STORY 10

103 18 0
                                    

STORY 10

"Oh Anak, Kyle, mag iingat kayo sa Maynila ha?" Paalam samen ni Mama. Nakaimpake na lahat ng gamit at handa na kameng umalis.

"Opo Tita, iingatan ko po ang anak nyo. Hehe." Sabi naman ni Kyle kay Mama. Ang sarap lang sa pakiramdam.

"Naku Iho, wag mo na sabi akong tawaging Tita, Mama na." Haha. Oo nga. Ikakasal na naman na kame e. Tita pa din. Si Kyle talaga.

"Hehe. Sige po Ti-- Este Mama po." Bigla na kong humalik kay Mama sa pisnge at kay Papa.

"Mag iingat kayo doon ha?" Huling salita ni Mama na nginitian lang namen ni Kyle.

"Baby, handa ka na ba?" Tanong nya sakin. Baby na naman tawag nya. Haha.

"Baby na naman! Haha. Handa na ko. Handa na." Sabi kong nakangiti sa kanya.

Handa na nga ba akong harapin lahat? Handa na ba kong bumalik sa lugar na iniwan ko? Handa na ba kong harapin ang alaala na naiwan ko? Sana.. Sana..

--

2days ago (Maynila)

"Mahal. Maliligo na ko, bilisan mo dyan!" Sigaw ko kay Kyle. Nagmamadali sya pero ang tagal nya maligo. Mga lalaki nga naman talaga. Daig pa babae kung maligo. Masyadong malinis.

"Wait mahal. Sandali na lang." Tugon neto. Haynako.

Inayos ko na lang yung mga damet nya. 2days na kame dito sa maynila. Naninirahan lang kame sa condo nya. May sariling condo sya. Papakilala nya na ko sa mga magulang nya. Alam naman ng mga magulang ni Kyle kung sino ako. Gusto daw nila ako makilala ng lubos.

Pinatunayan sakin ni Kyle yung mga pangako na sinabi nya. Simula nung nanligaw sya. Nung kinukulit nya ko. Nung sinusungitan at tinatarayan ko sya. Hindi nya ko iniwan hanggang sa mahalin ko sya. Minamahal ko sya ng totoo. Kung nauna lang si Kyle. Sana.. Sana walang sakit na naramdaman ko noon. Pero nagpapasalamat ako kay Bryan. Dahil malaki rin ang tinulong nya sakin. Alam kong minahal nya din ako ng totoo, pero di nya ko pinaglaban.

NABIKTIMA KA NA BA NG FOREVER? (STORY 1 - WMUWSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon