3

25 5 0
                                    


Kylie Andrei's POV

Asan ako? Madilim dito at walang mga gamit

"Hello Kylie" sabi ng isang matanda ngunit napaka gandang babae

"S-sino ka?"

"Ako ang iyong--"

Hindi naituloy ng babae ang kanyang sasabihin ng ako ay magising

"Panaginip lang pala"

Sino kaya yun? Siya daw ay ang aking ewan. Hindi ko dapat inaalala yan, Think positive, first day pa man din.

4:55 pa lang pala pero naligo na ako at kumain. Nakita ko si Rose na kakagising pa lang. Aalis na sana ako ng bigla siyang nagsalita

"San ka pupunta?"

"Syempre, papasok na"

"Alam mo bang na ang dami kong sinabi sayo kagabi tapos tulog ka na pala" sermon niya

"Whatever" bulong ko sa aking sarili.

Umalis na ako at hindi siya pinansin, pero bago ako umalis nakita ko ang kanyang mukha na malungkot, Sobrang cold ko na ba? Dapat ba mag sorry ako? napaisip ako at nagpatuloy na sa paglalakad ng may mabunggo ako at natapunan niya pa ako ng kanyang iniinom.

"What the-!" gulat na gulat kong sigaw

"Sorry miss, hindi ko sinasadya na matapunan ka" sabi niya habang pinupunasan ang uniform ko na may mantsa ng chocolate drink

Haaay naku, first day pa na man tapos mapapagalitan ako ng first class teacher namin.
Ngayon ko lang napansin na may mga kabarkada pa lang kasama ang nakabungguan ko at parang lahat ng mata ng estudyanteng nakapaligid ay nakatingin sa amin.

"Hey, that's enough, we're getting the attention of the students" bulong ko sa kanya, hindi naman talaga ako ganun ka cold, may pagka sincere din ako minsan.

"Sino yang babaeng yan?"

"Feeling close na agad siya sa Thunders, eh bago pa lang naman siya"

"Pabebe kay Ethan!"

"Akala mo kung sinong maganda, pangit naman"

"Another weakling, tch."

Grabe sila ha, nagbulungan pa, maririnig ko din naman.
I forgot to tell you na I'm wearing my disguise as a nerd because I'm just really shy about myself. Sino yung Thunders? Ahh baka sila itong grupo na ito. At ang nakabangga ko ay si Ethan siguro.

"Yeah bro, stop that, bagay din naman yun sa kanya eh hahaha" sabi ng katabi niyang may pagka-bad boy na mukha, akala niya pogi siya hindi naman, hmph! Tumawa pa ang nasa paligid namin

May sasabihin pa sana si Ethan, pero dahil sa napahiya ako, tumakbo na lang ako. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makalayo, di ko pa saulo ang pasikot-sikot dito pero hinayaan ko na lang hanggang sa makarating ako sa parang garden ng school.

"Wow" sabi ko habang hinahawakan ko ang mga bulaklak.

Nlibot ko ang garden hanggang sa may makita akong malaking puno at sa bandang likod nito ay may tree house kaya umakyat ako doon dahil may mga maliliit na parang hagdan naman. Mukhang may pumupunta dito dahil malinis sa loob at halos wala pang sira ang tree house.

"Cutting classes?"

"Ahhhh!" sigaw ko dahil may tao na bigla-bigla na lang sumusulpot

"Hindi ako nagcu-cutting" sabi ko

"Eh bakit ka nandito?"

"Natapunan kasi yung damit ko, eh baka pagalitan ako ni sir at pagtawanan" sabi ko "Eh ikaw bakit ka nandito?"

"Samin 'tong tree house kaya pwede akong pumunta dito kung gusto ko, umalis ka na, bawal ka dito"

"Sungit" sabi ko sabay alis

"Panget!" rinig kong sigaw niya.

Tatakbo na sana ako papunta sa building pero nalimutan ko kung saan ang CR, eh sa sobrang laki naman ng school na 'to. Tumakbo na lang ako papunta ulit sa treehouse ni Mr. Sungit.

"Mr. Sungit!" Sigaw ko habang paakyat sa treehouse, pagtingin ko sa loob wala na palang tao.

"Saan pumunta yun? Baka kaya niyang mag teleport" Bwuahahaha buti na lang wala na si Mr. Sungit, hihihi. May nakita akong kumot at unan kaya naisipan ko na lang tumulog, hehe mamaya na lang ako papasok.

Pumikit na ako at nakatulog.....

-tbc-
...

A/N: Yung school uniform po ay yung sa Who are You School 2015, di ko po nalagay sa media kasi mabagal po wifi namin eh hehe. Mr. Sungit's POV next chapter

Lovelots,

Kylie

Golden UniversityWhere stories live. Discover now