Ano ang Bibliya?
Ang Bibliya ay Banal na Aklat ng Kristyanismo na isinulat ng Diyos sa pamamagitan ng Spirito Santo gamit ang mga kaibigan nyang tao (Propeta). Ang Bibliya ay damdamin ng Diyos, kung saan nakasulat ang kanyang pagmamahal, galit, lungkot at ligaya at diyan din nakasulat ang kanyang katwiran at makikita ang kanyang perspektibo. Ang mga kwentong nakasulat sa Bibliya ay totoong ng yari sa kasaysayan ng daigdig. Sa Bibliya rin nakasulat ang plano ng Diyos sa buong mundo at sa susunod pang panahon. Ang Bibliya ang syang nag tuturo ng tamang katwiran, pananaw, paniniwala at perspektibo, ang Bibliya rin ang nagtuturo upang mabuhay ng tapat at sinasagot rin nito ang mga tanong sa buhay. Ang Bibliya ang nag lalarawan sa kabutihan at pagmamahal ng Diyos sa atin.
Ang Bibliya ay kwento ng Diyos. Katulad ng mga Author/Writter ng isang libro o programa nagsusulat sila upang maipahayag ang gusto nilang ipahayag, maintindihan, at magturo ng tama o mali. Yun din ang dahilan ng Diyos kung bakit nya isinulat ang Bibliya. Ngunit ang Bibliya ay hindi basta-basta normal na aklat lang. Maraming nag himagsik sa Bibliya at pinapatay ang mga naniniwala dito noon. Sapagkat ang Bibliya ay puno ng karunungan; karunungan na babasag sa katahimikan ng mga palalo at mapagmataas na tao. Sa pag aakala ng mga palalo na ang siyensya at pilosopiya ay kontra Bibliya naghimagsik sila. Ngunit ang totoo ang siyensya at pilosopiya ay pinapaburan ang mga nakasulat sa Bibliya. "Sapagkat walang mananalo sa katwiran ng Diyos.".
Ang Bibliya ang unang nag patotoo na ang mundo ay Bilog
Ang Bibliya ang unang nag patotoo na pwedeng panglinis ang tubig
Ang Bibliya ang unang nag patotoo na may liwanag at dilim
Ang Bibliya ang unang nag patotoo ng dahilan ng pagkabuhay ng tao.
Ang Bibliya ang unang nag patotoo na ang tao ay higit sa mga hayop.
Ang Bibliya ang unang nag patotoo ng tama at mali, mabuti at masama.
Ang Bibliya ang unang nag patotoo ng lahat!
Ang Bibliya ay isang Talaarawan ng Diyos.
Kinilala ito bilang isang Banal na Aklat, sapagkat ang Diyos ay kinikilalang makapangyarihan at banal sa lahat. Nais ng Diyos na makilala mo sya upang maging kaibigan, Ama, kapatid, pamilya, sandalan, kanlungan at Diyos na makapangyarihan.
"Sinasabi ko sa inyo: kung nais ninyo maging tama ang inyong katwiran, kilalanin nyo ang may tamang katwiran. Tamang pananaw sa may tamang pananaw, tamang paniniwala sa may tamang paniniwala, tamang prinsipyo sa may tamang prinsipyo, tamang perspektibo sa may tamang perspektibo."
Natitiyak ko na ang Diyos ng mga Kristyano ang may tamang katwiran, ang Bibliya ang aking patunay.
