Spoken Word Poetry

123 2 0
                                    


  Tama na. Masakit na. Pero teka masaya pa.  

Sa bawat paglamig ng panahon, kasama ang paglamig ng katawan at kasama ang paglamig ng emosyon.

Anong nangyari? Asan na ang dating ngiti? Habang magkahawak ang kamay at tayo'y magkatabi?

Anong nangyari sa bawat sayang naganap noon? Ang mga oras magkasama pa tayong naglalakad habang masama ang panahon? At ang mga ngiti dahil kaya nating lumakad..... at patuloy na lumaban.

Anong nangyari? Sa bawat sakit na nadarama? Pero hindi natin kayang tumigil pa? Dahil mahal natin ang isa't-isa?

Tama na ba? Tama na ba? Dahil masakit na ang dating masaya? Tama na ba? Dahil hindi mo na kayang panindigan pa? Tama.....tama na...ba? Dahil nagsasawa kana? Tama na ba? Dahil tinatamad kana?

Asan kana? Asan na ba? Asan na ang dating s'ya?

Asan na ba? Asan.... ka.. na?? Handa akong maghintay handa kong humawak sa iyong mga kamay at ngumiti habang naghihintay na bumalik ang dating ikaw, dating ikaw... ay babalik... dahil, dahil, maghihintay ako habang buhay.

Habang buhay, iingatan ang mga salita, hanggang sa ikaw ay dumating na sa susunod na kabanata. Sa susunod na kabanata ay muling magsusulat ako ng isang tula....isang tulang kung saan tayong dalawa.....ay masayang maglalakad papunta sa hagdanan...hagdanan ng walang hanggan.

Truth Hurts (Poem, Advises, Quotes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon