5

15 2 0
                                    

"Ehem. Good morning Goldians! After ng recess niyo magkakameron tayo ng ability ranking na magaganap sa SGym para malaman natin kung anong tier kayo at doon nakadepende ang magiging class letter niyo".

"Wow. Announcement" bulong ko sa sarili ko.

"Inuulit ko, after ng recess niyo magkakameron tayo ng ability ranking na magaganap sa SGym para malaman natin kung anong tier kayo at doon nakadepende ang magiging class letter niyo, thank you".

Omy hindi pa ako marunong lumaban. Pero hindi naman siguro lalaban noh?

Okay kakain na lang muna ako. Pero saan food court? Wheeeere? Sundan ko na lang mga estudyante.

Nakarating ako sa food court at lahat ng mata ay nakatingin na sa akin. Hay nako ganda ko siguro hahaha joke. Alam ko naman na dahil iyon sa aking panget na disguise.

"Yan na ba yung transferee?"

"Akala ko ba maganda?"

"Akala ko nga din sabi pa nga sa chismis iba daw kulay ng buhok eh kaya ang cool sana"

"Edi legendary yan? Kung iba kulay ng buhok?"

"Brown naman buhok at mata niya ah"

Legendary? Cool? Wooooow. Ganito pala dito. Magaganda kapag may kulay buhok mo.

Napangiti ako ng palihim. Kumain na ako at hindi pinansin ang mga bulungan.

Pupunta na sana ako sa SGym ata yun para sa ability ranking pero hindi ko alam kung saan yun.

Nakita ko ulit yung pinag-tanungan ko kanina na may pulang uniform. Gusto kong lumapit at magpa-salamat sa kanya ngunit kasama niya din ang Thunders, yung tinawanan ako ng iba kanina.

Paalis na ako ngunit nagtagpo ang mata namin ng isa sa kanila. Si...Si Mr. Sungit!

Agad nagsalubong ang dalawa kong kilay at tumakbo na ako dahil sa inis ko. Sumunod na lang ulit ako sa mga estudyante ngunit napansin ko na ang mga estudyante ay kung saan saan napunta at bigla-biglang naglalaho. Kaunti lang ang naglalakad. Sa tingin ko madaming maalam mag teleport.

"Uy"

"Waaaah!" Sigaw ko dahil may bigla-biglang sumulpot sa tabi ko.

"Hahahaha ako lang ito si Rose, room mate mo, remember?"

"Oh, wag ka kasing bigla-bigla tatabi sakin"

"Tara na sa SGym, samahan na kita".

"Buti na lang pala nakita mo ako, sige tara na".

Hinawakan niya ang kamay ko na ikinabigla ko at saka nagteleport. Woaaaah! Two ang powers niyaaaa!

Naisipan kong hindi maging cold dahil mukha naman mabait pala itong si Rose.

Nakarating na ako sa gym at napansing may shield ito. Ahh kaya pala SGym, ito ay shielded gym...

Umupo na kami ni Rose sa bleachers, naisipan kong umupo sa pinaka-taas upang makitang mabuti ang mga gagawin sa ibaba.

Mukhang magsisimula na dahil tumayo si headmistress at pumunta sa gitna.

"Magandang umaga Goldians! Ang ability ranking ay magsasabi kung anong tier kayo. Ang pinaka-mababa na tier ay ang bronze, napapaloob dito ang mga estudyanteng mas matalino sa normal na tao at kaya mag teleport. Sunod naman ang silver ang mga estudyanteng may superhuman strength. Sunod ay ang gold nandun ang mga estudyanteng may telekinesis. Sa platinum naman napapaloob ang mga elemental powers and abilities pati ang mga sub-type nito. At ang pinaka-mataas ay ang diamond, doon naman ay ang mga estudyanteng mahigit apat ang kapangyarihan, ngunit wala pang nakaka-survive na merong ganon kadaming kapangyarihan." Paliwanag ni headmistress.

Woooooow. So I think Platinum tier ako dahil electricity? Yeheeey! Pero si Rose ay silver tier dahil may superhuman strength siya.

"Ang class letter niyo naman ay based sa kapangyarihan niyo din, kung ito ay malakas o mahina. Ang pinaka-mataas ay ang Class A sunod ang B, C, at D. Kapag nakakuha ka ng tatlo o higit pa na kapangyarihan ay isasali ka sa Class S kung saan ito ay may special classes para sanayin kayo sa inyong kapangyarihan, sandali lang at magsisimula na tayo". Dagdag ni headmistress.

"Class S ako!" Sigaw ni Rose na ikinagulat ko.

"Class S? Dalawa lang powers mo ah?" Takang tanong ko.

"Ay hindi ko pala nasabi na meron din akong Agrokinesis hehe." Sabi niya sabay kamot sa kanyang ulo.

Haaa? Agrokinesis?

"Agrokinesis? Ano yun?"

"Ito ay ang ability na kaya mag manipulate ng plants in your own will"

"Ahh" Yun pala ang tawag dun hahaha.

Napansin ko na sa kabilang dulo ng gym naka-upo sina Mr. Sungit.

Sandali lang ay nagsimula na ang ability ranking.

Napansin ko na sa kabilang dulo ng gym naka-upo sina Mr. Sungit at medyo special ang upuan nila.

"Uy Kylie, tunaw na si Josh sayo eh".

"Ha?"

"Hatdog."

Hatdog? Talaga lang Rose ha. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Joke lang Kylie haha, di na mabiro eh" sabi niya sabay tawa.

"Yung tinititigan mo kasi ay si Josh, isa sa Thunders kaya baka nagtataka ka kasi maganda seats nila." Paliwanag niya.

"Ano bang meron sa Thunders?"

"Grupo sila ng mga lalaki na nakapasok sa top 6. Sila yung pinaka malakas dito. Yun lang ang alam ko pati names nila kasi class A lang ako last school year at top 28 pa ako kasi 2 pa lang powers ko pero ngayon nadevelop ko ang Agrokinesis kaya mapapasali na ako sa class S which is same class nilaaa."

"Wow ang galing mo naman pala" Namamanghang sabi ko.

"Florida, Rose L."

Tawag na siya ni Headmistress! Omy siya na ang next.

"Goodluck Rose! Kaya mo yan!"

"Kwento ko nalang sayo mamaya names nila." Sabi ni Rose habang naglalakad pababa ng bleachers at patungo sa loob ng barrier.

-tbc-

Golden UniversityWhere stories live. Discover now