Chapter 4

13.7K 424 28
                                    


Chapter 4

Drip.drop.drip.drop.drip.drop

Hayysst kelan kaya titila ang ulan, kanina pa akong nakatayo dito sa waiting shed. Kanina lang naman ang tindi ng sikat ng araw pero nung nag-umpisa na akong magstroll sa buong park bigla na lang umulan ng malakas. Pati ba naman kalangitan hadlang sa kasiyahan ko? Wala akong magagawa kundi ang maghintay. Sabagay sanay naman na ako joke.

Nilibang ko na lang ang sarili ko sa paglalandi nung tubig ulan na pumapatak, ang boring naman.

Dun sa tabi nung sinilungan kong shed ay may banda na kumakanta, nakuha nun yung atensyon ko dahil sa kinakanta nila.

Now Playing: Malaya Ka Na by Moira

Ang galing namang kumanta nung vocalist nila, pati yung kanta ang ganda. Ang ganda kasi parang bagay na bagay saakin. Oo na ako na ang martir, masokista at kung anu-anu pang naiisip niyong sabihin. Pero wala akong pakialam, I'm stupid? Yes I am.

Kesa naman lokohin ko ang sarili ko, ito ang unang beses kong ma-inlove there I said it kahit korny mang pakinggan. Masyado kasing malalim yung binagsakan ko na ang hirap ng umahon maybe it's too late for me I guess. Sabi nila absence makes the heart grow colder pero bakit opposite yung nangyayari saakin? Bakit sa bawat paglipas ng mga araw, buwan, taon lalo akong bumabaon sa binagsakang kong yun. How ironic.

Gusto kong sumugal sa isang bagay na walang kasiguraduhan ayokong sumuko at maging talunan. Gusto ko kapag dumating ako sa puntong yun ay wala akong pagsisisihan atleast masasabi kong ginawa ko naman ang lahat, naghintay naman ako gaya ng sabi niya hindi ako sumira sa pangako.

Mukhang wala ng pag-asang tumila ang ulan na ito sususgod na lang ako sa ulan bahala na. mabuti na lang may hood yung damit na naisuot ko as if namang hindi ako mababasa eh anu? Di bale na pagkauwing-pagkauwi ko liligo na lang ako.

Pero langhiya dahil may biglang humila sa damit ko kaya nabitin sa ere ang akmang pagsayi ko sa ulan, bigla na lang may kumuha sa kamay ko't nilagyan yun ng payong "Malakas ang ulan magkakasakit ka" hindi ako kaagad nakaimik kasi naman nagulat ako nasa state of shock pa ako ganun.

"a-ahh s-salamat"

Nasa gitna na siya ng ulan nung bigla siyang lumingon ulit. I gulped several times ng makita ko yung mukha niya. Yung puso ko ang bilis ng tibok jusko anung nangyayari saakin? Bakit bigla akong kinabahan nung makita ko ang mukha niya? Yung mga matang yun haisst it reminds of someone.

*

"Miss!! Saan nanaman ba kayo nagpunta?" inabot ko yung payong na ginamit ko. Basang basa na nga talaga ako kasi naman ang KJ kasi ng ulang yun. Nakakabadtrip hindi ko nga alam kung kelan pa ulet ako makakatakas sa sangkaterba kong taga-bantay eh.

"Naglakad lang" may nag-abot naman towel saakin, grabe ang lamig sa labas.

"Dahil sa ginawa niyong pagtakas padadagdagan ko ang mga bantay mo Miss" napaface palm ako sa narinig. Seryoso ba siya? Hindi pa ba sapat ang bente kataong baody guards para magbantay saakin. Anu ako bilanggo?

"Pero... Hindi... ahhh bahala ka nakakainis para naglakad lakad lang naman" hindi talaga ako umuubra dito kay Samantha, kahit anung kalokohan ang gawin ko mas matindi naman ang parusang ibinibigay niya saakin. Isipin niyo na lang na walong taon kong tiniis ang ugali niyang pang-lady boss na magmemenopose.

Paakyat na sana ako sa taas mas gusto ko pang matulog kesa marinig ang walang kabuhay-buhay na pangaral ni Samantha. Nakakapagod din yung ginawa ko kanina. Anyway, sa receiving area ay may nadidinig akong nagtatawanan. Anu naman daw kaya yun? Sa pagkakaalala ko wala namang tao dito syempre maliban saamin ng mga maids at butler.

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon