Chapter Two

2.1K 31 9
                                    

Bandang alas tres ng hapon nang ipasya ni Rae na umuwi na sa bahay na tinutuluyan gamit ang bisikleta niya. Walang anu-ano'y may humintong sasakyan sa unahan niya saka dumungaw ang nagmamaneho noon.

"Hey, can I ask for a direction?" Tanong nito sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong niya nang makilala ang mukha ng kaibigang si Andrea.

"Namimiss na kasi kita, eh. Anlayo ng ibinyahe ko makarating lang dito. Kagagaling ko lang sa convention sa Zambales. Dito na ako dumiretso." Nakasimangot na sagot nito sa kanya. "Dapat matuwa ka, Rae. Ngayon lang ako nakapag-day off sa hospital para lang hanapin ka." Dagdag pa nito na ikinangiti niya. Isa itong general surgeon sa isang malaking hospital sa Sta. Monica na nang maalala ay nagdulot sa kanya ng panandaliang kalungkutan. Umibis mula sa kotse nito ang dalagang kaedad lamang niya.

"Ikaw talaga. Bakit mo pala ako hinanap?"

"Ooperahan ang Papa mo ngayon." Mahinang deklara nito. Napakunot-noo siya saka ito tiningnan nang matiim. Seryoso ang mukha nito na sinalubong ang tingin niya.

"Andrea naman. Huwag ka ngang magbiro nang ganyan. I just called him this morning. Wala naman siyang nabanggit na kahit na ano sa akin. Kilala ko ang Papa. Hindi maglilihim 'yon sa akin."

"Ikaw na rin ang nagsabi, Rae. Kilala mo ang Papa mo kaya naman alam mo na siguro na ayaw niyang mag-alala ka pa. Anyway, it's just a minor operation. Vestibular Schwannoma."

"Seryoso ka?" Hindi kumbinsidong tanong niya.

"Hay naku! May pagkaabnormal ako pero hindi ko gagawing biro ang kalusugan ng Papa mo. Maaabutan mo pa siya sa suite niya bago ang operasyon kapag umalis tayo ngayon din. Teka, bakit ka nakabisikleta? Nasaan ang kotse mo? My God, Rae. Huwag mong sabihin na pati kotse mo eh, iniwan mo na mula nang mag-intern ka sa hospital at magkaproblema?"

"Andami mo nang sinabi, Andrea. Tara na. Para maabutan pa natin si Papa sa kwarto niya."

==========

Samantala, papasok sa isang pampublikong CR si Shin nang maulinigan ang sunod sunod na hiyaw na iyon na nagmumula sa loob ng pasilidad. Nang buksan niya ang pinto ay tumambad sa kanya ang apat na pigura na puro babae. May hawak na bag ang isa sa apat na sa tingin niya ay siyang lider ng grupo na tadtad ng make up foundation at kolorete ang mukha. Ang isa naman ay naiiyak habang inaagaw ang nasabing bag. Bullies!

"Anong itinitingin-tingin mo diyan? Umalis ka nga rito!" Sita sa kanya ng babaeng may tangang bag. Saka nito hinablot mula sa loo bang wallet na naroon. Nagpatuloy siya sa pagpasok. Napatingin sa kanya ang lahat. Taas-kilay na tinapunan niya ng tingin ang mga ito.

"Abat! Bakit ganyan ka makatingin? May problema ka ba sa amin? Gusto mong makatikim?" Anang babaeng may katabaan. Lumapit ang isa sa kanya at dinuro siya.

"Gusto mo bang mabugbog ha?" Nang akmang kukutusan siya nito sa ulo ay mabilis na hinuli niya ang kamay ng babae saka iyon buong pwersang binalibag. Malakas na komosyon ang kasunod na narinig sa loob ng pampiblikong CR na iyon.

Pagkalipas ng mahabang sandali, hirap sa paggalaw ang tatlong babaeng gangster. Kinuha niya ang wallet at iniwanan ng malakas na palo sa ulo gamit ang nasabing wallet sa babaeng may tangan niyon.

"Wallet mo." Saad niya sa babaeng nakatayo at tigagal na nakatingin sa mga nakabalandrang kababaihan na kanina-kanina lang ay ginugulo ito. Nang abutin nito iyon ay mabilis siyang tumalikod at lumabas na sa lugar. Agad naman siyang hinabol ng babae.

"Miss, sandali! Hintayin mo 'ko." Habol nito ngunit hindi niya ito pinansin. Patuloy pa rin itong nakasunod sa kanya kaya naman binukyawan niya ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Doctor Crush (a TAGALOG version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon