Chapter 3
"Malalim ata ang iniisip natin ah?" inabutan ako ni William ng juice na tinggap ko naman kaagad "Maaga kayong natapos ni kuya?" Tumutulong na si William sa kapatid ko para sa negosyo namin, hindi pa ako ganun ka fulltime kasi nagtetraining pa lang ako.
"Bakit siya tinatawag mong kuya ako hindi?" nakasimangot siya habang sinasabi yan pero parang nagpipigil ng tawa isa pa to eh simula ng lumabas ako ng hospital plagai na kaming tatlong magkakasama. Hindi na nga kami mapaghiwalay kaya sobrang close nanamin sa isa't-isa kahit puro ilangan pa nung una.
"Dalawang taon lang naman ang tanda mo saaken"
"Really? Hmm bakit nga ba malungkot ka?"
Nag-aalangan ako kung sasabihin ko ba o hindi paano kung maging ganun din ang reaksyon niya? Pero kapatid ko naman siya kaya baka hindi naman siguro.
"Pakiramdam ko may tinttago saaken ang buong S-10" pinakatitigan ko si William tinitingnan ko kung anung magiging reakyon niya pero parang naguluhan lang siya sa sinabi ko. Kung ganun wala siyang nalalaman sa kung anu man yung itinatago nila.
"What do you mean?" nagtataka niya akong tinignan
"Hindi ko alam, I'm not yet sure basta ang alam ko lang may kailangan akong malaman" kung anu man iyon importante man o hindi kailangan ko pa ring alamin. Na bakit kailagang hindi ko malaman.
"Kung kutob lang yan make sure na hindi ka gagawa ng mga kung anu-anong conclusion alam mo namang kaibigan natin sila and we have no right to accuse them without a proof" tumango lang ako sa sinabi ni William alam ko yun kaya nga hindi ako umiimik.
Nagpaalam na siya saaken na aakyat na samantalang ako kay nandito pa rin sa may pool.
*
Maaga akong nagising dahil binilin saakin ni Samantha na maaga daw niya akong susunduin, ewan ko ba kaya ko namang magmaneho ng kotse pero ayaw nila akong payagan. Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko pero hindi pa rinyun sapat para pakiusapan silang luwagan ang security saakin. Feeling ko tuloy para akong isang ibon na nakakulong sa hawla. I don't have my freebom, freedom to spread my wings and fly.
Bagot na bagot akong nakatingin sa napakalaking overlooking glass window ng office. Hindi naman ako nakikinig sa mga sinasabi ni hindi ko alam kung sinu man siya kamalayan ko ba diyan sa mga sinasabi niya. Mas gusto ko pang kausap ang asong regalo saakin ni Tatay Ben na si Bruno.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Teen Fiction(Full story is available on DREAME) The Lost Princess duology book 2 Akala ko madali lang lilipas ang sinasabi niyang takdang panahon, hanggang ngayon hawak hawak ko pa rin yung mga katagang sinabi niya saakin na kung para talaga kami sa isa't-isa g...