"UHM EXCUSE ME...."
O.O Nakakagulat naman yun!
Sabay kaming napatingin ni ate geng doon sa nagsalita.....si Rapmon
"YES??"
With twinkling eyes na sabi ni ate geng"Uhm kayo ba yung may-ari nitong bahay?"
Itinuro ako ni ate geng,
"SYA I mean sya"
Tumangu-tango lang yung pito,maya-maya pa,andyan nanaman ang nakakabinging katahimikan kaya naman kahit sobrang naaasiwa ako sa tingin nilaaaaang lahat sakin ay ako na ang nagsimula ng convo
'Uhm,so far kamusta naman ang stay nyo dito?' Medyo yumuyuko yuko pa ko kasi diba?ugali ng mga Koreano yun?
Naunang sumagot ang leader syempre:
'Ang masasabi ko lang talagang mainit yung naging pagtanggap samin ng mga tao mula sa airport,kahit na hindi ito ang una naming pagpunta dito,parang first time ulit naming tatapak sa Pilipinas,hahaha' sabay kamot sa batok at yuko ulit at biglang siniko si Jimin na katabi nya lang,bale :Rapmon,Jimin,Jin,Jhope,Suga,Jungkook,V
'Uhm ayun bumalik ulit kami at ang laking bagay samin na makita ang mga Pilipino ARMYs na matyagang naghintay samin at walang sawang sumusuporta sa amin'
Nung si kuya Jin na ang magsasalita,parang naubusan na sya ng sasabihin kaya naman ang nasabi nya sa halip ay:
'Talaga bang maraming magagandang dalaga dito?'
Dahil sa sinabi nyang iyon ay tila nawala ang napakataas at nakapakapal na pader ng awkwardness na nakapalibot sa amin kani-kanina lang
Mapapansin na mas kumportable na silang nakaupo kesa kanina na masyado silang concious sa postura nila
Sabay-sabay kaming natawa kapagkuwan ay naituloy na nila ang kanilang mga sasabihin
'Totoo,kasi kanina nung nakita ka namin akala talaga namin manika ka eh,actually humahanga ako sa mga babaeng may natural na ganda,yun bang wala masyadong kolorete sa mukha'
'Nakakatuwa yung mga grafitti??(vandalism) sa mga pader hahaha medyo madumi tingnan pero kung aayusin maganda sila'
'Kelan tayo pupunta ng Boracay?'
Sa pangalawang pagkakataon ay nagtawanan ulit kami sa sinabi ni kuya Suga,sya naman ay naka poker face lang at seryosong naghihintay ng sagot
'Malapit na' iyon lamang ang ibinigay na tugon ng kanilang manager
'Natutuwa ako sa mga larong kalye,lalo nat maraming bata ang nasa kalsada para maglaro,may mga bata pa palang hindi mahilig sa gadgets'
Natawa ako ng konti sa sinabi ni kuya Jungkook,hindi nya lang alam na wala namang ibang choice ang mga batang kalye na iyon dahil hindi nila kaya ang bumili ng mga laruan,gadgets pa kaya?
Kung iisipin,sa kalagayan ng bansa ngayon,mga bata ang pinaka nahihirapan,hindi naman pwedeng sisihin nila ang mga sarili nila dahil una sa lahat hind----
"Ysang natulala kananaman jan,anyare sayo?" Sabay siko ulit sakin ni ate geng,infairness nagising ako dun ah,ang tulis ng siko eh nakamamatay!
Inikutan ko sya ng mata bago ko muling binalingan ang mga bisita,
Ngayon ko lang napansin na nakatingin nanaman silang lahat sakin....
Anong gagawin ko??
*End~~~~~*