gusto ko sanang maging boyfriend mo." Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Pero naawa ako na ewan tapos nagi-guilty. Ayaw na ayaw kong nararamdaman ito kaya sasabihin ko na.

"Sorry, alam mo kasi ano eh may gusto akong iba" nakayuko kong sabi.

"Naiintindihan ko. Maghihintay pa rin ako" nakangiti niyang sabi pero kita mo na ang lungkot.

"Hindi mo maintindihan. Hindi lalaki ang gusto ko."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 31, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

one shot storiesWhere stories live. Discover now