Chapter 1: New school, new enemy.

10.4K 173 9
                                    

Chapter 1: New school, new enemy.

Tzuyu's PoV

Umaga nanaman, bago nanamang umaga, lahat bago. Pero iisa lang ang hindi nagbabago, yun ay ang pagiging maganda ko =_~

May kumatok sa pintuan ng kwarto ko kaya napalingon  ako dun, ang aga-aga nangiistorbo. Si Dahyun lang pala, akala ko kung sino na psh.

"Tzuyuuuuu! First day na natin ngayon omygolly! Hindi ka ba excited?!" Matining na sabi niya saakin kaya napatakip ako ng tainga ko.

Tinignan ko siya ng masama na masama ayoko kasi sa lahat yung hindi ko pa pinapayagan pumasok pero pumapasok na kaagad-agad. "Lumabas ka nga dito! Nakaka-inis ka Kim Dahyun ah!" Naiinis kong sabi habang umuusok ang ilong ko. Hindi literal ah.

Inirapan naman niya ako bilang sagot niya saakin. Ganyan talaga yang babaeng yan, iirapan ako lagi. Kahit naman wala akong ginagawa sakanya, siya lang yung kaibigan ko since birth, wala kaming kaibigan dalawa kasi nga lagi namin silang iniignore o kung hindi man, inaaway lang namin sila. Wala e, kaya nga lagi kaming naki-kick out sa school namin kaya nilipat kami nila daddy sa school daw kung saan bagay ang mga war freak na tulad namin =_= as if namang may paki kami e? Bording school nga pala yung lilipatan naming school. Ngayon na kami lilipat kaya eto ako, nai-impake na ng mga damit. Pambahay at pang-alis ko.

May kumatok nanaman kaya napa-ikot ako ng mata ko. "Pasok!" Sigaw ko sa kung sino mang kumakatok na yun.

Si daddy lang pala. Akala ko naman kung sinong importante. Psh, patay na yung mommy ko at itong nasa harapan ko ngayon ang dahilan.

Nakatayo lang siya sa harap ko, takot ata magusot yung damit niya. Tss, dami niyang alam.

"Anong kailangan mo daddy?" Walang gana kong sabi sakanya habang isini-zip yung maleta na dala ko. Pwede naman kasing wag nalang kaming ilipat ng ibang school magpapakabait naman talaga kami e. Tss.

Malamig niya akong tinignan, wala namang bago sakanya e, ganyan na yan since dati pa -_- "Magloko ka na sa school na 'to, hindi ka na maki-kick out." Sabi niya saakin at tuluyan nang umalis, ano kaya yun? Psh wala talaga siyang kwenta parang pangalan lang niya.

***

Naramdaman kong may tumapik tapik sa balikat ko pero I just ignored it "Tzuyu ano ba! Nandito na tayo oh!" Rinig kong sigaw ni Dahyun. Paano ba namang hindi ko maririnig? E sinigaw na niya sa tapat ng tainga ko.

Sinamaan ko siya ng tingin nung maka-labas na ako sa kotse na siya ang nagda-drive, alangan ako e nakatulog nga ako di ba? But she just rolled her ugly eyes at at me. Sa mga oras na 'to ay gusto kong dukutin ang eyeballs niya, pero masyado ata akong amazed dahil sa ganda ng eskwelahang 'to.

Pumasok na kami ni Dahyun sa loob ng school pero wala parin atang tao, guards lang, yun lang talaga. Wala nang iba. Pero isang magandang babae ang nakita naming parang may hinihintay, sa sobrang ganda nga niya di ko na napansin na palapit na pala siya saaming dalawa ni Dahyun. Tinaasan niya kami ng kilay kaya naman napaatras kami "So, kayo na ba sila Zhou Tzuyu and Kim Dahyun?" Diretsong tanong niya habang nakatitig saakin. Yung titig na matatakot ka, pero imbes matakot ako, nainis ako e.

"Oo, kami nga" Pinaramdam ko din sakanya na irita ako sakanya.

Tumalikod siya saamin "Follow me, by the way I'm Minatozaki Sana, I will be your guide." Yan ang huling sinabi niya bago tuluyang naglakad kaya naman naka-sunod lang sakanya.

Naka-kita kami ng apat na building. Isa sa gitna, isa din sa kaliwa na matatanaw mo na kaagad at isa rin sa kanan medyo malayo ng kaunti at isa sa may bandang kaliwa ng nasa gitna na sobrang malayo pero tanaw mo parin mula dito.

Gangster AcademyWhere stories live. Discover now