Clarisse POV.
Nakakainis talaga yung bruhildang yun!
Nakakaasar. Wala sa usapan yun!
Bat kasama nya si Bryan?
Alam ko ang lahat ng ito.
Hindi nya pinaglalaruan si Jamila.
Hindi nya din ito niloloko.
Kung para sa inyo niloloko nya.
Ginagawa nya lang yun para sa ikakabuti nila Jamila.
Hindi ko alam kung ano bang meron kay Bryan,
at patay na patay yung babaeng yun!
Alam ko din na sya ang may ari ng University na pinapasukan namen.
Pinamana kasi yun sa kanya, kaya kanya talaga itong University na to.Ako at si Justin ang may alam ng lahat.
Ayaw nya pasabe kay Jamila, dahil ayaw nyang masaktan si Jam.
Pero para kasi saken, ang hirap.
Masakit na makikita ko yung kaibigan ko na nasasaktan.
Pinsan ako ni Bryan. At si Justin naman ay kinakapatid namen.
Hindi alam ni Jamila ang lahat ng tungkol samen, dahil ang alam nya lang. Dating classmate lang kame ni Bryan.__
Pumasok ako ng Canteen. Alam ko kasi na dito tutungo sila Bryan. At alam kong dito rin pupunta si Jamila. Kelangan ko sya iwasan sa mga bagay na hindi nya dapat makita.
"Oh, andito ka pala. Sino hinihintay mo? Ang hampas lupa mong kaibigan? Ha ha ha!" Sabe ng gaga. Umaangat ang dugo ko sa kanya e. Bwisit! -___-
"Sobra ka na! Hindi ka rin magsasaya kapag ikaw ang nagwagi." At bigla naman syang nagseryosong mukha nung sinabe ko yun sa kanya. Huh! Ano, magmamaldita ka pa sa harap ko.
"Clarisse." Malungkot na sabe ni Bryan. Bakas sa mukha nya na gusto nyang umayaw sa deal na yun. Na gusto nyang sumuko pero iniisip nya pa rin si Jamila.
Tumango na lang ako "Ako na bahala sa kanya. Sige na, wag ka na mag alala." At ngumiti naman sya na pilit lang. Dalawang tao ang nahihirapan. Pero mas nahihirapan si Bryan.
"Salamat." At hinila na sya ng bruhildang yun. Akala mo napakaganda, maganda nga. Wala namang ugaling maganda. Nonsense lang bruu! -___-
Maya maya nakita ko na din si Jamila. Kelangan kong protektahan si Bryan, at iiwas si Jamila sa mga bagay na hindi nya dapat makita.
"Huy! Sabay na tayo magbreak " Pagkagulat ko sa kanya. Chill lang Clarisse. Wag kang magpanic. Marameng tao sa canteen kaya hindi nya makikita si Bryan.
"Tara. Ano kakainin mo?" Tanong nya saken.
"Kahet ano, bast hindi lason. Hahaha." Pagbibiro na sabe ko.
Patungo na si Jam sa kanan pero pinigilan ko, hinila ko sya. Baka kasi makita nya si Bryan at yung bruhildang yun. Masira pa ang plano, at baka lalo lang maging magulo.
"Hindi tayo jan bibili ayoko jan. Panget mga pagkaen jan." Sabe ko. Masasarap naman ang mga pagkaen dun, kaso hindi pwede dun. Alam kong dun sya pupunta dahil bibili sya ng paborito nya. Yung halflong na maraming cheese.
"Pero.." Sabe nya. Hindi ko na sya pinatapos magsalita dahil nilayo ko na sya. Palabas na kame ng Canteen.
"Di tayo pwede dun." Sabe ko at bigla naman kumunot ang noo nya. Sorry talaga Jam. Sorry ayaw kong may madamay pa. Kaya ikaw lang iniingatan namen.
Malalaman mo rin ang planong to, pagdating ng panahon. Pero...
Yung panahon na yun ay mahalagang araw para sayo.
Sana ngayon pa lang, patawarin mo na ako. :(
___
-HardToForget12-
BINABASA MO ANG
NABIKTIMA KA NA BA NG FOREVER? (STORY 1 - WMUWSE)
Fiksi RemajaISA KA BA SA KANILA? NABIKTIMA KA NA DIN BA NG SALITANG YAN? KUNG GUSTO MONG MALAMAN ANG TAKBO NG STORYA NILA, UMPISAHAN MO NG BASAHIN.