Chapter 2
Emerald Asuna
Isang nakakabulahaw na katok ang nagpagising sa napakahimbing kong tulog, nahulog tuloy ako sa kama sa sobrang pagkagulat. Humanda saaken ang kung mang pangahas na yun na nangistorbo sa mahimbing kong tulog.
"Ma'am gising nap o ba kayo?"
"Sa tingin mo?/!!" tinanong pa talaga ako? Siya kaya ang katukin ko ng ganun kalakas tingnan ko kung hindi siya magising. Isa lang naman ang taong kayang magpagalit saakin ng ganito. Si Lala ang nakaatas na mag asikaso saaken. Hindi talaga natatakot ang isang yan saaken, hindi lang yun may pagkaweirdo rin ang isang yun.
Dumeretso na ako sa banyo bago pa magbago ang isip ko. Mahirap pa namang kalabanin ang tukso.
*
Pagkababa na pagkababa ko pa lang ng hagdanan ay isang katebang mga katulong at butler ang nakahilera. Lahat sila aynagsibait saakin na siyang ginawa ko rin dumeretso na ako sa dining room sabi kasi naghihintay na sila saakin. Aba't ako pa talaga pinagmadali anu? Ako nga nakayang maghintay ng siyam na taon and still counting sila ilang minuto lang. Umayos sila joke.
"Kamusta ang tulog ng prinsesa?"
"Ang sarap naman ng mga cupcakes dito"
"Umayos ka nga Monica mukha kang patay-gutom diyan sa gingagawa mo"
Hindi pa ako nakakalapit sa hapag alam ko na kaagad kung sinu ang mga nandoon. At tama nga ako ang S-10 ay masayang nagsisikain at nagtatawanan. Kanino bang bahay ito? Bakit hindi ata ako nainform na may mga sugod bahay gang na darating? Edi sana napasara ko na yung gate.
"Bakit ba sibangot na sibangot yang mukha mo?" naiiritang tanong ni Joanna habang umiinom ng tsaa, sinenysan ko yung chef sa tabi ko ipaghanda na rin ako ng pagkain.
"Anung ginagawa niyo dito? Wala ba kayong mga bahay? An gaga-aga nang-gugulo kayo"
Nandoon din sila sa party kagabi hindi nga lang ako nagkaroon ng pagkakataong makipag-kwentuhan at makiparty daw sa kanila dahil dun sa sagutan namin ni Kit. Atsaka bigla akong nawalan ng gana, palagi namang ganito sa una excited pero biglang malulugkot. Anyway, dito sila natulog sa bahay dahil masyado ng late marami namang kwarto dito kaya ok lang.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Teen Fiction(Full story is available on DREAME) The Lost Princess duology book 2 Akala ko madali lang lilipas ang sinasabi niyang takdang panahon, hanggang ngayon hawak hawak ko pa rin yung mga katagang sinabi niya saakin na kung para talaga kami sa isa't-isa g...