Prologue

4.4K 54 8
                                    

"Ano ba?!" Malakas na sigaw ng labinwalong taong gulang na si Shin Alhambra habang marahas na hinihila ng amang si Manolo patungo sa tahanang halos hindi na matandaan ng dalagita sa eskinitang iyon.

"Naghihintay na ang lola mo sa atin." Mahina ngunit puno ng conviction sa saad ng ama na labis niyang ikinayamot. 

"Wala akong pakialam! Sabing bitawan mo ako, eh!" At marahas rin siyang pumiksi kaya't nabitiwan siya nito nang tuluyan. "Ama nga kita pero matagal mo nang tinanggal ang karapatan mo na makialam sa mga desisyon ko."

"Mas mapapalagay ang loob ko kapag nandito ka. Hindi iyong kababae mong tao pero araw-araw kang nasa rambol. Kung anu-anong mga kalokohan ang pinaggagawa mo."

"Ano naman sa iyo? 'Yong bagong pamilya mo ang pakialaman mo. Masaya ako sa buhay ko. At buhay ko 'to kaya ako ang nakakaalam kung ano ang dapat at hindi dapat para sa akin."

"Shin-" nahihirapan ang loob na sambit ni Mang Manolo. Sinalubong niya ang tingin ng ama. Puno ng galit at hinanakit na nakipaglaban siya ng titigan hanggang sa maulinigan niya ang tinig na iyon ng abwelang hindi na nila namalayang nakalapit na sa kanila mula sa bahay nito ilang metro ang layo sa kanila.

"Nandiyan na pala kayong mag-ama. Nagtatalo ba kayo?" Puna ng ginang na nasa mahigit animnapu ang edad. Yumuko si Mang Manolo bilang pagbati sa matanda.

"M-magandang araw, Ma. Kayo na po ang bahala kay Shin." Saad nito saka siya tiningnan at tatalikod na sana.

"Ha? Teka, hindi mo man lang ba ihahatid sa loob ang anak mo?"

"Hindi na po. Tawagan nyo na lamang ako kapag may problema. Aalis na ako."

Naiwang nakamaang ang matanda samantalang hindi kababakasan ng anumang emosyon ang mukha ni Shin. Kahit pa nang akayin siya ng lolang estranghero na para sa kanya ay wala siyang pakialam.

========

"Magandang umaga sa inyong lahat."

Ang nakangiting bati ni Teacher Rae Valerio sa buong klase niya sa exclusive school for girls na iyon . Lihim siyang napangiti lalo nang mapansin ang lihim na ngitian at sikuhang nangyayari sa ilang estudyante niya.

"Ako ang magiging homeroom adviser ninyo mula ngayon. I'm looking forward of having a fruitful and productive school year with you."Muli siyang napangiti nang mahimigan ang tila kinikilig na pagsang-ayon  sa tinig ng mga estudyante. 

Magaan ang loob na nagsimula siyang magturo. Nang makitang engrossed na engrossed ang mga tinuturuan ay napabuntong-hininga siya. Ito ang buhay na gusto ko. Ito lang dapat.

ITUTULOY

Doctor Crush (a TAGALOG version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon