(A/N:Si Ysa sa taas natutulog 😴)
Ysa's Point of View
SABADO.March 18,2017
Ito yung araw kung saan kakatapos lang ng klase at bakasyon na.Bakasyon na kaya ang inaasahan ng lahat ay ang panahon para makapagsaya at maglagalag kasama ang kanilang mga kapamilya o kabarkada-understood na iyon lalo na sa Pilipinas kung saan sa buwan ng Marso o Abril nagsisimula ang tag-init.Pero mukhang nananadya ang panahon dahil kung kelan pa nagbakasyon ay tsaka naman nagkaroon ng bagyo-unang bagyo para sa taong ito.
Nakakagulat?hindi.Bakit nga naman magugulat eh talaga namang pabago-bago ang panahon.Hindi na nga yata ako magugulat kung biglang magka snow dito sa Pilipinas.
Kidding aside,kanina pa ako nagkukwento at malamang sa malamang na kanina nyo pa hinahanap kung sa pang ilang paragraph ko babanggitin ang pangalan ko.
Tawagin nyo na lamang akong Ysa.Pinaikli iyan sa buo kong pangalan na Jamaica Ysabele.Makaluma?oo pero wala akong magagawa dahil iyon na ang nakatala sa birth certificate ko.
Tulad nga ng sabi ko,bakasyon sana pero sa kasamaang palad ay nagkaroon ng bagyo.
Sa totoo lang pabor ang ganitong panahon sakin.Nagkakaroon kasi ako ng time para makabonding ang sarili ko.Tulad ngayon.
Dahil maulan sa labas,nagkulong nalang ako sa kwarto ko habang nagbabasa ng mga kwento sa Wattpad,nagmumusic ng kung anong makakalkal sa playlist ko,kumakain o di kaya'y natutulog.Bakasyon na yan sakin.
Pano ko nasabi?well,komplikado masyado ang estado ng pamilya ko,maagang naghiwalay ang mga magulang ko sa kadahilanang may iba pang pamilya ang tatay ko.Mayaman sya,nakakaahon lang sa buhay ang mama ko,kaya siguro nagkaroon sya ng dahilan para magloko.
Pagkalipas ng panahon,namatay ang asawa (tunay na asawa) ng papa ko,nagkaroon sila ng tatlong anak,puro lalaki,noong nalaman ng papa ko na nagbunga ang pagsasama nila ni mama (9 yrs old na ako non) ay nagpasya syang kunin ako.
Pero nong time rin na yon ay may kinakasama na ang mama ko,mabait naman si tito Cesar at mahal na mahal nya si mama kaya sa huli,naghahati silang dalawa sa pag aalaga sakin.
Kapag panahon ng pasukan,half noon ay na kay papa ako,half naman noon kay mama tapos salitan sila pag bakasyon.Pag pasko,dahil nga mayaman ang pamilya ng papa ko ay dito kami sa mansyon nila nagsasama-sama.
Magulo?kumplikado? Oo pero nasanay nalang din ako.
Anyway balik sa ginagawa ko,alas dose na pala pero di parin ako bumababa 😨
Tutal naman ay ako lang ang tao dito (maliban sa sandamakmak na katulong ng tatay ko) ay di na ako nag abalang maghilamos,magsuklay o kahit magpalit man lang ng matinong damit pamalit sa suot kong blue na pajamang abot talampakan at size L na T-shirt na nagmukhang jacket sa payat kong pangangatawan.
Paglabas ko ng kwarto ay napakamot pa ako sa ulo.
Dahil nga mayaman ang papa ko,natural lang na magpatayo siya ng malaking bahay,pero naka unfair naman yata na halos di na sya umuuwi tapos pahihirapan nya yung mga taong magpaikot ikot sa bahay nya 😒Naaalala kopa noong unang araw ko dito.Literal na kinailangan ko ng mapa para lang hindi ako maligaw sa sobrang laki ng bahay na to.Grabe lang.
Noong nakaabot na ako sa hagdan,eto nanaman tayo ang naisaisip ko,napakahaba ng hagdanang bababain ko,
"Pag uwi ni papa magpapagawa talaga ako ng elevator,nakakainis ang haba haba ng hagdan!",bubulong bulong na sambit ko.
Pagbaba ko ng hagdan ay may naulinigan akong parang mga nag uusap sa sala,ngunit dahil sa pagtunog ng tiyan ko ay ipinagsawalang-bahala kona muna ito at nagtuloy na sa kusina.
Naabutan ko sina Nay Belen at Hansel na naghahanda ng pagkain,
"Goodmorning ate Ysa!",masiglang bati ng batang si Hansel,babae po siya kung itatanong niyo,matalinong bata iyan dahil sa edad na lima ay matatas nang magsalita at magaling nang mangatwiran 😊
"Aba buti'y bumaba kana rin Isa(Ysa) akala koy iaakyat ko nanaman tong pagkain mo"
"Sorry Nay Belen napasarap po kasi ang---"
"---PAGBABASA",sabay na sabi ng dalawa matapos nilang putulin ang sasabihin ko,nagtawanan nalang kaming tatlo
Habang kumakain ako ay iniwan na ako ng dalawa,pagkatapos konamang kumain ay aakyat na sana ako sa taas ng maalala kong may mga bisita nga pala kami,at ang mas malala pa......
HINDI KO NATANONG KILA NAY BELEN KUNG SINU SINO ANG MGA BISITA NAMIN 😭
#SinoKaya??
![](https://img.wattpad.com/cover/103167175-288-k720162.jpg)