Chapter 5

1.2K 40 9
                                    


"I COULDN'T help but notice your poor performance in this subject."

Parang may lobong biglang pumutok sa dibdib ko nang marinig ko ang sinabi ni Mr. Natividad nang sabihan niya ako na maiwan ako sa room nang i-dismiss na niya ang class. Akala ko pa naman makikipag-chikahan na siya sa akin tungkol sa mga ka-conyo-han. Iyon pala, sasabihin lang niya sa akin ang bagay na ayoko sanang mapansin niya.

Nakayuko ako nang lumabas sa classroom pagkatapos akong kausapin ni Sir. Ang sabi niya, masyado raw mababa ang performance ko sa klase niya. Hindi ako nakapasa sa magkasunod na quiz at hindi daw ako nagpa-participate sa recitation. Kahit na hindi naman ako pinagalitan ni Sir at sinabihan lang niya ako na magpursiging mag-aral pa, nalungkot pa rin ako. Kasi siguradong na-turn off na siya sa akin.

Nakita ko sina Kara, Lenny at Xyza na nakatayo sa corridor sa labas ng pinto at nagsingisian ang tatlo nang tumingin sa akin na para bang alam nilang pinuna ni Mr. Natividad ang kahinaan ko sa English kaya ako kinausap nang sarilinan. Akala ko, aasarin na naman nila ako pero lumakad na sila palayo. Nakita ko si Nadine na naghihintay sa akin sa dulo ng corridor at mukhang busy na naman sa cellphone niya. Malamang nagbabasa na naman siya sa Wattpad.

"Nasaan na si Sandy?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

Saka lang siya tumingin sa akin. "Hayun, ini-stalk na naman 'yong Koreano."

Alam ko na kung sino ang tinutukoy ni Nadine. May transferee student na half-Korean, half-Pinoy na kakapasok pa lang noong isang linggo. Mas mukhang Koreano kaysa Pinoy kaya nang makita ni Sandy, maloka-loka ang bruha. Parang nakakita ng Kpop na nagkatawang-tao. Kamukha daw ng "bias" niya.

Nakakatawa nga kasi pinayagang pumasok ng admin ng SCHS ang Fil-Kor kahit apat na buwan na simula nang mag-umpisa ang school year. Ang bali-balita, anak siya ng may-ari ng isang bagong mobile company na galing sa Korea. Ayon sa tsismis, gusto lang daw niyang i-experience ang buhay-eskuwela sa 'Pinas kaya napadpad sa SCHS. Kaya baka umalis din 'yon kapag hindi nagustuhan sa eskuwelahan namin. Iba na talaga kapag super rich, gagastos ng malaki sa tuition fee para lang ma-experience ang gustong i-experience at kayang patanguin ang school admin gamit ang pera at kapangyarihan.

Buti pa sila. Samantalang ako, ni walang pambayad sa English tutor.

Ipinangako ko kay Mr. Natividad na mag-aaral ako nang mabuti para gumanda-ganda naman ang performance ko sa klase. Pero nagdududa ako sa kakayahan kong turuan ang sarili ng isang bagay na nahihirapan akong aralin. Sinubukan ko naman kaso ang hirap talagang mag-self study ng English. Kailangan ko talaga ng may magtuturo at gagabay sa akin. Kailangan ko ng tutor. Siguro kailangan ko nang sabihin kay Nanay na kailangan ko ng tutor. Bahala na kahit makurot ako sa singit.

Sa afternoon vacant, kasabay ko si Sandy na nag-merienda sa school canteen dahil humiwalay si Nadine sa amin. May meeting daw sila sa community service. Nasa kalapit na mesa lang namin si Jake na nakatalikod sa gawi ko at ang ilan sa mga kaibigan niya.

Bakit kaya antagal na niyang walang babaeng nakakasama? Noong isang taon pa simula nang huli siyang magka-girlfriend. Mayaman ang naging girlfriend niya, syempre. Ang alam ko nga, family friend nila 'yong babae. Wala bang niiligawan si Jake sa ngayon? Marami namang nagkaka-crush sa kanya...

Ininom ko ang Coke na sinalin ko sa baso . Bakit ba nag-aaksaya ako ng panahong isipin ang Jake na 'yan? Kaasar kaya 'yang kumag na 'yan. Basag-trip. Bilang pagrerebelde ko sa panglalait niya sa akin, hindi ko sinunod ang payo niya. Hindi ako tumigil sa nasimulan ko na. Hindi ako bumalik sa dating ako at sinusubukan ko pa ring magpaka-conyo.

Nanigas ang mga panga ko nang umupo sa kabilang mesa namin sina Kara at mga alagad niya. Tumingin pa sa akin si Kara na para bang sinadya talaga nilang pumuwesto doon. Nanggigil pa rin ako sa inis kapag naaalala na sinabihan ako ni Kara na magnanakaw. Hindi ko pa rin matanggap 'yon.

Eh Di Sa Puso Mo (St. Catherine High series Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon