Paano mag-move on?

120 5 0
                                    


'Acceptance'




Kapag handa ka na sa lahat ng katotohanan kaya mo ng mag-move on.



Katotohanan na wala na kayo,



Katotohanan na ayaw nya na sayo,



Katotohanan na umaasa ka lang



Katotohanan na nagka-gusto ka sakanya kahit na alam mong may gusto sya sa iba.



At katotohanang 'hindi naging kayo' at 'walang magiging kayo'.



Hindi mo na kailangan ng step eh.



Iiyak mo lang yan, Dahil yang luha mo ang mag-sisilbing feelings mo sakanya.



Wag kang magpanggap na kaya mo pa, wag kang magpanggap na hindi ka iiyak. Dahil kapag hindi ka umiyak maiipon sa loob mo yang feelings mo, ibig sabihin ayaw mo pa.



Ayaw mo pang kalimutan siya.



Kapag nalabas mo na ang luha mo,



Sign na yan na handa ka ng ilabas sa loob mo ang mga feelings na naipon sa loob mo.



Iiyak mo lang hanggang sa mapagod ka.



Dyan mo na mare-realize ang salitang 'Acceptance'

Iisipin mo nalang na ang tanga-tanga mo na.

Iisipin mo nalang na tapos na.

Ikaw na mismo ang magpapasok sa utang mo ang salitang...

T.A.M.A N.A

Kung handa ka na sa salitang 'move on' kusa ng aakyat ang mga luha mo at matutuyo na sa mismong mata mo.

Pero kapag 'Ayaw mo pa' lalabas at lalabas parin yang luha mo hanggang sa uhog muna ang kusang magmo-move on dahil sa katagalan mong tumahan.

Kung kaya mong tanggapin ang lahat makaka-move on ka ng madali

Truth Hurts (Poem, Advises, Quotes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon