Chapter 1: GFHP
< Gabrielle >
Habang naghihintay sa susunod na klase ay naisipan ko munang maglaro tutal wala ang mga kaibigan ko...
Sa kalagitnaan ng paglalaro ko ay napansin ko mula sa hindi kalayuan ng isang truck na pagewang gewang ang takbo na mukhang nawalan ng preno., Nakita ko ang isang bata na may dalang ice cream na masayang naglalakad at pa tawid ng daan kaya imbisna mataranta ay mabilis akong kumuha ng pwersa upang makapag drop at i gap ang mga motor siklong naka parada sa baba ng canteen na pinag kakainan ko. May 1 palapag yata to pero hindi ako nagdalawang isip. Kaagad ko yung ginawa..
"Miss!!!" Pagtawag sakin ng isang lalaki pero hindi ko pinansin, naka focused lang ako sa batang patuloy paring naglalakad.
"Bata! Yuko!!!" Malakas kong sigaw bago ko tuluyang hablutin ang bata.., may kabigatan sya kaya pagtawid namin at na out of balance ako dahilan ng pagbagsak ko.
Dali dali akong tumayo upang tignan ang bata. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang walang galos ang bata ngunit umiiyak parin ito dala siguro ng pagkabigla at takot nya... Tumakbo naman kaagad ang ina ng bata at nagpasalamat ng marami sa akin.
Ngiti lang ang isinukli ko sa ale at mabilis na akong umalis sa lugar dahil medyo dumadami ang tao at nahihiya ako. Hehehe!
~ One week later~
"I saw her kanina papasok sa classroom nila, grabe ang gorgeous nya napaka astig pang tignan"
"Yeah, I know. Sino kaya yung kasama niya? Ang cute no? Boyfriend kaya nya? Pero sa loob ng first semester ay wala pa akong nababalitaan na nagka boyfriend yun sa dami ng may gusto sa kanya."
"Oo nga e, nakaka inggit sya no? Ang ganda ganda nya tapos ang galing pa nya sa pag s-skateboard nya. Ang dami pang may gusto sakanya."
"Sana ganun din ako, ang bait bait pa nya. Hay! Gusto ko syang maging kaibigan."
"Gabby ang pangalan ya diba? Architecture student."
Kwentuhan yan ng dalawang magkaibigan sa cafe na pinag mimryendahan namin ng aking mga kaibigan. Nung una hindi namin alam kung sino pinaguusapan nila hanggang marinig namin ang pangalan ko.
"Uy Gabby! Iba ka talaga ah! Ang dami mong tagahanga dito sa University. How to be you po?" Pang-aasar ng kaibigan nami'ng si Gayle.
"Oo nga Gabby, nung isang araw naman sa jeep pinapanood ng dalawang lalaki ang mga latest videos mo sa pag s-skate" Usisa pa ni Mayleen.
"Nako! Hindi pa ba kayo masasanay sa babaing yan? Nadadamay na nga tayo sa kasikatan ng babaing yan kase sa pila ng jeep bigla akong pinauna ng isang babae nung mamukhaan nya ako at tinanong kung ako daw ba ang kaibigan ni Gabby" Dagdag pa ni Jayz.