STORY 10.2

104 18 2
                                    

STORY 10.2

"Baby, handa ka na ba?" Tanong ni Kyle ng nakangiti. Andito kame ngayon sa tapat ng gate nila. It means, ipapakilala nya na ako sa mga magulang nya.

"Handa na ko." Inalok nya kamay nya kaya naman sinang ayunan din ito ng kamay ko. Bigla ng pumasok ang kotse sa gate nila. Ang lawak, ang ganda.

Huminto kame sa harap ng pinto, at may dalawang tao ang naghihintay samen. Siguro eto na yung mga magulang nya. Nahihiya ako kahet papaano.

"Anak." Sigaw nung Mama nya at agad silang nagyakapan. Ganun din ang gawi sa papa nya. Lumabas ako ng kotse ng may nakita akong ngiti sa kanila.

"Sya ba ang future wife mo?" Tanong ng Mama ni Kyle. Tumango naman sya at tsaka nginitian ako. Bumaba sya upang alalayan ako paakyat ng hagdan.

"Ikaw si Jamila, right?" Tanong ng Papa ni Kyle. Parang masunget. Tumango ako at ngumiti.

Bigla akong niyakap ng Papa ni Kyle at "Wag mong sasaktan ang anak ko, alam ko na hindi ka marunong manakit. Alam ko na hindi mo sya sasaktan. Ipangako mo saken na aalagaan mo sya. Ayoko pa syang mawala." Nagkatinginan ang Papa at Mama nya pati si Kyle. Uhh.. Ayaw mawala? Uh.. Parang ang gulo.

Maya maya ay tumawa sila.

"Ang drama naman ni Papa e." Sambit ni Kyle.

"Oh tara pasok na kayo." Sabi ng Mama nya. At hinawakan ni Kyle ang kamay ko.

Ang sarap sa pakiramdam na tanggap na ako ng mga magulang ni Kyle. Ang sarap na kabilang na ko sa pamilya. Kumaen na kame, at nag usap usap. Muntik na kong mabilaukan e.

"Ma, Pa. Magpapakasal na po kame ni Jamila." Agad tumahimik ang buong bahay.

Biglang lumuhod sa harap ko si Kyle, nakatingin saken ang Mama nya samantalang ang Papa nya nginingitian sya.

"Will you be my wife? Forever and everlasting? Will you marry me Jamila Castro?" Wala ng paligoy ligoy pa.

NABIKTIMA KA NA BA NG FOREVER? (STORY 1 - WMUWSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon