Si Lucifer ay isa sa pinaka matalinong anghel na nagawa ng Diyos, naging malapit si Lucifer sa Diyos kaya hindi nalalayo na marami rin syang alam tungkol dito, sinasabihan ng Diyos si Lucifer ng kanyang nalalaman, plano at sikreto. Mahal ng Diyos si Lucifer kaya pinagkalooban nya ito ng kakaibang talino, kaalaman at kapangyarihan. Ipinakita rin ng Diyos kay Lucifer ang mundong kanyang ginawa at sinabi sa kanya," Gusto ko kasama kita sa pag-unlad ng mundong iyan.".
At ng dumating ang panahon na hiniling ni Lucifer sa Diyos ang isang kapangyarihan; kapangyarihan na tulad ng sa Diyos, ngunit hindi pumayag ang Diyos kaya tinanong sya ni Lucifer,
"Akala ko ba mahal mo ako?", tumugon ang Diyos ng, "Mahal kita!", at muling nag tanong si Lucifer, "Kung ganun bakit hindi mo kayang ibigay ang hinihiling ko sayo?". Nag tampo si Lucifer dahil hindi sya napag-bigyan ng Diyos sa kanyang hiling.
Gusto ni Lucifer na maging tulad ng Diyos na makapangyarihan ngunit hindi siya napag bigyan ng Diyos. Kaya nagkaroon ng galit si Lucifer, napagpasyahan nya na maging laban sa Diyos kaya pagmamalabisan nya ito. Nag salita si Lucifer sa mga kapwa nya anghel at sinabing. "Alam ko ang kahinaan ng Diyos, alam ko kung ano ang sikreto nya at alam ko kung paano maging tulad nya, sino man ang ibig na maging makapangyarihan ay sumama sa akin laban sa kanya; kung sasama kayo sa akin, kayo'y magiging Diyos!", Naniwala ang ibang mga anghel sa sinabi ni Lucifer kayat tumalikod ang iba sa Diyos at sumama dito.
Naniwala ang ibang mga anghel kay Lucifer, dahil kilala sya bilang malapit sa Panginoong Diyos. Matalino at magaling mag salita si Lucifer at kaya nyang paikutin ang sino mang nilalang.
Naimpluwensyahan ni Lucifer ang ilang milyon na anghel upang sumama sa kanya para sakupin ang kaharian ng Diyos ng sa gayon ay sila naman ang maghari. Ang kanilang nasa isipan ay mangmang ang Diyos dahil madali itong magpatawad at hindi madaling magalit, kaya nararapat lamang na palita ng isang magaling na pinuno ang kaharian ng Diyos. Ngunit batid ng Diyos ang digmaan na hinahangad ni Lucifer kaya nalungkot ito at nag karoon ng poot kay Lucifer at sa iba pang sumama dito, dahil sa poot tinawag nya si Lucifer sa pangalang Satanas at ang mga anghel na sumama kay Satanas ay tinawag nyang demonyo.
Tinawag ng Diyos ang isang magiting na anghel at inutusan na mamuno sa nalalapit na digmaan laban kay Satanas at sa mga demonyo. At ng nangyari na ang Digmaan matagumpay na napatalsik ng Diyos ang mga demonyo at si Satanas sa kanyang kaharian.
Si Satanas ay hindi natinag kahit sila'y nabigo, may galit parin si Satanas sa Diyos, kaya't gumawa sya ng paraan para saktan ang Diyos. Pumunta ang kapangyarihan ni Satanas sa mundo ng Eden bilang ahas at tinukso ang babaeng na ang pangalan ay eba at ipinahayag na sila'y nakakulong at walang kalayaan; Ipinahayag nya iyon ng may matinding karunungan at nakakalitong tanong, "Totoo bang sinabi ng Diyos na huwag kayong kakain ng anumang bungangkahoy sa halamanan?" (kahit na alam naman nya na pwedeng kainin ang bungang kahoy maliban sa bungangkahoy ng puno ng karunungan. Mapagusapan lamang ang puno ng karunungan) "Maari naming kainin ang anumang bunga sa halaman, huwag lamang ang bunga ng puno nanasa gitna niyon. Sinabi ng Diyos na huwag naming kakainin ni hihipuin man ang bunga nito; at kapag kinain daw namin ito, mamatay kami." Sagot ng babaeng si eba. Ngunit sinabi ng kapangyarihan ni satanas, "Hindi totoo iyan, hindi kayo mamatay! Sinabi lang iyan ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon ay makakaunawa kayo. Kayo'y magiging parang Diyos at malalaman ninyo ang mabuti at masama." Sa galling magsalita ni Satanas ay nagawa nya na maging maganda sa paningin ng babae ang punongkahoy na iyon. Natuwa si satanas dahil madali nyang natukso at nalinlang ang babae. Ang babae ay namangha at kinain ang bunga at ipinagmalaki sa kanyang asawang lalake na si adan na ito'y kainin din.
Ng mangyari iyon nalaman ng lalake at babae na sila'y hubad bagama't kapwa sila hubad ng panahon na iyon at nagkaroon sila ng kaalaman tungkol sa mundo; At ng bisitahin ng Diyos ang Mundo hinanap nya ang taong kanyang nilikha. Ngunit nagulat ang Diyos ng sila'y nagtatago at sinasabing sila'y hubad ng makita sila, na lungkot ang Diyos dahil hindi sya sinunod ng kanyang nilikha, kaya nagalit ito at sila'y pinalayas at binigyan ng kaparusahan.
Matinding luha ang lumabas sa mga mata ng Diyos at matinding sakit ang kanyang dinaranas. Dahil ang kanyang pinagkakatiwalaan ay nabigo.
Umiiral pa rin ang tampo at galit ni Satanas sa Diyos, kaya ng lumago ang sangkatauhan ay gumawa ulit ito ng bagay na makakasakit sa Diyos. Nilagyan nya ang mundo ng pag nanasa sa kayamanan at iba pa, upang ang naninirahan dito ay gumawa ng masama, nag panggap din sya bilang huwad na diyos upang makagawa ng mga diyos-diyosan at ng sa gayon ang mga taong mahal ng Diyos ay mawalay at ito ang sambahin.
Labis na nasaktan ang Diyos sa ginawa ni Satanas at hindi nya akalain na mas pipiliin ng tao na kanyang ginawa na maniwala kay Satanas kaysa sa kanya. Hindi pumayag ang Diyos na basta ganun nalang ang mangyari kayat nag takda ito ng mga kautusan.
" huwag kayong sasamba sa mga diyos-diyosan sapagkat akong Diyos ay mapanigbughuin. Huwag kayong gagawa ng mga imahe ng mga nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin."
Napakasakit para sa Diyos ang ginawa ni Satanas, umukit sa kasaysayan ng daigdig upang gumawa ng kwento na makakapagpalayo sa kanya, gumawa ng mga kahanga-hangang bagay at nanlinlang ng mga matatalinong tao para makapagpalayo sa kanya. Sobrang sakit ng ginawa nito inilayo nya sa Diyos ang mga tao. Ang mga taong mahalaga sa Diyos; ang kayamanan ng Diyos.
Ang Storya ng Diyos ay hindi din nalalayo sa Storya ng tao.
Ang damdamin ng Diyos ay hindi din nalalayo sa damdamin ng tao.
Ang buhay ng tao ay maikli lamang at saglit lang ito kung maituturing, saglit lang na mararanasan ang sakit at problema, saglit lang ang pag-subok. Sino man sa inyo ang nasasakop ng napakatinding pagsubok ay huwag ng paghinaan pa ng loob; maging matatag kayo. Paano nalamang ang araw-araw na lungkot nanararanasan ng Diyos, gayun ay hindi naman sya namamatay? Araw-araw may nawawalan ng buhay, araw-araw may nagkakasala, araw-araw ay may tumatalikod sa kanya, at araw-araw ay may gumagawa ng masama; Araw-araw ang sakit na kanyang nadarama.
Sa kwentong ito katulad ng tao na mayroong matalik na kaibigan; pinagsasabihan ng sikreto at ng problema. Ngunit ang kaibigan nya'y nagtampo dahil sa maliit na bagay, nagtampo dahil hindi nanalo. kaya't siniraan sya sa mga mahahalagang tao sa buhay upang lumayo ang mga ito. Anong mararamdaman mo? Kung ang mga kaibigan mo, pamilya mo ay lumayo sayo dahil siniraan ka o hinamak ka ng pinagkakatiwalaan at minamahal mong kaibigan? at hindi na mababalik ang mga masasayang araw sa buhay mo. Masakit diba?
"Kaya ang pagtatampo ay itinuturing na kasalanan, para ka naring si Satanas kapag nagtampo ka.
Gamitin mo ang patatampo sa tamang paraan at hindi sa mali. Huwag kang magtatanim ng galit at huwag kang maghihiganti. Kung gagawin mo iyon pinili mo si Satanas, 'huwag mong gagawin ang bagay na hindi mo alam ang ibig sabihin.'."
Ang kapasyahan ay nasa iyo kanino ka panig: sa nagmamahal ba sayo o hindi?