Chapter 3

2.3K 71 27
                                    


"PATRING! Patring!" tawag ko kay Patring na naglalakad sa corridor habang nakasukbit sa tinuping braso ang bagong bag niya na may tatak na Prada.

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya at pagkatapos ay luminga-linga siya sa paligid. Pinandilatan niya ako at mabilis na lumapit sa akin. "OMG! 'Di ba sinabihan na kita na don't call me 'Patring'?" mahinang asik niya sa akin. "'Tricia' na. 'Tricia' ang i-call mo sa akin."

"Arte. May sasabihin ako sa 'yo. Tara, sama ka sa 'kin. Ililibre kita."

"Where naman?" Ngumiwi si Patring. "Sa fishball cart? Ewww! Sorry, I don't like to tusok-tusok the fishballs."

Umiling ako. "Hindi."

"Sa Jollibee?" Nagbuga siya ng hangin. "You na lang."

"Sa Starbucks, tange!" Pinandilatan ko siya.

Parang nakarinig ng magic word na lumiwanag ang mukha ni Patring. "Sa SB? 'Kay. Come on na. Pero don't make dikit-dikit to me kasi baka mapagkamalan tayong langit at lupa."

"'Tsura nito. Sungalngalin kaya kita."

"Ayoko na nga." Umakma si Patring na iiwan na ako pero hinila ko siya sa braso.

"Joke lang. Halika na."

Maya-maya pa, nasa Starbucks na kami. Gusto ko na sanang kausapin si Patring kaso mukhang busy pa siya sa kaka-piktyur sa Mocha Fraffucino cup niya. Lahat yata ng angulo ng plastic cup, kinuhanan niya sa iPhone5 niya. May close up pa sa pangalan niyang nakasulat sa baso. Tapos nag-selfie na kasama ang frap. Naka-smile, naka-wacky, naka-pout, sinisipsip ang straw... Parang gusto ko na siyang ingudngod sa frap niya.

Hindi pa nasiyahan ang luka-luka, inutusan pa ako na piktyuran siya na kunwari stolen! Tapos, nang akala ko tapos na siyang mag-pictorial, binuksan niya ang Instagram niya at in-upload doon isa-isa ang mga pics. Hindi man lang niya napapansin na maasim na ang mukha ko habang pinapanood siya sa pinaggagagawa niya.

Kung hindi ko lang siya talaga kailangang makausap, lalayasan ko na lang siya, eh. Tatangayin ko 'yong frap niya. Tutal ako naman ang nagbayad niyon.

Nasa kalahati na ang nasisipsip ko sa Strawberry frap ko nang sa wakas, natapos na si Patring sa pag-u-upload ng pics niya.

"What naman you like to tell me ba?" Maingat na sinipsip ni Patring ang green straw.

Kung hindi ko lang siguro nakita ang pinaggagagawa niya kanina bago niya galawin ang frap, maniniwala talaga ako na sosi siya base sa kung paano niya sipsipin ang straw.

"Ay, thank you, ha. Naalala mo na may pag-uusapan tayo. Akala ko, papanoorin na lang kita dito."

Tinapunan niya ng tingin ang wrist watch niya. "My vacant is for just thirty minutes only so you can start to say it fastly."

Hanudaw? Sigurado akong may mali sa sinabi niya pero wala ako sa posisyong itama siya dahil hindi ko rin alam kung paano itatama ang ganoon kasamang grammar. "Patingin nga n'yang relo mo. Anong tatak? Orig ba 'yan?"

Inilapit ni Patring ang kaliwang braso niya sa akin. "DKNY. Of course. Orig 'yan, 'no?."

Mukhang orig nga kasi hindi DNKY ang nakalagay tulad ng naka-print sa t-shirt niya noong elementary pa kami. "Saan mo nabili?"

"Sa Greenbelt, duh?" maarteng sagot niya.

Tinitigan ko siya. "'Yong totoo. 'Wag ka nang maglihim sa 'kin. Alam kong hindi ka rich kid. Seaman lang ang stepfather mo, hindi may-ari ng kompanya. Kaya hindi mo afford ang ganyan kamamahal na brand."

Eh Di Sa Puso Mo (St. Catherine High series Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon