Dedikasyon ng may Akda

55 4 0
                                    

  Ang sulat na ito ay para sa mga buhay na tao. Lalo na sa mga kristyano:
                                                                                                               
Sapagkat ang sulat na ito ay tumutukoy sa mundo ng kristyanismo. Ang kristyanismo ay itinuturing kong tunay na relihiyon. Marahil ang kristyanismo ay nagkaroon ng kanya-kanyang bahagi at ang bahagi na iyon ay magkakaiba ng paniniwala tungkol sa kaligtasan. Ngunit nais kong ipaalam na ang kongregasyon ng Messiah ay iisa lang, kahit na ito'y magkabaha-bahagi. Nais ng Diyos na pag-isahin ang kristyanismo at itama ang mga maling aral at ilabas ang katotohanan, dahil papalapit na ang araw ng kanyang paghuhukom. At nais ng Diyos na bigyan ng pagkakataon ang mga makasalanang tao na maligtas katulad ng mga sumasamba sa mga diyus-diyosan at walang pinaniniwalaang Diyos. Dito ko rin isusulat ang damdamin ng Diyos, mula sa minamahal na nilalang hanggang sa mga bulaan. kaya inaalay ko rin ang mga sulat na ito sa mga ateyista at sa iba pang relihiyon na iba ang kinikilalang Diyos. (nawa'y makilala na nga ang inyong kaluwalhatian Diyos Ama, kanyang Anak at Banal na Spirito na kanyang kapangyarihan.)
                                                                                                                                                                 
Paalala:
                                                                                                                                                                           
Ang mga nakasulat dito ay hindi maaring husgahan kung tama o mali, kung may nauna man na persona nanakapagsulat na nito ay di ko sasadyaing lagyan ng kredito, "Sapagkat ang nagagawa ngayon ay nagawa na rin noon. ". Ang kredito ay tanging sa Diyos lamang.

God's PerspectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon