Tapos na ang klase namen, papunta naman ako sa locker ko. Lalagay ko lang yung mga libro, kakaen na din at pupuntahan na yung mahal kong Bryan. Ahihihi. :))
'Grabe, ang tagal na nila. Nagawa pa syang lokohin.'
'Kawawa naman sya, siguro kung ako sa kanya. Hindi ko na minahal yun.'
'Hindi naman kase peke yung pinapakita nung Guy, parang totoo.'
'Naku! Umalis na tayo dito. Baka naririnig na tayo.'Mga usapin na naririnig ko sa locker room. Sino kaya yung babaeng yun? Parang feeling ko niloloko lang sya ng taong mahal niya. Hay. Sana hindi yun mangyare samen ni Bryan, dahil hindi ko kakayanin.
"Best!" Sigaw mula sa pintuan. Tumingin naman ako, si Justin pala. Bestfriend namen ni Bryan.
"Oh, napadpad ka dito?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman. Ahm, best. Sana, kung may malaman ka na hindi maganda. Wag kang maniniwala ha? At wag mong bibigyan ng meaning. Kasi ginawa yun para sa ikabubuti mo." Sabe nya. Ano daw!? Ano ba pinagsasabe nito? Siguro, hindi to nakainum ng gamot kaya nantitrip na naman. Mahilig kasi mantrip to e. Haha.
"Haynako. Osige sige. Nantitrip ka na naman. Hahaha. Sabay na tayo magbreak." Yaya ko sa kanya.
Umiling naman sya at "Hindi to trip. Sige na, una na ako ha? Mag iingat ka na lang. Okay?"
Tumango naman ako bilang sagot. Haay. Si Justin talaga. Hindi daw trip. Hahaha.---
Papunta na ako ng Canteen. Nagugutom na kasi ako e. Hindi ko alam kung ano kakainin ko. Baka nga di na ko kumaen. Biro lang, haha.
Pagpasok ko ng Canteen, isang babaeng bumulaga saken.
"Huy! Sabay na tayo magbreak." Si Clarisse. Pinakaclosefriend ko simula nung 1st year college.
"Tara. Ano kakainin mo?" Yaya ko sa kanya.
"Kahet ano, basta hindi lason. Hahaha." Loko talaga tong babaeng to.
Patungo na ako sakanan, kasi gusto ko bumili ng shake at half long na maraming cheese. Yum yum! *u*
Bigla naman ako hinila ni Clarisse.
"Hindi tayo jan bibili ayoko jan. Panget mga pagkaen jan." Sabe nya habang nilalayo nya ako sa daan na yun. Hanubanamanyan! -___-
"Pero.." Di nya na ako pinatapos at nagsalita sya ulit.
"Di tayo pwede dun." Di pwede? Bat naman? -___-
----
-HardToForget12-
BINABASA MO ANG
NABIKTIMA KA NA BA NG FOREVER? (STORY 1 - WMUWSE)
Teen FictionISA KA BA SA KANILA? NABIKTIMA KA NA DIN BA NG SALITANG YAN? KUNG GUSTO MONG MALAMAN ANG TAKBO NG STORYA NILA, UMPISAHAN MO NG BASAHIN.