Chapter 5
Siniksik ko lahat ng dapat isiksik sa backpack ko, I'm in my devastated state right now. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko kahapon hindi magsink-in sa utak ko ang naging usapan naming pamilya. Para kasing... haisst basta, akala ko pa naman ok na ang lahat.
Akala ko kapag nahanap ko na ang totoo kong pamilya happy happy na... I didn't expect that this day will come na maglalayas ako saamin. Yeah naisip kong maglayas, there's no way na papaya ako dun sa kung anu man yun. Kainis ayaw ko na talagang maalala pa yung mga napag-usapn namin kahapon. Nakakabwisit na ewan basta hindi ko maipaliwanag ang halo-halong emosyong nararamdaman ko.
Flashback...
"It's you"
Wait tama ba ako ng dinig? Anu daw sabi?
Parang nagbuffer ata ang utak ko doon ah. Ang galing namang mag-joke ni GrandMomsy pero seryso hindi siya bumenta saakin, hindi nakakatawa eh. Hndi bagay sa kanya ang magjoke ng ganito.
"Huh?" yan lang ang nasabi ko baka naman kasi ginugood time lang ako ni GrandMomsy minsan kasi yung mga seryosong tao trying hard magpatawa masyado.
"Hija ikaw ang natakdang magpakasal sa apo ng mga McKenzie. Matagal na itong pinalano bata ka pa lang nakatakda ka na talagang ikasal sa kanya. Dapat nung 18th birthday mo sasabihin at iaanounce sa lahat since yun din ang araw na ipapakilala ka sa lahat."
"Mama diba sinabi ko naman sa inyo na huwag munang sabihin sa kanya! She's too young for that kind of thing. Akala ko ba nangako kayong sasabihin muna saakin?" si mama hindi makapaniwala na tinititigan si Lola. Si Lola naman ewan ko ba haisst kaligayahan ko na ang nakasalalay dito pero bakit ganun? Hindi ko magawang magalit o di kaya ay ipaglaban ang gusto ko?
"I know I know I don't break my promise pero ang mga Mckenzie, nakarating na sa kanila ang balita na nahanap na ang nag-iisang apong babae namin. They get angry at first for not letting them know pero napakiusapan ko din naman sila kaagad. Kahit ako ayoko na ring gawin natrauma na ata ako sa ginawa mo. Pero kasi alam mo namang malaking bagay sa mga pamilya noon ang pagbibitaw ng isang pangako? At kapag hindi tayo tumupad malaki ang magiging epekto noon satin."
"Pero Lola we can't let that happen, Emerald is so young and we don't want her to experience a loveless marriage" pati si Kuya Liam hay mabuti na lang at nagsasalita in my behalf kasi ako hindi makapag-isip ng sasabihin.
"Lola wala na ba talagang paraan para maurong ang lahat? Hindi ba nating pwedeng pakiusapan ang mga McKenzie? Siguro naman pakikinggan nila tayo since magkaibigan naman ang mga pamilya natin" si William naman akala mo siya yung nasa hotseat kasi namn frustrated na frustrates siya, haysst diba dapat ako yun nang-agaw pa ng moment joke.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Teen Fiction(Full story is available on DREAME) The Lost Princess duology book 2 Akala ko madali lang lilipas ang sinasabi niyang takdang panahon, hanggang ngayon hawak hawak ko pa rin yung mga katagang sinabi niya saakin na kung para talaga kami sa isa't-isa g...