PROLOGUE
Sobrang kinakabahan si Princess habang nag lalakad paakyat sa kwartong inupahan ng kanyang kasintahan na si Jake sa isang mamahaling hotel. Hindi niya alam kung anong balak ng kanyang nobyo dahil sila ay anim na buwan pa lang na mag kasintahan. Ang alam lamang niya ay meron itong sasabihin na napakaimportante. Madaming kuro kuro ang kanyang naiisip tulad ng baka may asawa na ito at hiwalay na sila o kaya may anak na pero walang asawa o baka naman may iba ng mahal. Sa sobrang dami ng kanyang naiisip hindi niya namalayan na lumampas na pala siya.
"Knock, knock knock"... Kumatok si Princess sa pinto.
"Baket ngayon ka lang? Kanina pa kita iniintay." Salubong sa kanya ni Jake.
Dahan dahan syang pumasok sa kwarto. Hindi niya alam kung dapat ba niyang tanungin si Jake tungkol sa kanilang pag uusapan o hahayaan na lang niya na si Jake ang mag umpisa.
"Baby, maupo ka dito sa kama" sabi ni Jake sa kanya.
"Okay na ako dito sa sofa. Ano ba ang pag uusapan naten at dito mo ako dinala?" hindi na mapigilan ni Princess ang kanyang sarili.
Lumapit si Jake sa kanya. Umupo sa tabi nya, hinawakan ang kayang dalawang kamay. Hindi rin ito mapakali habang nag shashake ng kanyang tuhod. Dahil di na niya mapigilan ang kanyang sarili kusang ng mag tanong si Princess sa kanyang kasingtahan.
"Baby, are you having an affair? Kaya mo ba ako dinala dito ay para sabihin sa akin na hihiwalayan mo na ako? Baket dito mo pa ako dinala sa mamahaling hotel na ito pwede naman na..." hindi na natuloy ni Princess ang kanyang mga sasabihin dahil biglang tumayo si Jake sa kanyang pag kakaupo.
"Baby, what are you talking about? Im not having an affair and I will never ever cheated on you. Baket ganyan ka mag isip? pagalit na sinabi ni Jake sa kanya.
"Eh, baket mo ako dinala dito? baket nandito tayo ngayon?" inis niyang tanong.
"Hindi ko lang alam kasi kung pano ko sasabihin sa iyo ang totoo? Yung totoong ako..."
BINABASA MO ANG
Mananatili Kang Mahal
RomanceTagalog version of I Still Love You. Kwento tungkol kay Princess na nainlove kay Ryan dahil sa pag pupursige nito pero hindi niya alam na meron itong malaking tinatagong sekreto. Ito ay storyang kathang isip lamang.