Chapter 4: GFHP
Lumipas ang ilang linggo at ilang buwan. Inilaan na lamang ni Gabby ang oras at panahon nya sa pag-aaral, pag pipinta, pag lalaro ng skateboard. Unti unti niyang natatanggap ang nangyari sa kanya at sa pamilya nya. Nilibang nya ang kanyang sarili sa mga bagay na nakapag papasaya sakanya. Inisip na lamang nya na kung masaya ang ama niya sa ibang pamilya, magiging masaya din sila ng kanyang ina para sa kalagayan ng ama. Naging masakit man sakanila ang lahat ay unti unti na nilang natanggap ang katotohanan na may naunang pamilya ang kanyang ama bago paman sila magsama ng kanyang ina. Pero hindi parin makakaila na may mga pagbabago sa ugali ni Gabby. Naninigarilyo at madalas na sya uminom at mag bar ngayon.
~
Habang nasa kanyang kwarto si Gabby, biglang pumasok sa loob itong pinsan nyang si Klea.
"Wahl! Tara labas tayo nood tayo ng basketball. Maglalaro ngayon sina kuya Frank kalaban nila mga taga Hill." Ani Klea.
Hill subdivision ang madalas nakakalaban sa basketball ng St. Jude Subdivision, kung saan nakatira sina Gabby.
"Wala akong ganang lumabas. Kayo nalang, dito nalang ako."
"Ikaw talaga napaka KJ mo. Ano, sa kwarto ka nalang ba palage? Ano ba kasing nangyari sayong babae ka hindi ka naman dating ganyan! Tara na kase. Maraming gwapo sa mga taga Hill." Tuloy tuloy nyang sabi habang kinikilig pa.
"Klea alam mong hindi ako interesado sa mga ganyan. Kaya kayo nalang okay?" Akmang palalabasin na ni Gabby si Klea ng biglang pumasok ang dalawa pa nyang pinsan na si Aya at Margot.
"Tumayo ka dyan Gabrielle! Ang dalang na nga lang natin magkakasama manood aayaw ka pa! Si Aya.
"Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka. Tara labas na tayo bibigyan natin sya ng 5 minuto para magbihis at mag ayos." Sabay sabay naman silanh nagsilabasan at hindi na hinintay ang sagot ko.
"Ano ba naman yaaan!" >.<
Nasa Basketball Gym na kame ng mga pinsan ko, hindi parin nag sisimula ang laro pero marami ng taong nanonood. Nagsidatingan na ang mga players ng Hill sigawan, tilian ang maririnig sa buong Gym. Hindi naman ikakaila na marami ngang gwapo sa koponan nila. Sa kabila naman ang mga kuya's namin na sina Kuya Frank, kuya Dave, kuya Justine ang dumating kasabay ng mga ka team nila. Tilian at hiyawan hindi magkamayaw ang mga tao sa Gym. Pinakilala nila isa isa ang mga players ng Hill at ng St.Jude. At dahil wala akong pakealam, naupo lang ako at nag ttext. Katext ko ang best friend kong si Danniel.
"Nasaan kaba bakit parang wala ka nanaman sa mood" Dain.
"Nandito sa Basketball Gym. Pinilit ako nina Klea sumama sakanila e. Wala na ako nagawa alam mo naman mga yon."
"Oo,mas okay nga yan at nalilibang ka e. Hindi yung sa kwarto ka lang maghapon. Bakasyon na. Hayaan mo naman sarili mo na mag enjoy." Sabe sakin ni Danniel. Ganito talaga sya sa'kin. Protective na parang kuya. Parang magulang kung manermon.
Tumayo ako para bumili ng makakain dahil sa totoo lang, gutom na gutom na ako dito. Samantalang ang mga kasama ko, todo hiyaw at parang hindi nauubusan ng energy kaka cheer like, Seriously?! Ugh!!
"Dain wait lang bili lang ako ng makakain. Reply ko sa best friend ko.
Habang naglalakad ako palabas ng Gym, hindi ko mapigilan hindi mapa tingin sa laro. Maganda nga ang laban nila kuya ngayon. 1st half ng laro, 35-32 ang score. Kaya pala hindi magka mayaw ang mga nanonood. Hindi ko napigilang hindi mapa ngiti ng makita ko si Kuya Dave na nag slam dunk sabay ang pag dagungdong ng buong Gym. Wala paring pagbabago si kuya Dave. Magaling parin sya sa paglalaro at mukhang lalong gumaling pa. Pero hindi ko maikakaila na marami ding mga magagaling na players ang Hill.
Nang pabalik na ako sa bench, last 2 minutes nalang pala sabay akong napatingin sa score board nung naka 3pts. ang Hill. 98-104 ang score. In favor parin ng St. Jude, though hindi ako mahilig sa basketball inaamin kong medyo intense nga ang laban nina kuya hindi mapalagay ang mga nanonood maging ang mga pinsan ko.. 30 secs nalang, 105-109 ang score kaya lalong naging mas maingay sa loob ng Gym. 10 secs nalang, 108-109 ang score at nasa Hill ang bola. 9... Napatayo ang mga manonood. 8... Mabilis na tumatakbo ang player ng Hill sa court. 7... 6... 5... Akmang i sshoot na ng player ng hill ang bola. 4... Oh noooo!!! Sigaw ni Klea at Margot. 3... Pumwesto na ang player at akmang tatalon na ng, 2... Biglang sulpot ni kuya Dave mula sa likuran at 1... Sabay tumalon ang player ng hill at si kuya Dave tumunog ang buzzer sabay ng pagka block ni Kuya Dave sa bola. Biglang tumahimik sa buong Gym at 1...2... Sabay na naghiyawan ang mga tao sa loob may mga nagsitalunan yung iba naman ay halatang halata sa mga mukha nila ang pagka dismaya. Nagtilian ang mga pinsan kong sina Aya, Klea at Margot. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa nasaksihan ko. It was really a great game.
Palabas na kame ng Gym ng makasalubong ko ang isang taga St. Jude na si Bryan at nilapitan ako kasama ang isang player ng Hill. Matangkad, maputi, maganda ang pangangaawan at... Gwapo. Si Bryan naman magkasing height lang kame. 5'4 gwapo din si Bryan.
"Uy Gab! Kamusta kana? Tagal kitang hindi nakita ah" Sabe ni Bryan.
Dahil wala ako sa mood, tanging. "I'm good, got to go." Lang ang sagot ko at binigyan siya ng assurance na ngiti sabay talikod at nagsimulang maglakad pauwi.